GORGY RULA
Nilinaw ni Alex Gonzaga sa PEP Troika na joke lang ang binanggit niya sa kanyang vlog na niligawan siya ni Piolo Pascual.
Naaliw kami sa Valentine’s day episode ng vlog ni Alex sa kanyang YouTube channel, kung saan kasama niya ang asawang si Mikee Morada at ang kapatid niyang si Toni Gonzaga at mister nitong Paul Soriano.
Ang konsepto ng vlog, na in-upload sa YouTube noong Linggo, Pebrero 16, 2025, ay “
Habang sinasagot ang mga tanong ay sinasabayan nila ito ng pagkain ng buffalo wings with hot sauce na may sampung level ng anghang.
Kitang-kita sa mga mukha ng apat na paanghang nang paanghang ang kinakain nila.
Read: Alex Gonzaga pens heartfelt message for husband Mikee Morada

ALEX GONZAGA CHOOSES PIOLO PASCUAL
Sa bandang huling tanong, nakipagbardagulan si Alex sa sagot niya sa tanong na, “Sinong personality ang aasawahin mo kung hindi ako ang napakasalan mo?”
“Yung katulad mo,” safe na sagot ni Mikee sa asawa.
Binuweltahan naman siya ni Alex kung si Mommy Pinty, ang ina nina Alex at Toni, ba ang tinutukoy niya.
Tipong ganun naman daw, pagsakay ni Mikee.
“Kaya pala minsan, nakatitig ka sa mommy,” hirit pa ni Alex.
Pero nang si Alex na ang sumagot, walang kagatul-gatol na binanggit nito ang pangalan ni Piolo Pascal — na gusto niyang maging asawa kung hindi si Mikee ang pinakasalan niya.
“Ako, sorry ha? Huwag sana masira friendship niyo, ha? Piolo,” sabi ni Alex sa kanyang mister.
Wala namang reaction dito si Mikee.
“Feeling mo naman!” hirit ni Toni sa kapatid.
Sabi pa ni Alex: “PJ [palayaw ni Piolo].
"Kung hindi ako ipinakilala ni PJ dito [Mikee], baka siya yung napakasalan ko. Kasi, di ba, nanligaw din, before?”
Obvious namang nagbibiro lang si Alex kaya wala ring gaanong reaksiyon ang ate niyang si Toni at si Paul.
Read: Mikee at Alex, paano tinanggap ang kanilang third miscarriage?
ALEX GONZAGA: "JOKE LANG YUN"
“Hahaha! Joke lang yun, Kuya Gorgy!!! Di totoo yun! [laughing emoji],” message sa akin ni Alex nang nilinaw ko ang sinabi niya sa vlog.
Para naman kay Toni, ang Hollywood actor na si Pierce Brosnan ang gusto raw niyang mapangasawa kung wala si Paul Soriano.
Paliwanag ni Toni: “Uy, nakita niyo ba si Pierce Brosnan? Yung asawa niya ngayon, yun pa rin ang asawa.
"Yung asawa na pinakasalan niya, hanggang ngayon, to this day… tapos ang dami niyang sweet photos na... Wow, ang rare nun, ha?”
Sabi naman ni Paul, kagaya pa rin daw ni Toni ang gusto niyang asawahin.
Read: Toni Gonzaga and Paul Soriano welcome Baby Paulina Celestine
JERRY OLEA
Nakakaaliw rin ang rebelasyon nina Alex at Mikee sa tanong kung ano ang significant changes sa kanila sa loob ng ilang taon nilang pagsasama.
Pero pasabog ang sagot si Paul tungkol sa significant changes daw kay Toni.
Aniya: “Very outspoken, communicating more now, telling me how she feels, and of course sweeter.
“Minsan siya talaga yung nagyayaya ng sex all the time…”
Parang patay-malisya lang si Toni sa pasabog ng asawa.
Pero paninita ni Toni kay Paul: “Huwag mo nang iano yan. Ito naman nakakaano, e.
"Hindi naman nakakatawa yung mga ganun, sinasama pa yung mga ganun."
Tawang-tawa naman si Alex.
Sabi ni Toni patungkol kina Alex at Paul: “Pareho kasi sila ng humor. Dinadaan nila sa bastos para matawa sila sa isa’t isa.”
Para naman kay Toni: “Ako, ang significant change kay Paul… well, kasi choice ko yun dati. Ayokong i-involve sa anything na ginagawa niya.
“Ngayon, talagang everything, eto na, eto na lahat na ginagawa ko.
“E, kasi dati nga, wala akong pakialam sa ganito… bahala. Ngayon, nangingialam na ako. Lahat, pinapakialaman ko.
“To the point na yung mga brief… pinipilian niya. In-overhaul ko lahat, binibili ko lahat.”
Naka-relate naman daw si Alex nang nabanggit ang brief.
Pakuwela niyang sabi: “Si Mikee naman, dahil ang isa sa significant na nangyari sa kanya, medyo nag-iba na rin yung katawan niya. So, mga brief na rin niya isinusuot ko.
“Kasi sabi niya, 'Hindi na ito kasya sa akin,' kaya sinusuot ko talaga.”
Natawa naman si Mikee habang nilalantakan ang maanghang na buffalo wings.
NOEL FERRER
Bilang pam-Valentine’s day ang episode ng naturang vlog, tinanong ni Alex ang mga kasama niya kung paano nila ise-celebrate ang Araw ng mga Puso.
Sagot ni Toni: “Sorry, nasa stage kami ng marriage namin ngayon na every day is Valentine’s day.
“Every day may love letter ako. Every day may sweet nothings ako. Every day may pasalubong ako.”
Sabi naman ni Paul, “Now, this Valentine’s special sa akin because I don’t just buy anymore one flower. I buy two, kasi si Polly.”
Si "Polly" ang bunsong anak nina Toni at Paul.
Para naman sa mag-asawang Alex at Mikee, ang third miscarriage na pinagdaanan nila ang lalo raw nagpatatag sa kanilang pagsasama.
Seryosong pahayag ni Mikee: “Pagkatapos ng naranasan natin, lalong lumalalim, lalong tumatatag yung relationship natin.
“Mas naunawaan natin yung isa’t isa.”
Read: Mikee Morada reveals third miscarriage with wife Alex Gonzaga
