GORGY RULA
Kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemate na si Esnyr Ranollo sa main cast ng pelikulang The Last Goodbye, na pinagbibidahan nina Matt Lozano at Daniela Stranner.
Nagkaroon ng premiere night ang latest offering ng Mavx Productions noong Lunes, May 5, 2025, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.
Nanghinayang sina Matt at Daniela dahil hindi nila kasama si Esnyr.
Read: Esnyr, apple of the eye ng PBB Celebrity Collab male housemates
Kung ano ang nakikita ng publiko kay Esnyr sa Bahay Ni Kuya, ganung-ganun din siya sa The Last Goodbye, na dinirek ni Noah Tonga.
Dahil sa kasikatan ngayon ni Esnyr dala ng PBB Celebrity Collab, puwede sana siyang makatulong sa promo ng pelikulang ito na magso-showing na sa mga sinehan sa Miyerkules, Mayo 7, 2025.

BASED ON JOE D'MANGO'S LOVE NOTES
Pero bagay naman sina Matt at Daniela na parehong magaling sa The Last Goodbye.
Simple lang ang kuwento ng pelikula na hango sa love notes ni Joe D’Mango kaya taong 2002-2003 ang setting nito.
Paliwanag ni Daniela: “Here in this movie, you’ll see different kinds of levels, from loving, moving on.
"So, marami siyang… I don’t wanna spill a lot kasi it didn’t really show much in the trailer.
“Super very light and a very nostalgic movie.”

NOEL FERRER
Kinunan ang kabuuan ng The Last Goodbye sa Daet, Camarines Norte, na marami palang magagandang tanawin.
Malaki ang naitulong ng location para sa ikagaganda ng pelikula.
Sabi nina Matt at Daniela, hindi sila nag-workshop para maging kumportable silang dalawa sa isa't isa.
Nakapag-bonding daw sila nang magbiyahe sila pa-Daet.
Kuwento ni Daniela: “Hindi kami nag-fly going to Bicol. Nag-van ride kami. So, 12 hours kaming magkasama sa van and then dun na kami nagkakilala.
“Nakikita naman na si Matt is such a sweet guy and all that. Ang dating sa akin is magkasing-age, super vibes kami. Ang bilis namin magka-vibe.”
Sabi naman ni Matt, hindi siya gaanong nahirapan sa role niya dahil naka-relate siya rito.
“Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi medyo malapit naman sa personality ko yung character, and ang sarap sa pakiramdam kasi si Daniela [ang kasama ko].
“She’s very open. So, kumportable agad ako.”
Read: Sinagtala premiere, suportado ng loved ones ng cast members
JERRY OLEA
Naka-tandem ni Daniela sina Anthony Jennings, JK Labajo, at Jeremiah Lisbo, pero na-excite daw siya rito sa loveteam nila ni Matt Lozano dahil first time niyang makatrabaho ang taga-Kapuso.
Pahayag ng Kapamilya young actress: “Mas na-excite ako. Kasi I love working with different loveteams, with different partners.
“I don’t really like being stuck to one. So, nung nalaman ko na makaka-partner ko si Matt, na-excite ako, siyempre I did some research about him. Then mas nakilala ko siya. Okay naman siya.
“Ang pressure lang siguro, hindi lang ABS fans ang manonood sa amin, it’s the GMA fans, yun yung pressure.”
Kung si Daniela ay bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, si Matt naman ay nasa pangangalaga ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management team ng GMA-7.
Read: Daniela Stranner: A "good actress" to watch for
DANIELA'S LOVE LIFE
Tapos na raw si Daniela sa mga isyu niya noon sa ilang naka-loveteam. Happy siya ngayon dahil masaya ang kanyang love life.
Nandun sa premiere night ang boyfriend niyang si Rhys Miguel para sumuporta sa kanya.
“Ano lang kami… ang nabibigay niya is support. Naintindihan naman niya ang work ko, and then ako siyempre support lang in what he wants to do with his career as well. Ganun lang po, give and take na.
“Ano naman kami e, hindi kami secret, pero private kami. We don’t really share our relationship in public and all,” sagot ni Daniela nang kinumusta ang relasyon nila ni Rhys.
