GORGY RULA
Magkasabay na nagtapos ang Widows’ War at Lavender Fields noong Biyernes, January 17, 2025.
Sa aggregated ratings ng mga ito, nakapagtala ng 9.2% ang Widows’ War, at 8.6% naman ang Lavender Fields.
Read: TV Ratings: Mga Batang Riles, kumasa ba sa Batang Quiapo?
Sa totoo lang, kapansin-pansing mababa ang viewership nung araw na iyon, na hindi namin alam kung bakit.
Sa afternoon block pa lang ay hindi na ganoon kataas ang ratings ng mga programang ipinalabas.
Ang It’s Showtime ay 5.5% lamang, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.
Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na naka-6.6%, ang Prinsesa ng City Jail na naka-6.1%, at ang Forever Young ay 4.8% lamang.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 3.5%, ang Love at First Night ay 2.6%, at ang Family Feud ay 7.2%.
NEW PRIMETIME LINEUP
Sa primetime simula ngayong Lunes, ang Lolong: Bayani ng Bayan na ang susunod sa 24 Oras. Matinding tapatan ito sa FPJ’s Batang Quiapo.
Read: Round 3: Ruru Madrid vs Coco Martin sa primetime
Magsisimula na rin ang Incognito na magiging katapat ng Mga Batang Riles, na susundan ng My Ilonggo Girl ni Jilian Ward.

Marami pang mga bagong programang aabangan natin sa GMA-7.
May Sang’gre na wala pang airing date, Binibining Marikit sa Pebrero 10, at Mommy Dearest simula Pebrero 24.
Meron na ring nilulutong malaking drama series na pagbibidahan ni Gabby Concepcion.
JENNYLYN MERCADO CONTRACT RENEWAL
Bukas, January 21, ay ilulunsad na ang gagawing teleserye ni Jennylyn Mercado pagkatapos ng renewal nito sa GMA-7.
Obviously, si Jennylyn ang tinutukoy na "Ultimate Star" na magsa-shine muli as Kapuso.
Magkakaroon na ng story conference ang unang project na gagawin niya pagkatapos ng renewal of contract.
Ito yung action-drama na Sanggang-Dikit na pagsasamahan nilang muli ng mister niyang si Dennis Trillo.
Ito dapat ang kasunod ni Derek Ramsay na gagawin sa GMA-7 na makakasama muli si Andrea Torres, remember?
Read: TV ratings vs online views: anong shows ang talagang pinapanood?
JERRY OLEA
Hindi rin ganoon kataas ang viewership ng mga programang ipinalabas noong Sabado at Linggo.
Sa primetime noong Sabado, January 18, ay naka-8.6% ang 24 Oras Weekend.
Sumunod ang Daig Kayo ng Lola ko na naka-8.7%.
Ang Pepito Manaloto ay 9.3%, kung saan nakatapat nito ang Rainbow Rumble na 4.8%.
Noong Linggo, January 19, ang All-Out Sundays ay 2.8%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2.6%.
Ang GMA Blockbuster ay 2.6%, sumunod ang Regal Studio Presents na 2.7%, at ang Resibo naman ay 3.3%.
Kinagabihan ay naka-6.4% ang 24 Oras Weekend.
Sumunod ang Bubble Gang na 9.2%, at ang Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis ay 9%; at 3.8% ang Raimbow Rumble.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 14.5%, at ang The Boobay and Tekla Show na malapit nang mag-7th anniversary ay 3.4%.
NEW CHAPTER OF BATANG QUIAPO
Nagbubukas na ang panibagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco Martin).
Isang official poster ang inilunsad para rito at inaabangan na rin ang pag-anunsiyo ng mga bigating artistang papasok sa serye.
Maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena ng karakter niyang si Tanggol.

Dapat abangan sa bagong yugto ang mas pinatinding mga sagupaan at rebelasyon kasabay ng pagpasok ng mga bagong karakter na maaaring maging panibagong kalaban o kasangga ni Tanggol sa kanyang mga maaaksyong laban.
Nagpatikim ang serye sa special plug na inilabas noong Linggo, Enero 19.
Nagkamit ito ng walong milyon view sa loob lamang ng 24 hours sa social media. Gigil na gigil na ang netizens sa bakbakan nina Tanggol at Rigor (John Estrada) sa kanilang muling paghaharap.
Read: PEP Most Influential 2024 Male TV Royalty: Coco Martin

NOEL FERRER
Kung anuman ang kinalabasan sa free TV ratings ng nagtapatang Lavender Fields at Widows' War ay dapat ding i-consider ang reception ng mga tao sa Netflix sa Lavender Fields.
At least, both shows ended on a high note, pero mukhang pahinga muna si Jodi Sta. Maria sa pagteteleserye, samantalang sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ay may napabalita nang follow-up na The Accused.
Sina Bea Alonzo at Carla Abellana ay wala pang napapabalitang kasunod.
Pero kakaiba ang isang Jean Garcia, may Lolong: Bayani ng Bayan na kapalit na kaagad.
UPCOMING KAPAMILYA DRAMA SERIES AND TALENT SHOWS
Marami pang drama series ang aabangan natin sa mga Kapamilya.
Sina James Reid at Enrique Gil ay magbibida sa kani-kanyang comeback teleserye.
Pangungunahan ni Gerald Anderson ang Nobody, kasama sina Jessy Mendiola, JC de Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, at Seth Fedelin.
Matapos ang mahigit isang dekada, magbabalik-teleserye si Anne Curtis sa Pinoy adaptation ng hit K-drama na It’s Okay to Not Be Okay, kasama sina Carlo Aquino at Joshua Garcia.
Read: Anne Curtis makes teleserye comeback after ten years
Tampok sina Bela Padilla, Charlie Dizon, Janella Salvador, Julia Barretto, Jake Cuenca, at JM de Guzman sa mystery-thriller na seryeng What Lies Beneath.
Handog ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kilig sa kanilang rom-com series na How to Spot a Red Flag, na co-produced with Dreamscape Entertainment at Viu.
Noong Sabado, Enero 18, ay nag-pilot sng dance survival reality show na Time to Dance hosted by Robi Domingo and Gela Atayde.
Magbabalik ang Pilipinas Got Talent para sa bago nitong season na may panibagong panel ng mga hurado.
Tuloy ang buhay sa TV sa gitna ng napakarami nang choices ng mga tao na panoorin. Matira ang matibay talaga.
