GORGY RULA
Isa si Joem Bascon sa cast ng Bansa (Motherland) na dumalo sa private screening ng pelikula na ginanap sa tahanan ng direktor nitong si Brillante Mendoza sa Mandaluyong City, noong Linggo, February 23, 2025.
Dumating din sina Rocco Nacino, Mon Confiado, Richard Quan, Kiko Matos, Mac Mendoza, at Jess Mendoza.
Read: Rocco Nacino umiyak nang unang mapanood ang pelikula niyang Bansa

ASAWA NG ASAWA KO'S ONE-YEAR RUN
Napag-usapan namin ni Joem ang katatapos lang na drama series niya sa GMA-7, ang Asawa Ng Asawa Ko (ANAK), na idinirek ni Laurice Guillen.
Hindi raw niya akalaing aabot sila ng isang taon dahil magandang ratings nito.
Umere ang Asawa Ng Asawa Ko mula Janiuary 15, 2024 hanggang January 9, 2025.
“Parang suntok sa buwan talaga yung proyekto,” bulalas ni Joem.
“Hindi namin ini-expect. Siguro natuwa yung management with the shots, with the story na ginawa nina Direk, tapos binigyan kami ng slot sa primetime, sa third slot.
“Tapos, dapat matatapos na kami for ilang months lang. Iilan lang naman talaga yung script namin.
"Yun nga, kinagat ng viewers, kinagat ng tao.
“Tapos nagkaroon siya ng following, nagkaroon siya ng viewers, humaba siya nang humaba. Extend kami nang extend.
"Nagkaroon kami ng… yung script namin, naiiba na.”
Natuwa si Joem nang ipinarating namin sa kanya ang komento na kaya nagtagal ang Asawa Ng Asawa Ko dahil mga babae raw ang karamihan ng viewers ng Kapuso network.
Kaya dapat ganitong mga teleserye raw ang gawin ng Kapuso network. Huwag nang tapatan ang action series ng Kapamilya network.

Saad ni Joem: “Ayun! Tinutukan talaga…. parang ANAK ni Laurice Guillen, tinutukan niya talaga, e.
“Yung acting kasi ng lahat na artista, hindi fictional e. Very realistic kasi.
"Si Liezel [Lopez], si Jasmine [Curtis Smith], si Rayver [Cruz], even with the supporting cast, tinutukan ni Direk. Naging totoo tao talaga yung umaarte.
“Hindi siya yung… di ba minsan pag nanonood ka ng teleserye, ‘Hmmph hindi naman mangyayari yan sa totoong buhay!’
“With that, tinutukan talaga nila lahat, yung production. So, I guess with... coming from Asawa Ng Asawa Ko, thank you for that review.”

Nagpapasalamat si Joem sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng trabaho.
Pagkatapos ng Asawa Ng Asawa Ko, may kasunod agad siya. May special participation siya sa Mga Batang Riles.
Read: Joem Bascon nag-sorry sa sagot na magaling siya sa "kama"
JERRY OLEA
Sa trabaho lang muna naka-focus ngayon ang mag-partner na Joem at Meryll Soriano, at sa kanilang mga anak, partikular kay Guido.
“Yung anak ko! Pagkakaabalahan ko yung anak kong napakalikot na talon nang talon kung saan-saan!” bulalas ni Joem.
“Baka may bagok na yun na hindi ko alam.”
JOEM ON FATHER-IN-LAW WILLIE REVILLAME
Ayon kay Joem, hindi naman sila nahilingan ng ama ni Meryll na si Willie Revillame na tumulong sa pangangampanya nito bilang senador ngayon 2025 elections.
“When it comes to that, yung tulong namin siyempre… hindi naman patago. Pero tutulong kami the best way na pupuwede kami, kung mabibigyan ng tsansa, di ba?
“Pero for now, siyempre focused kami on working, focused kami sa baby namin. At si Sir Wil naman, focused siya sa campaign niya.
“Pero siyempre kapag… alam mo naman yun, pag pinatawag… siyempre ang dami nang tulong na naibigay sa amin. So, pupunta kami,” saad ni Joem.
Dinadala raw nila sina Guido at Elijah, anak ni Meryll kay Bernard Palanca, para kahit paano ay matuwa si Willie.
Nandiyan sila para ipadama ang suporta at pagmamahal nila sa TV host.
Saad ni Joem: “Yung love ng anak niya, ng apo niya, naming lahat. Isang pamilya, yung pagmamahal namin sa kanya.
“Siyempre yung suporta namin is with him. Not just the campaign, suporta namin as a father, suporta namin as a lolo, suporta namin as Willie Revillame.”
Makita lang daw kasi ni Willie ang mga apo ay masaya na ito.
“Okay naman siya. Basta makita niya si Guido, he’s happy. Makita niya si Meryll, he’s happy. Si Eli, he’s happy.
“Alam mo yun siyempre, siyempre… very stressful na ito, start na kasi ito, e.
“So we make it a point, Meryll and I, for him to see ang mga apo para at least mabigyan siya ng vigor. Mabigyan siya ng saya.
“Alam mo naman ang mga apo, nakakapagbigay-saya yan sa mga lolo,” dagdag ni Joem.
Read: Joem Bascon, napi-pressure bang si Willie Revillame ang kanyang father-in-law?
NOEL FERRER
Bakit “Sir” pa rin ang tawag ni Joem Bascon kay Willie Revillame?
“Nahihiya kasi akong tawaging Papa o ano, e. Puwede naming tawagin Senator, Sen. 'Hi, Sen,'” napapangiting pakli ng aktor.
Sa ngayon ay wala raw siyang alam kung ano ang napag-usapan nina Willie at Meryll pagdating sa suportang hihingin nito sa pangangampanya.
“I guess with Meme… hindi ko kasi maano kung ano ang napag-usapan nilang dalawa. Pero naka-focus si Meme with work.
“Pero yung buong puso, kaluluwa, buong pagkatao niya is yung suporta niya, nandiyan for her dad.”
MAKING IT OFFICIAL
Five years nang nagsasama sina Joem at Meryll. Bakit hindi pa nila gawing official ang pagiging son-in-law niya kay Willie? Para matawag na niya itong "Papa."
Natawa si Joem, “Ha! Ha! Ha! Tingnan natin. Ha! Ha! Ha! Hindi ko masagot, e. Nahihiya ako siyempre.
“Dadating yung panahon na tatanungin ko na siya, ganun. Pero hindi pa sa ngayon.
“Siyempre, madami pa siyang… mas madami pa siyang kailangang gawin para sa sambayanan. So, hindi ko pa muna maiisingit.
“Doon muna siya naka-focus. Kailangan siya ng sambayanang Pilipino.”
Masaya si Joem sa estado nila ngayon ni Meryll at ng kanilang mga anak, pati sa turingan nila ni Willie bilang magkapamilya.
“They’re very relaxed, pero siyempre yung pagod with the campaign. It will take a toll, and we’re just here to support him.
“We’re just here to make it easier for him to see yung mga grandson niya para at least maibsan yung pagod.
“Pero siyempre kapag nakikita niya yung mga taong nagtsi-cheer sa kanya, I’m sure nakakawala ng pagod yun.
“But for now, yun po muna ang kaya naming mai-offer,” sabi pa ni Joem.
Read: Joem Bascon, Meryll Soriano still mum on wedding plans
