JERRY OLEA
On its third week na ang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Iyong ibang official entries ng MMFF 2024 ay nag-umpisa na ang international screenings.
Read: MMFF 2024 stars: May mga bagong pasabog ngayong 2025
NAZARENO 2025
Siyempre, focus muna ang MMDA sa mga kaganapan sa Quiapo Church at Quirino Grandstand kaugnay sa pagdiriwang ng Nazareno 2025: Debosyon, Traslacion, Misyon.
Ang tema ng kapistahan ay, “Mas MABUTI ang PAGSUNOD kaysa PAGHAHANDOG sa mga UMAASA kay JESUS.”
Enero 7-9, Martes hanggang Huwebes, ang PAHALIK sa Quirino Grandstand.
Mamayang 12:00 MN ang MISA MAYOR sa Quirino Grandstand, kasunod ang pagpapatuloy ng Vigil.
Sa Quiapo Church, ngayong Enero 8, Miyerkules ng 3:00 P.M., ay umpisa ng oras-oras na FIESTA MASSES hanggang bukas ng hating-gabi.
Simula Miyerkules ng 9:00 P.M. hanggang Huwebes ay maraming kalsada sa Maynila ang isasara para sa PRUSISYON mula Quirino Grandstand papuntang Quiapo Church.
Ayon sa Manila Public Information Office, humigit-kumulang 14,500 na mga puwersa mula sa Philippine National Police (PNP), mga kawani ng MDRRMO at MTPB, at iba pang mga opisina tulad ng Metro Manila Development Authority, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Joint Task Force, at Philippine Red Cross ang bahagi ng Team Nazareno 2025 na aalalay sa mga deboto ni Jesus Nazareno sa Traslacion 2025.
Ang mga deboto ng Poong Nazareno sa Quiapo ay wala sigurong oras o interes para manood ng sine ngayon at bukas.
Read: Traslacion 2024: Everything you need to know
NEW MOVIES IN CINEMAS
Balik na sa mga sinehan umpisa ngayong Enero 8, Miyerkules ang Mufasa: The Lion King at Moana 2.
May mangilan-ngilan ding sinehan na inilaan para sa Gladiator II.
Limang bagong foreign films ang opening today sa mga sinehan nationwide — sing-along version ng Wicked, action thriller na Den of Thieves 2: Pantera, horror movie na Dominion of Darkness, pelikula ni Mario Maurer na Rider, at ang exclusive sa SM cinemas na Attack on Titan: The Last Attack.
Read: Box-Office Report 2024: Mga pelikulang kumita at sumemplang

NOEL FERRER
Ang daming nagaganap pero in-assure ako ng pamunuan ng MMDA/MMFF na mapapanood pa ang MMFF50 entries sa mga sinehan.
At magagamit pa rin ang mga MMFF Season pass sa pagpapanood nito.
What a Season na maraming ganap, di ba?
Ngayon ko nakita ang paghahabol ng mga kaibigan na mapanood ang magagandang pelikula ng MMFF.
Ngayon lang din may nag-report ng insidente ng pagbebenta ng Season Pass hindi lang yung buo at kumpleto, ha, kundi pati iyung gamit na!!!
Ang hindi alam ng mga tao, may control number ang MMDA sa mga ganyan at nate-trace namin kung kanino o saang grupo nabibilang ang mga gumagawa nito.
Read: MMFF 2024 extended hanggang January 14, 2025
GORGY RULA
Dahil sa patuloy nating pag-a-update sa box-office returns ng sampung pelikulang kalahok sa MMFF 2024, ang daming nangungulit sa atin kung nakamagkano na ba talaga ang kita nitong nakaraang weekend.
May nakakarating pa rin sa aming impormasyon ng total gross, pero mas mabuting hayaan na lang natin ang Executive Committee ng MMFF na maglabas ng official report kaugnay rito.
Sa ngayon ay naka-focus muna ang MMDA sa Traslacion 2025 dahil lumulobo na ang dami ng tao sa Quirino Grandstand.
As of 7:00 A.M. ngayong Miyerkules nang na-check namin ay mahigit 20,000 na ang pumipila sa Pahalik.

BACK TO NORMAL
Talagang naibalik na sa normal ang taunang debosyon sa Poong Nazareno dahil ilang taon ding hindi ginagawa ang Pahalik noong panahon ng pandemya.
Kaya kahit ang ibang taong pumipila ay may bitbit pang sanggol na gusto nilang isama sa Pahalik.
Kahit sinasabi ng ibang hindi pa iyan naiintindihan ng mga bata, hindi natin puwedeng kontrahin ang paniniwala at pananampalataya ng mga nagdedeboto.
Noong isang gabi ay napansin na ang mga matatandang nagtitiyaga ring pumila. Kaya pinag-uusapan na kung dapat mas unahin o hiwalay na pila ang mga senior citizens.
Nabanggit na rin lang ang senior citizens, naiparating sa akin ang hinaing ng kaibigan naming si Direk Armando Reyes na gusto sanang manood uli ng ilang MMFF movies na nagustuhan niya.
Pumunta siya ng TriNoMa para bumili ng ticket sa isang MMFF movie na gusto niyang panoorin uli, hindi siya binigyan ng senior citizen discount dahil pagkatapos pa raw ng filmfest puwedeng gamitin ang senior citizen card.
