Trigger Warning: Mention of sexual abuse, rape
GORGY RULA
Rape through sexual assault at multiple counts of acts of lasciviousness ang mga reklamong inihain ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
Isinumite ni Sandro ang kanyang complaint affidavit sa Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes ng umaga, Agosto 19, 2024.
Nakapaloob sa mahigit 200 pahina ang salaysay ni Sandro.
Sinumpaan ito ni Sandro, kasama ang ama na si Niño Muhlach at ang legal counsel niyang si Atty. Czarina Quintanilla-Raz.
SANDRO MUHLACH CONFIDENT ABOUT THEIR COMPLAINTS
Sa panayam ng media, sinabi ni Atty. Raz na kumpiyansa sila sa inihaing reklamo dahil may matibay silang ebidensiya.
Isinama na rin nila ang dalawang witness para pagtibayin ang mga salaysay ni Sandro.
Ayon kay Sandro, naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan.
Naging emotional naman si Niño nang sandalling natanong ng media. Hindi raw kasi madali itong pinagdadaanan ng kanyang anak.
“Ang bigat kasi nakikita mo ang anak mo araw-araw na nahihirapan,” pakli ni Niño.

Pagkatapos nilang magtungo sa DOJ ay tumuloy si Niño sa Senado para sa pagpapatuloy ng hearing ng Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Robin Padilla.
Si Niño lang ang humarap sa Senate hearing, pero naka-zoom si Sandro kasama si Atty. Czarina Raz.
Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal
NOEL FERRER
Nakarating na rin kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel nina Nones at Cruz, ang paghahain ni Sandro ng pormal na reklamo sa DOJ, kaya hiningan namin siya ng pahayag kaugnay dito.
Ayon kay Atty. Garduque, “We have not received a copy of the complaint yet.
“We have to see his allegations and evidence in said complaint first so we can answer accordingly.
“Under the rules, DOJ will set a hearing for preliminary investigation of this case and we will file our counter-affidavit to said complaint.”
Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach
Habang dinidinig sa Senado ang isyu ng sexual harassment, humiling si Sandro ng executive session nang tinanong siya ni Estrada sa nangyari sa kanila nina Nones at Cruz.
Naiwan na lang sa session si Niño Muhlach at ang kanilang legal counsel.
Dumalo rin sa pagdinig si Gerald Santos at pinag-usapan ang nangyari sa kanya sa isang musical director noong 15 years old pa lamang siya.
Ibinunyag niyang na-rape siya ng isang musical director na nakatrabaho niya sa GMA-7 noong taong 2005.
Magsasampa raw siya ng kaso laban sa musical director na ito.
Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue
JERRY OLEA
Sa management ng GMA Network naunang dumulog ang mag-amang Niño at Sandro Muhlach. Sumunod sa NBI.
Nag-hearing sa Senado with Senators Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, and Ramon “Bong” Revilla Jr.
At ngayon ay sa DOJ.
Nakaka-Stress Drilon para sa independent contractors ng GMA-7 ang mga kaganapang ito. Naospital si Dode Cruz sa wagas na anxiety.
Read: Dode Cruz, isinugod umano sa ospital dahil sa anxiety attack
OTHER SEXUAL HARASSMENT ALLEGATIONS
Ngayong Lunes ng umaga ay nag-post si Gerald Santos ng litrato niya sa Facebook, “At the Senate now.. I need your prayers..”
Kung 2005 pa ginahasa raw si Gerald ng isang musical director sa GMA-7, halos dalawang dekada na ang pangyayari na hanggang ngayon ay wala pang closure.
Mauungkat kaya kung sino ang “close friend” ng musical director sa Kapuso Network?
Sa Senate hearing today ay sinamahan si Niño ng mga pinsan niyang sina Aga Muhlach at Arlene Muhlach.

Take note na ang eskandalong ito ay nag-ugat sa GMA Gala noong Hulyo 20, 2024. Meron pa kayang GMA Gala sa susunod na taon?
Naitanong noon ng kaibigang Sir Mervin Alvaran ng Cabanatuan City kung aabot ba sa Senado ang “midnight snack” issue between Sandro and two independent contractors.
Naitanong din natin sa hangin kung iimbitahin ba ng Senado si Gerald kaugnay sa karanasan nito sa dating musical director ng GMA 7.
Andiyan din ang usapin ng talent-news researcher ng TV5 na hinalay raw ng program manager na si Cliff Gingco. Ipina-Tulfo ng talent-news researcher ang program manager ng Singko.
Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment
Waiting for Godot tayo kung lalantad din ang isang poging mang-aawit upang isalaysay ang sinapit niya sa isa pang independent contractor ng GMA-7.
May isang baklang pedophile na nagre-recruit noon through social media ng mga gustong mag-audition para maging contract artists ng isang TV Network.
Meron ding mga poser na nagpapa-audition kuno nguni’t scammer pala at pineperahan ang mga gustong mag-artista.
Ibang usapin na ito, pero sa hanay ng mga scammer na iyon ay may mga wannabe stars na ineeklay na maghubad o makipaglampungan sa eme-emeng audition.
Nauungkat ang mga usapin ng kahalayan at sexual harassment sa iba pang larangan.
Isiniwalat noon ng aktor na si Jerom Canlas ang emotional abuse at panggagapang sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna.
Read: Jerom Canlas uncovers sexual harassment in theater industry to protect brother Elijah Canlas
May mga kahalintulad na usapin sa mundo ng patimpalak para sa kalalakihan.
POSTER BOY FOR SEXUAL HARASSMENT?
Sang-ayon ba ang gay community na si Sandro ang poster boy ng sexual harassment?
Maraming Muhlach sa local showbiz.
Ang tatay ni Sandro na si Niño ay Child Wonder ng Philippine movie industry. Superstar noon.
Kamag-anak ni Sandro ang movie queen na si Amalia Fuentes, at si Aga Muhlach na isa sa pinakamahusay na aktor ng local showbiz.
At ang NKKLK pa sa isyu kay Sandro, dalawa ang inakusahang nagpasasa umano sa kanyang katawang lupa.
