JERRY OLEA
Walong pelikula ang nagbukas sa local cinemas kahapon, Miyerkules, Pebrero 19, 2025.
Dalawa sa mga ito ay Tagalog: ang horror film na Mananambal at ang zombie thriller na Lisik Origin Point.
Anim ang foreign movies.
Ang mga ito ay Homestead, The Monkey, Cleaner, The Room Next Door, White Snake: Afloat, at Red Velvet Happiness Diary.
Read: Ex Ex Lovers at Paquil, makikipagbanggaan sa Captain America
Ang Mananambal ay pinagbidahan nina National Artist Nora Aunor at Bianca Umali, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.
Trivia na pinost ni Direk Adolf sa Facebook: “As a tribute to her phenomenal work in HIMALA where she played the iconic healer Elsa, we used this old photo of Ms. Nora from the classic film as prop for her hut in MANANAMBAL as she plays Lucia, a medicinal healer caught between her calling and daughter in our film.”
MANANAMBAL AND LISIK ORIGIN POINT
Batay sa Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), nag-open ang Mananambal sa 133 sinehan — 46 sa Metro Manila, 53 sa Luzon, at 34 sa VisMin.

Ang Lisik Origin Point ay pinagbidahan nina Nika de Guzman at Grace Rosas Tayo.
Above the title ang billing dito ng may special participation na sina Ramon Christopher at Rob Sy.
Nasa cast din ng Lisik Origin Point sina Revers Quilario, Jeremiah Allera, Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Ezio Kenshin.
Nag-open ito sa sampung sinehan sa buong kapuluan.

HOMESTEAD
Nasa cast ng post-apocalyptic drama film na Homestead si Iñigo Pascual.
Read: Inigo Pascual, balik-local movie pagkatapos ng Hollywood stint
Noong Disyembre 20, 2024 ito nag-showing sa US. '
Ayon sa website ng Box Office Mojo, umabot na sa $20.8M ang worldwide gross ng Homestead, mas malakas kesa sa The Room Next Door na naka-$16.3M pa lamang.
View this post on Instagram
THE ROOM NEXT DOOR
Ang The Room Next Door ay showing exclusively sa Ayala Cinemas.
Nag-special screening ito sa QCinema 2024 filmfest last November.
Ito ang unang English-language full-length film na isinulat at idinirek ng Kastilang si Pedro Almodovar.
Bida rito sina Tilda Swinton at Julianne Moore.

Exclusive naman sa SM Cinema ang White Snake: Afloat, at Red Velvet Happiness Diary.
NEXT ATTRACTION
Sa Pebrero 26, Miyerkules, naman ang playdate ng eco-horror na The Caretakers starring Iza Calzado and Dimples Romana, kasabay ang showing ng Everything About My Wife nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby.
Iyon din ang playdate ng horror film na Nosferatu, at ng South Korean film na Secret: Untold Melody.
GORGY RULA
Marami ang nag-react sa di magandang resulta sa box office ng Ex Ex Lovers noong nakaraang linggo. Maayos pa naman ang promo nila.
Kaya itong mga nagbukas kahapon, Pebrero 19, hindi na rin ini-expect na magiging malakas ito sa takilya.
Nakakalungkot lang dahil hindi pa rin maganda ang resulta ng mga nagbukas kahapon. Ang sipag pa naman ni Bianca Umali mag-promote ng Mananambal.
Pero ayon sa reliable source ng PEP Troika, mahigit PHP700,000 lang daw ang kinita ng Mananambal sa unang araw ng showing.
Ewan ko lang kung pi-pickup ito sa weekend.
Papanoorin namin ito agad para mapulsuhan kung may word of mouth ba ang pelikulang ito.
Sana, makakabawi pa.
Read: Bianca, nagulat sa billing issue umano sa pelikula nila ni Nora
NOEL FERRER
Nakakalungkot talaga na karamihan ng mga tao o henerasyon ngayon ay hindi na nanonood sa sinehan at hinihintay na lang ang mga pelikula sa streaming platform.
Kasama na siguro riyan ang mga fans nina Jolina at Marvin, maging iyung kay Ate Guy.
Sayang dahil pinaghirapan nilang gawin at i-promote ang mga pelikulang ito.
Pero mukhang effort na talaga sa mga taong lumabas ng bahay at manood ng sine ngayon, unless major-major event.
Paano kaya maeengganyo ang mga tao na manood ulit sa sinehan?
Kung babaan ba ang presyo ng ticket admission ay pupunta sila at papanoorin ang mga idol nila?
Subukan kaya natin?
