PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Confiado, nagbigay ng pahayag tungkol sa Pepsi Paloma movie

Mon Confiado, maingat sa pagsasalita tungkol sa Pepsi Paloma movie.
by PEP Troika
Published Feb 14, 2025
mon confiado pepsi paloma movie
Mon Confiado on the storyline of the movie The Rapists of Pepsi Paloma: “As an actor, dapat alam naman natin ang istorya ng ating gagawin. Very professional naman kami... Pero kung papaano ipo-promote ni Direk, hindi namin alam yun.”
PHOTO/S: Viva Films / Facebook

GORGY RULA

Nakorner ng PEP Troika si Mon Confiado sa media conference ng pelikulang Lilim ng Viva Films na ginanap sa Viva Café noong Miyerkules, February 12, 2025.

Maingat siya sa mga pagsagot sa mga tanong namin tungkol sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP), na hanggang sa ngayon ay wala pang katiyakan kung maipalalabas sa mga sinehan.

Si Mon ang gumaganap bilang talent manager na si Dr. Rey dela Cruz sa pelikula tungkol sa buhay ng yumaong bold star na si Pepsi Paloma.

Ang dating child actress na si Rhed Bustamante ang gumaganap bilang Pepsi.

Kasama rin sa pelikula ang award-winning actresses na sina Gina Alajar bilang Charito Solis, Shamaine Buencamino bilang ina ni Pepsi, at Rosanna Roces bilang Divina Valencia.

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

mon confiado the rapists of pepsi paloma
Photo/s: Darryl Yap Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT'S THE STORY OF THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA?

Tinanong namin si Mon tungkol sa kuwento ng pelikulang idinirek ni Darryl Yap, pero ayaw niyang ibahagi dahil sa kontrobersiyang hinaharap nito.

Pero inalam daw siyempre ng award-winning actor kung ano ang tinatalakay ng kuwento.

“As an actor, dapat alam naman natin ang istorya ng ating gagawin.

“Very professional naman kami.

"Si Direk Gina Alajar naman siguro ay hindi magsu-shooting kung hindi niya alam ang takbo ng kuwento, same as ibang actors — si Ms. Shamaine, si Rosanna Roces, at iba pang cast.

“Siyempre, as professional, alam namin yung istorya. Pero kung papaano ipo-promote ni Direk, hindi namin alam yun,” nakangiti niyang pakli.

Read: Pepsi Paloma movie, maipalabas pa kaya sa mga sinehan?

Nag-follow-up question kami kung safe ba ang kuwento na walang masasagasaang ibang tao, lalo na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

“Hindi ko pa muna sagutin, kasi maano, e, ma-preempt o maaano,” bulalas ni Mon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko lang mag-ingat. Gusto ko lang maging safe, kasi talagang napakahirap ng sitwasyon ng pelikulang ito.

“Baka hindi dapat sa akin manggaling ang information.”

Naibigay naman daw niya ang serbisyo niya bilang aktor para sa pelikulang ito.

Kung ano ang plano ni Direk Darryl Yap, hindi na raw niya alam.

Sa kasalukuyan ay may hinaharap na 19 counts of cyberlibel complaints si Darryl na inihain ni Vic sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap

LILIM

Marami pang ibang pelikula si Mon.

Dito muna siya naka-focus sa promo ng horror movie na Lilim na magso-showing na sa March 12.

Itong Lilim ay obra ni Mikhail Red, at kasama niya rito sina Heaven Peralejo, Eula Valdes, Ryza Cenon, at Gold Aceron.

Read: Mon Confiado, inalala ang payo ng amang si Angel Confiado

JERRY OLEA

Sa trailer ng TROPP, parang si Mon Confiado ang bidang-bida, bukod kay Rhed Bustamante bilang si Pepsi Paloma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa raw napapanood n Mon ang kabuuan ng pelikula, kaya hindi pa raw niya alam kung gaano kalaki ang role niya sa pelikula.

the rapists of pepsi paloma
Rhed Bustamante as Pepsi Paloma and Mon Confiado as Dr. Rey dela Cruz

“I guess malaki ang ginagampanan ni Rey dela Cruz sa pelikula. Hindi ko alam kung masasabi kong bida yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siyempre, supporting character pa rin yun. Ang bida pa rin diyan, si Pepsi Paloma,” pakli ni Mon.

Marami pa ba siyang mga pasabog na eksena bukod sa napanood sa trailer?

Read: Muntinlupa court orders takedown of Pepsi Paloma teaser video

Saad ni Mon: “Yung pinalabas kasi ni Direk Darryl ay trailer pa lang.

"Hindi ko masyadong masasagot nang direkta ang tanong kung yung mga pasabog… first of all, hindi ko pa napanood yung pelikula.

“Secondly, medyo alam naman natin na controversial talaga siya. So, maingat na maingat ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa pelikulang yan, dahil siyempre mahirap na sa akin mauna ang information, e.

“Dahil alam naman natin lahat na na nandun pa sa… to be safe, hindi ko pa talaga masasagot nang direkta.

“Although, sa trailer naman, sabi niyo nga, yung character ni Dr. Rey dela Cruz e medyo nakakuha ng atensiyon.

"E, dun pa lang, as an actor naman kasi, masaya na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun lang naman yung purpose ng aking pagiging artista — ganapan nang tama kung ano man ang character na ibinigay sa akin,” dagdag ni Mon.

Read: Darryl Yap movies: Sparking conversations, stirring up controversies

NOEL FERRER

Hindi pa artista si Mon Confiado noong panahon ng Softdrink Beauties ni Dr. Rey dela Cruz.

Pero kilalang kilala raw ng aktor ang mga alaga ng namayapang talent manager—sina Pepsi Paloma, Sarsi Emmanuelle, Coca Nicolas, at Mirinda "Myra" Manibog.

softdrink beauties
The Softdrink Beauties: (from left) Coca Nicolas, Pepsi Paloma, Sarsi Emmanuelle, and Mirinda "Myra" Manibog
Photo/s: Screen grab from Julius Babao Unplugged YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taga-Maynila siya at malapit daw sa kanila ang tinitirhan ni Dr. Rey dela Cruz.

“Actually, panahon ko nun nung ako nagbibinata. Kaya kilala ko si Pepsi Paloma, kilala ko ang Softdrink Beauties.

“Kilala ko si Rey dela Cruz, batang Sta. Cruz ako, Quiapo naman si Dr. Rey dela Cruz.

"So, alam ko yung area niya, alam ko… hindi ko alam yung naging issue nung time na yun, pero kilala ko sila.

“Fan ako ng mga Softdrink Beauties. Kilala ko si Coca Nicolas, Sarsi Emmanuelle, of course si Pepsi Paloma.

“Nung bata ako, sila ang kinalakihan ko at isa sa nagpatangkad sa akin,” napangiting saad ni Mon.

Read: Softdrink Beauties, nanindigang hindi close si Pepsi sa nanay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Confiado on the storyline of the movie The Rapists of Pepsi Paloma: “As an actor, dapat alam naman natin ang istorya ng ating gagawin. Very professional naman kami... Pero kung papaano ipo-promote ni Direk, hindi namin alam yun.”
PHOTO/S: Viva Films / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results