PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Hunk actor, may something with super-yamang bading?

Sa sighting kasi, may kilig factor.
by PEP Troika
Published Feb 23, 2025
hung actor at yayamaning bading
Mukhang magkaibigan ulit sina hunk actor at super-yamang bading. At sa recent sighting sa kanila, may kilig factor daw! May special something ba?
PHOTO/S: Pixabay

GORGY RULA

Noon pa natsismis ang dakilang hunk actor sa super-yamang bading na nakilala na sa showbiz circle.

Ang sweet-sweet nila kapag sila-sila ng trusted friends ang magkakasama. Kini-kiss-kiss daw ni hunk actor ang kilig na kilig na super-yamang bading.

Natuldukan ang maliligaya nilang mga sandali nang mainlab si hunk actor sa isang magandang aktres.

Pinili ni hunk actor ang marilag na binibini, at iniwasan ang super-yamang bading.

Masalimuot ang pag-iibigan ng hunk actor at ng marilag na binibini, hanggang maghiwalay sila nang tuluyan.

Bumalik ang hunk actor sa kalinga ng super-yamang bading.

Nitong mga nakaraang araw ay napagkikita silang magkasama sa dinner date, maging sa concert.

Tila wala nang keber si hunk actor sa sasabihin ng mga tao.

Mukha namang mas payapa ang buhay niya sa piling ng super-yamang bading. Walang stress.

At dahil sa mga sighting, parang hindi na nahihiya si hunk actor kung pagtsismisan man sila.

Kaya pakiramdam ng super-yamang bading, ang haba-haba ng kanyang hair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLIND ITEM: Mahusay na aktres, nabuntis ng magaling na aktor

JERRY OLEA

JOJO MENDREZ-MARK HERRAS: WALANG SOMETHING

Ang sabi ng singer-businessman na si Jojo Mendrez, walang something sa kanila ni Mark Herras.

So walang meaning iyong pagyakap at pagbibigay ni Mark ng bouquet of flowers habang kinakanta ni Jojo iyong bagong single niyang "Nandito Lang Ako" sa recent presscon niya?

Walang “MarJo”?!

Kung ang super-yamang bading naman ang uuriratin sa ano ba talaga si dakilang hunk actor sa puso niya, nakikini-kinita ko na ang pagkatamis-tamis niyang ngiti.

Angkop na theme song nila ang awit ni Didith Reyes, “Bakit ako mahihiya/ Kung ang puso'y sumisinta/ Dapat ko bang ikahiya?/ Kung iibigin ko ikaw, sinta

"Bakit ako mahihiya?/ Kung sa iyo'y liligaya/ Ang pag-ibig mo lamang/ Ang siyang tanging aliw sa buhay/ Pagka’t kita'y minamahal”

Read: BLIND ITEM: Gay director nanghalay ng promding male talent

NOEL FERRER

Malay mo naman kung magkaibigan lang sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wag tayong mag-a-assume unless sabihin ni hunk actor na m ay something sila.

Pero, kung sila man, weno naman, di ba?

But truly, if this is the case, love wins!!! Na kay generous and super-yamang bading ang huling halakhak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mukhang magkaibigan ulit sina hunk actor at super-yamang bading. At sa recent sighting sa kanila, may kilig factor daw! May special something ba?
PHOTO/S: Pixabay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results