PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KMJS at FTBWA, umangat ang ratings dahil sa Nora Aunor coverage

Iba pang TV ratings para sa April 20, 21, at 23, alamin dito.
by PEP Troika
Published Apr 25, 2025
KMJS at Fast Talk With Boy Abunda, umangat ang ratings dahil sa Nora Aunor coverage.
Celebrity guests sa KMJS (main photo) ang mga anak ni Nora Aunor na sina (seated, L-R) Lotlot, Ian, at Matet, pati na sina (standing, L-R) Kiko at Kenneth. Sila ring magkakapatid ang napanood sa Fast Talk With Boy Abunda. (inset).
PHOTO/S: KMJS / Fast Talk With Boy Abunda (inset)

GORGY RULA:

Marami pa rin ang interesado sa kuwentong Nora Aunor pagkatapos niyang pumanaw noong Miyerkules Santo, April 16, 2025.

Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments

Tumama pa ito sa Holy Week, kaya hindi regular programming ang napapanood sa telebisyon. Pero naa-update naman sa mga news program.

Nora Aunor as Elsa in Himala
Nora Aunor as Elsa in the 1982 movie Himala
Photo/s: Screenshot from Himala
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KMJS AND FAST TALK WITH BOY ABUNDA

Patuloy pa ring sinusubaybayan ang kuwento tungkol kay Nora Aunor kaya tumaas ang rating ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Easter Sunday, April 20.

Naka-15.4% ito noong Linggo, at malaki ang itinaas sa rating kumpara noong April 13 na 14.5%.

Bumalik na sa regular programming pagkatapos ng Holy Week, at pinapanood pa rin ng karamihan ang kuwento tungkol kay Ate Guy.

Madamdamin ang episode ng Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, April 21, kunsaan ginawa ni Kuya Boy ang interview sa mga anak ng namayapang Superstar. Naka-5.3% ito.

Kaya tingnan natin kung mataas ang viewership sa replay ng drama series ni Ate Guy sa TV5 na Sa Ngalan ng Ina. Magsisimula na ito sa Lunes, April 28 ng 5:15 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Read: Highlights: Nora Aunor's state necrological service

NOEL FERRER:

Medyo tumaas ang viewership sa mga programa sa telebisyon pagkatapos ng Holy Week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo na sa panghapong programa, namayagpag ang mga drama series ng GMA-7, at malaki ang itinaas nito.

MOMMY DEAREST, UNA SA AFTERNOON BLOCK

Noong Miyerkules, April 23, nangunguna pa rin ang Mommy Dearest.

Simulan muna natin sa It’s Showtime na naka-6.1%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na 7.8%. Ang Mommy Dearest naman ay 8.2%, at ang sumunod na Binibing Marikit ay 6.8%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.4%, at ang sumusunod na Red Balloon ay 2.7%.

Kapansin-pansin ang malaking pagbaba ng Family Feud na naka-6.6% lamang nung araw na iyun.

Maaring inakala ng mga manonood na replay pa rin ito, dahil sa sunud-sunod na replay episodes noong nakaraang linggo.

Pero ano pala ang nangyari sa Wil To Win sa TV5? Totoo bang magtatapos na ito?

Read: Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen

JERRY OLEA:

Pagdating sa primetime ay medyo bumaba ang viewership. Ang 24 Oras ay 11.5%, at 2.7 percent% ang TV Patrol.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Balik-single digit ang Lolong: Pangil ng Maynila na naka-9.5%, at kahit ang FPJ’s Batang Quiapo ay medyo bumaba rin sa 13.3%.

Tumaas na naman ang Incognito dahil sa magaganda ang huling episodes nito. Naka-8.9% ito, at ang Mga Batang Riles ay 8.3%.

Ang SLAY naman na may mga tinape na bagong eksena ay naka-5.3%, at 4.4% naman ang Saving Grace.

PBB CELEBRITY COLLAB

Ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab ay 3.8%. NKKLK na panay lalaki ang mga duo na nominado sa third eviction sa Bahay ni Kuya.

Nominado na naman sina Michael Sager at Ralph de Leon. Makakaligtas kaya uli sila pareho?

MORE STORIES ON NATIONAL ARTIST NORA AUNOR

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity guests sa KMJS (main photo) ang mga anak ni Nora Aunor na sina (seated, L-R) Lotlot, Ian, at Matet, pati na sina (standing, L-R) Kiko at Kenneth. Sila ring magkakapatid ang napanood sa Fast Talk With Boy Abunda. (inset).
PHOTO/S: KMJS / Fast Talk With Boy Abunda (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results