GORGY RULA
Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng reaksiyon si Vic Sotto kaugnay sa pag-akyat sa korte ng reklamo niyang cyberlibel laban sa direktor na si Darryl Yap.
Pinakiusapan kami kung puwedeng sa legal team na lang daw kami humingi ng statement.
Nagpadala naman sila ng statement mula sa tanggapan ng legal counsel ni Vic na si Atty. Enrique "Buko" dela Cruz.
Read: Darryl Yap charged with cyberlibel over Pepsi Paloma movie teaser
STATEMENT OF VIC SOTTO CAMP
Narito ang kabuuan ng statement ng kampo ng TV host-comedian:
“Nagpapasalamat kami sa kagalang-galang na hukuman dahil nag-issue ito ng warrant of arrest laban kay Mr. Darryl Yap.
“Ibig sabihin ay sinuri ng Hukuman ang kasong cyber libel na isinampa ng Fiscal at nakita nito na may probable cause o may basehan ang idinulog na reklamo ni Mr. Vic Sotto laban kay Mr. Darryl Yap.
“Nagpyansa na si Mr. Yap para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kaso. Naniniwala kami na magiging patas at mapanuri ang hukuman.
“Our justice system is working and we will continue to trust in the system. We believe that Justice will soon be served.
“In the meantime, we cannot comment on the merits of the case. We respect the court and we trust that it will render a fair decision.
“Maraming Salamat po.”
Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap
JERRY OLEA
Parang inaabangan ng kampo ni Darryl Yap ang pagbaba ng warrant of arrest kaya kaagad siyang nakapag-post ng bail na 20,000 pesos.
Nakatakda ang arraignment at pre-trial ng kasong ito sa Miyerkules ng umaga, March 26.
Read: Darryl Yap avoids arrest by posting bail for cyberlibel charges
NOEL FERRER
Enero 1, 2025 nagpasabog sa social media ang teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Pebrero 5 ang target playdate niyon, pero hindi pa iyon narerebyu ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) kaya hindi pa puwedeng ilabas.
“No comment” si Mon Confiado kapag inuusisa tungkol sa kontrobersiyal na pelikula.
Si Mon ang gumanap na Dr. Rey de la Cruz, manager ni Pepsi at iba pang Softdrink Beauties.
Sa Mayo 31 ang ika-40 anibersaryo ng pagpanaw ni Pepsi.
Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser
