JERRY OLEA
Mag-iisang taon na sa Mayo 31, 2025 si Maria Nuñez, ang daughter nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
May restrictions na ba si Maja sa pagtanggap ng projects ngayong isa na siyang ganap na ina?
Read: Maja Salvador, inalala ang hirap na pinagdaanan sa panganganak
“Parang bago pa ako naging mommy, meron nang medyo ano na ako, oo,” sabi ni Maja matapos mag-renew ng kontrata sa Beautederm noong Marso 26, Miyerkules, sa Solaire North, Quezon City.
“Kasi siyempre nung mga umpisa-umpisa natin, parang lahat, gusto mong gawin. Gusto mong i-try, di ba?
“Pero nung bago ko makilala si Rambo, kinausap ko na nun ang handler ko sa Star Magic.
“Sabi ko, ‘Parang masyado akong workaholic. Parang walang araw na lagi akong walang trabaho. Every day may trabaho. Every Linggo, may trabaho.’
“So sabi ko, ‘Parang gusto ko medyo mamili na nang konti.’ Hindi yung lahat, tatanggapin. May ganun na ako, e.
“So, bago pa dumating sa buhay ko si Rambo, medyo kalmado kahit papaano yung schedules ko. Tapos sa mga projects din.
“Ano, parang 50 years old ako. Bawal na ang love scene, yung ganon. Ah! Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, parang ewan ko!
“Alam mo yung feeling ko, naramdaman ko na parang anytime soon, ano na ata ako. Mahahanap ko na yung the one. Magpapakasal na ako tapos magkaka-baby na ako.
“Yung ganun. Nagawa ko na naman siya before. Parang hindi ko na kailangan.
“Parang OK na akong na-experience ko siyang makagawa ako ng mga ganung pelikula. Yon, yun lang.
“Tapos lalo na ngayon na may Maria ako! Parang... parang nung nanonood ako ng mga K-drama.
“Sabi ko, ‘Ang galing, no?! Hooked na hooked tayo sa mga K-drama, wala naman silang kissing scene. Wala naman silang mga love scenes.’
“Yung mga unang K-drama. Di ba, sobrang… so dun ako nagkaroon ng idea.”
Apat na taon na sa Beautederm si Maja, kung saan ine-endorse niya ang skincare set na Blanc Set. The Blanc Set includes Tretinoin (acne treatment) and Hydroquinone (hyperpigmentation treatment).
Read: Maja-Rambo daughter's baptism is celebrity filled
NOEL FERRER
Dahil sa pagiging mother, nagbago ang pagkatao ni Maja Salvador, maging ang priorities niya.
Pagtatapat ng 37-anyos na aktres: “Nung buntis pa lang ako, siguro naiinip ako kasi nasa Canada ako. Ang layo ko. E, napaka-workaholic ko.
“Sabi ko kay Rambo, ‘Pagkapanganak ko, gusto ko nang magtrabaho,’ ganyan. ‘Uwi na ako, trabaho.’
“Pero nung dumating si Maria, sabi ko, ‘Parang hindi muna ako magtatrabaho. Kaya mo naman, e!’ He! He! He!
“Parang ano, yung antagal mong pinangarap, na pangarap mo talaga, so yung priorities mo sa life, parang lahat, lahat ng desisyon mo, lahat ng decision-making mo — kahit hindi pa sumasagot si Maria — titingnan mo lang siya, siya ang makakasagot.
“So, kaya nung may mga inquiries na po tayo, like kailan ako puwedeng mag-work na ulit, ganyan, andoon ako sa kunwari paggawa ng movies saka mga TV series, sabi ko, ‘Antayin ko lang mag-one year old yung anak ko.’
“Kasi siyempre, antagal kong pinangarap. Tapos, hindi ko makikita yung mga milestones niya?
“So yun, sabi ko, ‘Miss ko nang mag-work pero pinangarap kong maging mommy at binigay sa akin ngayon ito.’
“Kaya ayun, hindi ako nagmamadali. Pero kahit papaano, nakakasayaw tayo nang konti. May pictorial, ganun. So yun.
“As a person, anlaking parte ni Maria sa kung sino ako ngayon dahil parang kinumpleto niya yung pagkababae ko.
“Parang kinumpleto niya na… siya ang kumumpleto sa pangarap ko, yun. Kaya laging si Maria.
“Sa mga producer nga, alam na nila, bawat trabaho, yung dressing room ko, kailangan medyo mas malaking space nang konti. Kasi bitbit ko si Maria.”
Read: Maja Salvador now a mom to a baby girl

CONCEPT OF BEAUTY
Pati ba concept niya ng beauty ay nagbago ngayon, kumpara noong single pa siya at walang supling?
Sagot ni Maja: “Opo! Ewan ko kung postpartum [depression] ba ang tawag dun, yung parang lahat sinasabi, parang, ‘Ang ganda mo!’ Bagay sa iyong maging mommy! Glowing ka!’
“Pero ako yung, ‘Ha?! Feeling ko nga, ang pangit-pangit ko, e!’ Parang alam mo yun, parang lahat ng ganda, Ibinigay ko sa anak ko. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Pero yun nga, sa tulong nito, gaya ng products ng Beautederm, siyempre kailangan mo ng tulong.
“Yung kailangan mo ng tao na mag-e-encourage sa yo na alam mo yun, ‘Sige, okay lang kung yan ang napi-feel mo. Feeling mo, hindi ka maganda today. It’s okay.’
“Kasi yung pagod mo sa pagbigay mo ng oras sa anak mo, yung ganyan. So ako talaga, parang nung naging nanay ako, mas na-appreciate ko ngayon yung mga beauty products…
“So, nung naging mommy ako, mas parang ano ako, naging conscious or ano ako sa katawan ko, sa skin ko ngayon.”
Read: Maja Salvador talks about "all-day sickness" and "feel na feel" pregnancy
GORGY RULA
Doon pa rin sa media conference, nilinaw sa amin ni Maja Salvador na program contract ang pinirmahan niyang kontrata kamakailan sa Media Quest.
Sa mga shows na gagawin niya sa TV5, puno na ang schedule niya ngayong 2025.
Gagawin niya ang Season 5 ng Emojination kung saan si Chad Kinis na ang co-host niya.
Committed din siya sa isa pang show na Isayaw Mo.
Isang series din ang excited siyang gawin dahil first time daw niyang makakatrabaho ang makakasama niya rito.
“Hopefully, baka may pelikula po. Pero ano pa po yan, tatantiyahin natin. Depende kay Maria,” natatawang pakli ng aktres.
Read: Maja Salvador, back-to-back ang bagong shows sa GMA-7 at TV5
JOHN LLOYD AND MILES NO LONGER PART OF CROWN ARTIST
Kinumusta rin ng PEP Troika kay Maja ang kanyang Crown Artist Management na karamihan sa mga mina-manage nila ngayon ay mga social media influencers.
Doon in-announce ni Maja na wala na sa kanilang management team sina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo.
Si Marvin Agustin ay parang agent na lang sila sa naturang aktor at restaurateur, na ini-entertain nila kapag meron daw inquiries.

“Si Lloydie po... si Lloydie nung buntis ako… kasi sabi niya parang, ‘Maj, parang hindi naman ako nagtatrabaho.’ So, parang nag-separate ways kami with respect naman.
“Ang sabi niya, hindi naman siya nagtatrabaho, parang dine-decline namin yung mga magagandang projects na, alam mo yun, kasi focused din siya kay Elias, parang ganun.
“Kasi hindi na rin naman siya active now din po. So, parang siya din… sabi niya, parang, di ba? Which is tama naman, di ba? So, yun lang po,” saad ni Maja.
Ang pinakamahalaga na rin kasi ngayon kay Maja ay ang pagiging nanay ni Maria, at misis ni Rambo Nuñez.
Read: John Lloyd Cruz on manager Maja Salvador: "Parang kapatid ko."
