GORGY RULA:
Nagsu-shooting pala si Sanya Lopez sa Japan kaya wala siya sa premiere night ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan, noong Huwebes, April 10, 2025, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Read: Barbie Forteza, dumalo sa premiere ng pelikula ni David Licauco
Inaabangan pa namin ang pagdating ni Sanya dahil baka dumating ang kapatid niyang si Jak Roberto para suportahan siya.
Mas bongga kung nandoon si Sanya at kung darating si Jak, para kita-kita sila roon ni Barbie Forteza na sumuporta naman kay David Licauco.
Nagpasalamat si David sa suporta ni Barbie na talagang tinapos nito ang pelikula.

BARBIE FORTEZA'S TAKE ON THE MOVIE
Puring-puri ni Barbie ang ka-loveteam niya na tinatawag na niyang si Reverend Sam, ang character na ginagampanan ni David.
"Ang galing-galing naman ni Reverend Sam," bati ni Barbie kay David pagkatapos ng screening.
"Ay grabe! Life changing, eye opening, breathtaking.
"Sabi ko nga sa kanya, bagay sa kanya palaging nakangiti. Napansin ko buong pelikula, lagi lang siyang nakangiti," bulalas ni Barbie habang nakangiti lang si David.
Nagpasalamat si David sa suporta ni Barbie sa pelikula niya.
"For her to come here na… to support me, made time for me, it says a lot of her character.
"And [I have] nothing but gratitude,” sambit ni David.
SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN CAST
Sa April 19, Black Saturday, ang showing ng pelikulang dinirek ni Benedict Mique.
Kabilang din sa pelikulang ito sina Buboy Villar, Betong Sumaya, Joel Torre, Chariz Solomon, Euween Mikaell, Soliman Cruz, Jay Ortega, Liezel Lopez, Jun Sabayton at iba pang Sparkle talents.
Kasali rin sa pelikulang ito si Christian Singson, anak ng dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na nakipag-collab sa GMA Pictures.
Read: David Licauco reveals winning mindset; how he grows his net worth
NOEL FERRER:
Short hair na si Barbie Forteza. Hindi niya sinabi kung anong project itong pinaghahandaan niya kaya siya nagpagupit ng buhok.
Ang sabi lang ni Barbie, “This is for something new and beautiful. You will find out very soon.
“Para sa isang napakagandang proyekto,” nakangiti niyang sagot sa tanong kung para saan ang bago niyang hair.
Sa sagot pa lang ng Kapuso actress, obvious na para ito sa gagawin niyang drama series na may tentative title na Beautiful Empire.
Ang narinig ng PEP Troika na makakasama niya rito ay si Kyline Alcantara at si Ruffa Gutierrez na ang ganda raw ng role.
Ito iyung napabalitang inalok din daw kay Gretchen Barretto, pero nung inalok uli kay Ruffa ay tinanggap na raw niya ito.
Read: David Licauco respects Barbie Forteza's healing journey
JERRY OLEA:
Binigyan ng R13 ng MTRCB ang Samahan Ng Mga Makasalanan dahil may ilang medyo mahalay na dialogue, at double meaning words.
Kaya hindi na pinapunta sa premiere ang child actor na si Euwenn Mikaell dahil hindi niya ito puwedeng panoorin.
Sabi ni David Licauco, maganda raw ang mensahe ng pelikulang ito, at tamang-tama raw ang mensaheng hatid nito pagkatapos nating magnilay-nilay sa Maundy Thursday at Good Friday.
“It’s never too late to change. If you did something wrong in the past, its up to you how will rise above it.
“In this movie, it’s all about second chances, it’s all about changing for a better person. Its good to watch it,” saad ni David.
Kasabay ng showing nito sa Black Saturday ang pelikulang Fatherland kunsaan bida sina Allen Dizon at Iñigo Pascual bilang mag-ama.
Nasa cast din ng Fatherland sina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Richard Yap, Angel Aquino, Max Eigenmann, Jeric Gonzales, Jim Pebanco, Ara Davao, at Abed Green.
