PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matet de Leon on mom Nora Aunor's death

Ano ang dalangin niya para sa ina?
by PEP Troika
Published Apr 19, 2025
Matet de Leon with inset photo of mom Nora Aunor
Matet de Leon on mom Nora Aunor: "Panalangin ko po yung kapayapaan ng kalooban niya."
PHOTO/S: Jerry Olea

NOEL FERRER

Dumagsa ang mga nakiramay sa burol ni National Artist Nora Aunor noong Huwebes Santo at Biyernes Santo, Abril 17 at 18, 2025, sa The Heritage Park, Fort Bonifacio, Taguig City.

"Siyempre, gusto po naming magpasalamat sa lahat ng… na-appreciate po namin lahat yung pakikiramay ng mga nagmamahal kay mommy,” gumaralgal na sabi ni Matet de Leon nang makapanayam ng PEP Troika nitong Biyernes Santo.

Matet de Leon during her PEP Troika exclusive
Matet de Leon did her best to hold back tears during her exclusive interview with PEP Troika.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Salamat po sa inyong lahat. Alam po namin na mahal na mahal na mahal niyo po ang nanay namin kahit na ho hindi kayo makapunta dito.

"Thank you. Thank you po sa inyong lahat!”

MATET DE LEON ON DEATH of HER MOM NORA AUNOR

Nag-sink in na ba sa kanya ang pagyao ng kanyang mommy?

"No," mabilis na tugon ni Matet. "Pag wala na kayong lahat, oo, iba iyon—pag wala nang tao dito. Kasi kami ang nagbabantay dito sa gabi. Lahat kami, nandito.

"So pag wala na kayo, wala na kaming kausap, dun na siya [malungkot]."

Sama-sama ang magkakapatid na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth sa 70th birthday celebration ni Ate Guy noong Mayo 20, 2023, sa Seda Vertis North, Quezon City.

Nitong May 21, 2025, ilang araw na lamang, magse-celebrate dapat siya ng 72nd birthday.

Read: Nora Aunor: Blissful at 70

Mas naging close silang magkakapatid ngayon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Lalo. Kasi alam mo, Kuya, siyempre, ang nagba-bind sa amin, si Mommy, di ba? Nanay siya. Siya ang nanay namin. Nanay namin siya.

"Kahit anong sabihin ng mga tao na kung anu-anong alam mo na,” sambit ni Matet.

Early bird si Matet sa birthday salubong ni Ate Guy noong 2023.

Doon opisyal na natuldukan ang away nila ng kanyang mommy dahil sa gourmet tuyo business.

Matatandaang noong December 2022, naghimutok si Matet sa Instagram dahil kinumpitensiya raw ng Superstar ang kanyang produkto.

Read: TUYO WARS? Matet de Leon calls out mother Nora Aunor for directly competing with her gourmet tuyo business

Noong May 2023, sa 70th birthday ni Nora, nagyakapan ang mag-ina.

Nora Aunor with daughter Matet de Leon-Estrada
Photo/s: Gerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang saya-saya nila noong gabing iyon.

Present din doon si John Rendez na bida sa pelikulang Tomacruz… Sa Puso Ng Isang Anak, kung saan si Nora mismo ang executive director.

Kasama sa cast ng Tomacruz sina Matet, Ian, Kenneth, at si Nora.

Back to the present, sabi ni Matet, “Kumbaga, ngayon, wala na kaming ibang kakapitan kung hindi kaming lima.

“So ahhh, si Mommy kasi, she left us ano before, you know, ayaw niyang mag-away kaming magkakapatid.

“Ayaw na ayaw niyang mag-aaway or she wants us to talk about whatever, ahh, kung anumang problema namin sa isa’t isa.

"Ibig sabihin, ang gusto ni mommy, sarado. Kami. Lima. Madiin. Magkakayakap kaming madiin! So mahigpit!"

Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments

GORGY RULA

MGA ANAK NI NORA AUNOR, tulung-tulong sa WAKE

Sa kanilang limang magkakapatid, naging glue si Matet de Leon, lalo na noong 2022, kung saan kinilala si Nora Aunor bilang Pambansang Alagad ng Sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit ako? Nandun kami. Everybody was ano po kasi nun, e..." hinay-hinay na sabi ni Matet.

"E, wala. Ano po kami, naghihilahan kami ng lakas, kumbaga nagbibigayan kami ng lakas sa bawa’t isa. Bantayan kami.

"Ate ko, lustay na lustay na rin ng energy ng ate ko. Ang kuya ko din, ano. Mga kapatid ko, si Kiko at si Kenneth.

“Tapos may mga anak pa kami, nandito din. So we have to take care of the kids also.

"Kanya-kanya kaming ano, tapos nakatoka rin, mga anak ni Ate, sina Janine [Gutierrez], si Jessica, Diego, and Max.

"So kumbaga, lalong nag-ano lahat, kaming magkakapatid, pamilya namin,” pagmumuwestra ni Matet.

Nagparamdam na ba sa kanya si Ate Guy?

"Hindi. Tinatawag ko…huy! Huwag mo akong tinatanong ng ganun, kasi nga, ano ako,” emosyonal na pakiusap ni Matet.

"Inaano ko pa. Parang tinatawag lang namin..."

Ano ang dalangin niya para sa kanyang mommy?

“Kapayapaan. Kapayapaan, because, ahh, honest naman si Mommy sa lahat,” saad ni Matet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Her life, medyo naging mahirap yung buhay niya. So yun po, panalangin ko po yung kapayapaan ng kalooban niya.

"I’m sure, masayang-masayang-masaya po si Mommy. Kasi, andun ang lola ko. Andun po ang lolo ko, mga kapatid niya. Andun, so yun po…"

JERRY OLEA

Miyerkules Santo pumanaw ang Superstar na si Nora Aunor.

Kasagsagan ng Semana Santa ang burol.

“Nawala nga sa isip namin, e. Nawala sa isip naming lahat. Parang tumigil yung mundo namin ng Miyerkules!” bulalas ni Matet de Leon.

nora aunor national artist medal and trophies
Nora Aunor's National Artist medal and some of her acting trophies
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, focus muna ngayon si Matet sa burol ni Ate Guy kaya hindi siya nakakapag-live selling.

Nagtitinda siya online ng mga pabango at gamit araw-araw. Gaano kadalas siyang mag-live selling?

“Kung may kumuha… May mga sikat na artistang gumagawa niyan.”

Nakakapagod, ha. Ilang oras ang bawat session ng live selling.

“Walang nakakapagod para sa mga anak, di ba? May college na tayo. Yung anak kong isa, scholar naman. So ayos lang, bahala siya sa buhay niya,” sabi ni Matet.

“May bunso pa akong nag-aaral.”

Sa Abril 21, Lunes, ang huling gabi ng lamay para kay Ate Guy. Sa araw na iyon ang last taping day ni Matet para sa Kapuso primetime series na SLAY: ‘Til Death Do Us Part.

Iba yung bersiyon ng GMA 7 sa SLAY na nag-i-streaming sa Viu.

Sa Abril 22, Martes, ang interment kay Ate Guy sa Libingan ng mga Bayani.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon on mom Nora Aunor: "Panalangin ko po yung kapayapaan ng kalooban niya."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results