PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor Wake Day 2: Christopher de Leon, Richard Merk, John Rendez

Niyakap si Christopher de Leon na mga anak na sina Lotlot at Ian.
by PEP Troika
Published Apr 19, 2025
christopher de leon, richard merck, john rendez at the wake of nora aunor
Christopher de Leon (left) attends Day 2 of the wake of his ex-wife, Nora Aunor. Also present are Richard Merck (top right in photo) and John Rendez.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pumunta ang PEP Troika sa pangalawang araw ng burol ni National Artist Nora Aunor noong Biyernes Santo, April 18, 2025, sa Chapels 7, 8, and 9 ng The Heritage Park, Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Matet de Leon ang unang bumungad sa amin sa labas ng chapel. Ipinakilala niya kami sa dalawang kapatid na sina Kiko at Kenneth.

Matet de Leon during her PEP Troika exclusive
Matet de Leon during her PEP Troika exclusive interview
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Matet de Leon on mom Nora Aunor's death: "Parang tumigil yung mundo namin."

Bumati kami kay Ian de Leon at tinanong ko na rin kung pupunta ba ang papa niyang si Christopher de Leon.

“Mamaya daw po,” kaagad na sagot ng nag-iisang biological child nina Christopher at Nora.

Read: Ian de Leon reveals cause of death of Nora Aunor

Tumuloy na kami sa kabaong ni Nora para mag-alay ng maikling panalangin. Nasa harapan na upuan si Lotlot de Leon na mahigpit yumakap sa amin.

Kausap niya roon ang magkapatid na sina Charo at Malou Santos, kasama ang production secretary na si Aida Espiritu.

Nasa kabilang upuan naman si Direk Joel Lamangan, na dumating bago mag-4:00 P.M. kasama si Jim Pebanco, na katabi si Frank Rivera.

INTERVIEW WITH RICHARD MERK

Nandoon din si Richard Merk, na pinakiusapan naming kapanayamin dahil matagal-tagal din silang nagkasama at nagkaroon ng collaborations ng Superstar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Richard Merck reveals marriage to Nora Aunor in the U.S.
Richard Merck reveals marriage to Nora Aunor in the U.S.
Photo/s: Jerry Olea (main); File (inset)

Read: Richard Merck, nagpakasal kay Nora Aunor: "I lost my ex-wife."

Habang ini-interview namin si Richard sa labas ng chapel, namataan namin si John Rendez.

Pagkatapos ng mahaba-habang interbyu kay Richard Merk, pumasok ako ng chapel para tingnan kung ano ang ginawa at nasaan si John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaupo ito sa bandang likuran, sa lugar ng media at ilang nakiramay.

Ilang sandali, lumapit si John sa kabaong ni Ate Guy, parang kinakausap niya ito nang malapitan. Umiiyak siyang bumalik sa upuan niya sa likuran.

Matatandaang present si John sa 70th birthday celebration ni Ate Guy noong Mayo 20, 2023, sa Seda Vertis North, Quezon City, kung saan kumpleto ang limang magkakapatid na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

At that time, bida si John sa pelikulang Tomacruz… Sa Puso Ng Isang Anak, kung saan si Nora mismo ang executive producer.

Kasama sa cast ng Tomacruz sina Matet, Ian, Kenneth, at Nora.

Nakiusap pa noon ang Superstar na sana ay "magbati" na ang mga anak at si John.

Ang bilin niya, “Sana makita ko na magmahalan kayo. Kasi ako naman, matanda na ako, e.

“Magpasalamat tayo sa kanya na mula noon hanggang ngayon, nandiyan pa rin siya.

“So, yun lang, gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, unawain natin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nora Aunor, ipinakiusap sa mga anak na mahalin si John Rendez

Nora Aunor birthday with her kids
Nora Aunor (middle) with four of her kids (standing, L-R) Ian, Kiko, and (seated, R) Matet. Also in photo: Matet's husband Mickey Estrada.
Photo/s: Jerry Olea

Sa burol nitong Biyernes Santo, walang eksenang nangyari between John at sa mga anak ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni hindi namin siya nakitang kausap ang sinuman sa mga anak.

CHRISTOPHER DE LEON'S ARRIVAL

Pasado 7:00 P.M., dumating si Christopher sa burol. Lumapit sa kanya si Ian, kasama ang anak na isang batang lalaki.

Nandoon din si Kiko.

Lumapit si Snooky Serna at bumeso kay Christopher.

Maya-maya, pumasok si Janine Gutierrez, nasa likuran lang niya si Jericho Rosales.

Sumunod na ring pumasok si Lotlot, na yumakap sa kanyang ama at hindi napigilang umiyak.

Lotlot de Leon (R)  hugs her dad Christopher de Leon (in white polo). Also in photo: Ian de Leon
Lotlot de Leon (R) hugs her dad Christopher de Leon (in white polo). Also in photo: Ian de Leon
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Niyakap din siya ni Boyet at tinapik-tapik sa likod.

JOHN RENDEZ AND CHRISTOPHER DE LEON SHAKE HANDS

Nasa likuran lang ng upuan namin si John na biglang tumayo at lumapit uli sa kabaong ni Ate Guy.

Ilang sandali ay tumuloy na si Boyet sa kabaong ni Ate Guy, hawak sa kamay ang kanyang apo at nasa likuran niya si Ian. Nandoon pa sa harap ng kabaong si John na parang kausap si Snooky.

Pagkalapit ni Boyet, tumingin sandali sa kabaong, nagkatinginan sila ni John, at nagkamay.

Kaagad na umalis si John, at bumalik na sa kinauupuan niya sa likod at may kinausap siyang babae.

christopher de leon (R) and john rendez at the wake of Nora Aunor
Christopher De Leon (R) and John Rendez at the wake of Nora Aunor
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang anak ni Lotlot na si Max ang nag-lead ng novena prayer, at pagkatapos nito ay bumalik uli si John sa kabaong.

Pagbalik niya ay nagkasalubong sila ni Ian. Bahagya siyang tumango at ngumiti kay Ian, at nag-respond naman ang huli.

Hindi na namin siya nakitang kumain sa labas.

Tumitiyempo pa sana kaming kapanayamin ito, pero halatang emosyunal siya.

Earlier, nagpaunlak ng interview si John sa isang vlogger.

Pumayag si John na after that ay PEP Troika naman ang mag-iinterbyu sa kanya.

Pero more or less ay one minute lang ang interview ni John sa vlogger.

Masyado na itong naging emosyunal, kaya hindi na rin muna namin kinausap.

Tumitiyempo pa sana kaming kapanayamin ito, pero halatang emosyunal siya all throughout that night hanggang umalis siya.

Hindi na rin nagpaunlak ng interview si Christopher.

“Nasabi na nila lahat, e…” sabi ni Christopher sa akin.

Noong Miyerkules Santo pa lang ng gabi ay nag-message na ako sa kanya kung puwede siyang magbigay ng mensahe, pero hindi na siya sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung nagkausap kami sa telepono kinabukasan ay iba na ang napag-usapan namin.

Naging tahimik lang ang pangalawang gabi ng burol ni Ate Guy.

Mas nag-focus muna ang mga anak niya sa huling sandaling makakasama nila ang kanilang ina.

Naging civil at maayos ang pakikitungo nilang lahat kay John.

Hangad naman ng lahat, lalo na ang mga anak at malalapit na pamilya, na payapa nilang maihatid sa huling hantungan si Ate Guy.

NOEL FERRER

Sumunod naman ang mga tao na para sa mga kaibigan at pamilya ang viewing kagabi, Biyernes Santo, ikalawang araw ng lamay ni Ate Guy.

Nandoon din sina Evangeline Pascual, Rita Avila at Direk FM Reyes, Juan Rodrigo, Bembol Roco, Direk Laurice Guillen, Lani Mercado, Carla Abellana, pati na si Justice Esperanza Fabon-Victorino, na saglit nating nakapanayam.

Nakita rin natin si Tata Nanding Josef, si Atty. Joji Alonso at ang kanyang anak na si Nico Antonio, musical director Homer Flores at ang kanyang asawa na si Rocky Flores, na napagkamalan ni Tito Gorgy na si Myra Manibog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandoon din ang mga WEA Dancers ni Ate Guy.

Bago umuwi ang Troika, nakausap natin si Jackie Lou Blanco kasama ang kanyang mga anak na si Ara at Rikimae Davao, na ang sabi, “Long time, no see.”

Grabe, hindi pa man lubusang nagsi-sink in ang pagkamatay ng kanilang Mamita Pilita Corrales ay heto na ulit sila, sa kabilang side naman ng Heritage para suportahan pa rin sina Lotlot at Janine Gutierrez.

Dating mother-in-law ni Lotlot si Pilita.

Aminin natin, maraming times noong nandoon tayo na natatahimik dahil talagang malungkot.

Parang may malalim na puwang ang nawala sa atin na di nating maipaliwanag hanggang sa ating pag-uwi.

Sa lahat ng panayam at alam natin, parang pelikula ang buhay ni Ate Guy.

Naisip ko nga, parang kuwento ng ating bayan—sumasabay ang kuwento rin ng buhay ng ating Pambansang Alagad Ng Sining.

Nakakalungkot. Pero puno ng pagpapasalamat.

Sana’y magsilbing inspirasyon na lang ang buhay niya, na puwede tayong magtulungan, magsuportahan, para bumuti ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mami-miss ka namin, Ate Guy!

JERRY OLEA

May sundalong nakatayo at hindi nagsasalita sa bandang paanan ng kabaong ni National Artist Nora Aunor.

May karelyebo ang sundalong bantay sa tuwi-tuwina.

Sa ibabaw ng kabaong ni Ate Guy ay may watawat ng Pilipinas.

Nora Aunor's casket
Nora Aunor's casket
Photo/s: Gerry Olea

Dalawa ang naka-pin sa kanyang suot, sa may dibdib. Isa roon ay ang watawat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bandang ulunan ni Ate Guy ay takaw-pansin ang dalawang wreath na magkatabi. Ang isa ay mula kay President Ferdinand Marcos Jr. at ang isa pa ay mula kay former President Rodrigo Duterte.

Nora Aunor's funeral wreaths from President Bongbong Marcos and former President Rodrigo Duterte
Nora Aunor's funeral wreaths from President Bongbong Marcos and former President Rodrigo Duterte
Photo/s: Rommel Gonzales

Naka-display ang ilang tropeo ni Nora bilang best actress, maging ang medalyon sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
nora aunor national artist medal and trophies
Nora Aunor's National Artist medal (2nd from L) and her acting trophies
Photo/s: Jerry Olea

Bawal maglitrato at mag-video sa loob ng chapel. Humingi kami ng permiso sa magkapatid na Lotlot at Matet na magkuha ng litrato, pumayag sila.

Pakiusap ni Matet, huwag kunan ng litrato ang mukha ni Nora. May nagkuha raw niyon before at ipinost online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NORA AUNOR WAKE DAY 3

Ngayong Sabado de Gloria, Abril 19, ng umaga, ay dumagsa na ang Noranians sa Heritage Memorial Park para magbigay-pugay sa Superstar.

Maayos na pumipila ang fans, at may mga pulis para gabayan sila.

Kahit fans na naka-wheelchair o naka-walker ay pumipila.

The public viewing for Nora Aunor began on April 19, 2025, Sabado de Gloria, with all three chapels at Heritage Park in Taguig City filled to standing-room only
The public viewing for Nora Aunor began on April 19, 2025, Sabado de Gloria, with all three chapels at Heritage Park in Taguig City filled to capacity.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namataan namin, pasado 1:00 P.M. sina Nadia Montenegro at Shyr Valdez na punong-abala.

Afterwards ay dumating si John Rendez.

Nagko-condole ang fans kay John, nakikipagkamay, yumayakap, nagpapa-picture.

Habang kumakain si John ay andaming tumatawag sa pangalan niya, kumakaway, nagsasabi ng, “Condolence.”

Kumakaway rin si John at nagbibigay ng mensahe sa mga ito.

John Rendez at the wake of Nora Aunor
John Rendez talking to some Noranians at the wake of Nora Aunor
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuloy sa pagkakataong ito ang eksklusibong panayam ng PEP kay John.

Bahagi ng mensahe ni John para sa fans, “Let’s just honor her legacy na lang. Remember her memory, and this should be a time for remembrance… celebrating her life!”

Bago mag-2:00 P.M. ay namataan na rin natin sa burol si Matet de Leon.

Sabi ng waiter na nakausap namin ay nasa lamay na rin sina Ian de Leon, Lotlot de Leon, at Janine Gutierrez.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher de Leon (left) attends Day 2 of the wake of his ex-wife, Nora Aunor. Also present are Richard Merck (top right in photo) and John Rendez.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results