PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Santos nilapitan ng dalawa pang lalaking naabuso rin daw

Nahalay diumano sila ng parehong tao na nang-abuso kay Gerald.
by PEP Troika
Published Jan 12, 2025
Gerald Santos
Isasabay raw ni Gerald Santos sa kanyang Courage concert ang paglulunsad ng Courage Movement, isang samahan na handang tumulong sa mga nakaranas ng pang-aabuso, sexual harassment, at rape.
PHOTO/S: Jerry Olea

Trigger Warning: Mention of Sexual Harassment and Rape

Gorgy Rula

Todo sa pagpo-promote ni Gerald Santos sa kanyang nalalapit na concert, ang Courage na gaganapin sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City, sa January 24, 2025.

Bukod pa riyan ay may bago pa siyang single na pinamagatang "Hubad" na medyo may pagka-daring na siya rito.

Ibang-iba rin ang pagkanta niya rito at tugma sa title mismo ng kanta ng sinasabi niyang “Ako ay hubad, hubad, hubad sa pag-ibig sa ‘yo. / Pawiin mo ang uhaw ko. / Tigang ang puso ko.”

Ang sexy ng dating ng kanta, pero ikinabit ito sa pinagdaanan niya last year kung saan ay ibinunyag niyang na-rape siya noong kinse anyos pa lamang siya.

Ngayon ay matapang na niyang hinarap itong pinagdaanan niya at humihingi siya ng hustisya sa pagsampa ng reklamo laban sa taong gumawa nito sa kanya.

Tugma rin iyon sa pamagat ng nalalapit niyang concert na Courage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoo lang, sabi ni Gerald, noon pa man ay binabalak na nilang magbago ng image at medyo daring na sa mga kakantahing ire-record niya.

“Actually, year 2019 pa… ang weird nga e,” pakli ni Gerald sa mediacon noong Enero 10, Biyernes sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., QC.

“Kasi before mag-close ang ABS[-CBN], meron na akong record deal with Star Music at that time, and meron nang mga songs na parang ganito yung tema kasi mag-reinvent na ako.

“Pero yun nga, unfortunately, you know what happened with ABS, hindi na natuloy yung deal namin.

“Ang ganda ng mga songs nun, ang sexy din, soulful, daring, pero hindi siya natuloy. Siguro hindi pa meant at that time.”

Ito namang Courage na concert ay dito na rin niya ilulunsad ang binuo nilang Courage Movement para sa mga nabiktima ng pang-aabuso, sexual harassment, at rape na walang courage makipaglaban.

“Itong Courage Movement, it will help yung mga victims ng sexual abuse, harassment, yung mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi na-realize ko nung lumabas ako last year, na-realize ko how hard it was na dun sa mga biktima. So, I want to offer help in every little way I can para sa mga victims.

“May mga lumalapit na nga sa akin. Last year, lumapit sa akin si Enzo [Almario] na biktima rin ng same person. So, dun nagsimula tong Courage,” saad ni Gerald.

Gerald Santos standing beside Courage concert poster.
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Nakatulong ba kay Gerald Santos ang mapait niyang karanasan kaugnay sa pag-interpret ng kanta niyang "Hubad" na may pagka-daring ang dating?

“Actually, yung naranasan ko, it was not really a good experience,” sabi ng 33-anyos na mang-aawit.

“I would not say that’s sexy at all. I would say na mula nun nung mangyari yun, it made me a strong person.

“Made me, you know… kung ano yung wisdom na meron ako ngayon. So, nadala yun. Through time, na-develop sa akin siguro yung strength ko as a person.

“Hindi lang dahil sa nangyari, kundi sa mga lahat ng pinagdaanan ko, nagsama-sama na yun, accumulative. And now, ayan lumabas na yung song na 'Hubad.'

“Siguro, nung lumabas yung lahat ng experiences ko sa buhay.”

Kinse anyos si Gerald nang mangyari ang panghahalay diumano sa kanya ng music composer and producer na si Danny Tan, samantalang dose anyos naman si Enzo Almario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dalawang lalaki pa raw na lumapit kay Gerald at nagkuwento rin ng naranasan nila diumano kay Danny, pero hindi pa raw handang lumantad ang mga ito. Nasa edad dose raw ang dalawa nang mangyari ang naranasan nila kay Danny.

JERRY OLEA

Sinagot na rin ni Gerald Santos ang komento ng iba, na napapakinabangan naman daw niya itong pinagdaanan niya sa kanyang singing career.

Pinag-usapan siya muli dahil sa reklamong ito matapos sumiklab ang isyu ni Sandro Muhlach sa dalawang independent contractors ng GMA Network.

Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness

Ani Gerald, “Nasa kanila na yun. Kung ano yung opinyon nila, wala naman akong magagawa dun.

“Everybody is entitled to their own opinion, and yun nga, yung sa isyu na yun hindi naman yun out of the blue in the first place.

“Kumbaga, yung pinagdaanan ko na yun matagal na, nung 2010 pa.

“Actually naalala ko nga, nung 2022 meron pa akong interview kay Butch Francisco about it, wala namang pumansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman siya abrupt na kasama yun na gamitin, nagkataon lang na merong malaking pangalan sa industriya na napasabay. Yun na yung naging instrument ko.”

Kinumpirma ng abogado ni Gerald na si Atty. Noel Malaya sa PEP Troika na next week ay magsasampa na ng pormal na reklamo sina Gerald at Enzo Almario laban kay Danny Tan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isasabay raw ni Gerald Santos sa kanyang Courage concert ang paglulunsad ng Courage Movement, isang samahan na handang tumulong sa mga nakaranas ng pang-aabuso, sexual harassment, at rape.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results