NOEL FERRER
Sobrang naiiyak pa rin ako kapag napapanood ko ang eulogy ni Jackie Lou Blanco sa huling gabi ng asawa niyang si Ricky Davao sa Heritage Memorial Park, Taguig City, nitong Martes, Mayo 6, 2025.
Lumuluhang nakikinig ang karamihan ng SRO attendees sa tatlong chapels ng Heritage dahil punung-puno ng pagmamahal, pagpapatawad, at paggalang ang naramdaman ng mga tao sa wake ni Ricky.
Read: Jackie Lou Blanco fondly remembers estranged husband Ricky Davao
Ngayong Wednesday morning, Mayo 7, ang huling service/ritual kay Ricky.
Tinanong natin si Jackie kung ano ang gagawin nila sa urn/ashes ni Ricky after today.
Sabi ni Jackie, “Iuwi muna till we decide saan yung resting place.”
Para lang din sa yumaong ina ni Jackie na si Tita Pilita Corrales, iuuwi muna ito ng pamilya.
Still, Jackie is grateful and thankful to everyone who came to pay their last respects kay Ricky.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal at tumulong para malampasan ng pamilya nila itong napakalaking pagsubok nitong nakaraang dalawang linggo.
Kahit ako, hindi ko mawari kung paano nila nakakaya. Like Jackie’s testimonial at tribute kay Ricky, it can only be through God’s grace really.
Godspeed, Ricky!!!
Read: Ricky Davao: Remembering his life and prolific acting career
GORGY RULA
Hindi ko rin mapigilang maluha habang pinapakinggan ko ang eulogy ni Jackie Lou Blanco para sa yumaong asawa na si Ricky Davao.
Nakikita mo sa aktres ang kabutihan ng puso, kung paano niya tinanggap ang lahat, kung paano niya minahal ang mga taong mahal ni Direk Ricky.
Unconventional siyang maituturing dahil matagal nang hiwalay sina Jackie Lou at Ricky.
Pero iisang pamilya sila na pagmamahalan ang nakikita sa kanilang lahat, at pag-ibig ang namumutawi sa kanilang mga bibig.
Doon talaga ako naiyak kung paano niyakap at hinalikan ni Jackie Lou ang anak ni Ricky kay Cheryl Singzon na si Justine, pati ang ibang babaeng minahal ng actor-director, lalo na si Mayeth Malca Darroca.
Lingid sa kaalaman ng marami — maliban sa tatlong anak ni Ricky kay Jackie Lou na sina Kenneh, Rikki Mae, at Arabella — may isa pang anak si Ricky sa dati nitong nakarelasyon na si Cheryl.
Si Malca naman ang kasalukuyang girlfriend ni Ricky.
Read: Tearful Jackie Lou Blanco says she had "closure" with Ricky Davao
ETIQUETTE FOR ANNOUNCING SOMEONE'S DEATH
Ang isa pang nasa isipan ko pag-uwi galing sa burol ni Ricky ay ang pinag-uusapan nating pag-break ng news tungkol sa pagpanaw ng isang kilalang celebrity.
Nagalit ang close friends ni Ricky sa mga nangunang nag-post sa social media tungkol sa pagpanaw ng aktor.
Kahit mahigpit na ipinagbilin na hintayin muna ang announcement mula sa pamilya, may mga nanguna pa rin para ibalita ito sa lahat.
Meron namang pasimple lang na nagpo-post ng blind item tungkol sa pagpanaw ng aktor. Ganoon pa rin yun!
Read: Ricky Davao dies at 63
Kaya pag-uwi ko, nag-Google ako sa tamang etiquette sa pag-break ng news ng pagpanaw ng isang tao, lalo na’t kung kilala ito.
Sana, mabasa ito ng mga nagpapabida agad.
Mababasa nila sa simula pa lang: “Breaking the news of a person’s demise requires empathy, sensitivity, and respect for the grieving family.
“The key is to deliver the news in a calm, compassionate manner, allowing the family time to process the information and grieve in their own way. It’s also crucial to avoid unnecessary details and to prioritize their privacy.”
Mahaba ang detalyadong breakdown ng etiquette. Pero sana, basahin ng mga taong ito kung ano ang nararapat gawin sa pagbalita ng pagpanaw ng isang tao.
Mababasa roon na i-consider muna ang namatayang pamilya.
“The devastating loss of a loved one is hard enough. Don’t make it worse by announcing a death when it isn’t your place,” bahagi ng nakasaad sa death etiquette and social media.
Sana, magkapanahon ang iba riyan na basahin ito.
Read: How to tweet death news respectfully
JERRY OLEA
Sumagi sa isip ko ang dalawang 1988 movies na tinampukan nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco.
Ang mga ito ay ang Isusumbong Kita Sa Diyos na idinirek ni Emmanuel H. Borlaza, at ang Misis Mo, Misis Ko na idinirek ni Carlitos Siguion-Reyna.

Naalala ko rin ang pelikulang Mourning Girls (2006) na idinirek ni Gil Portes.
Ang role ni Ricky sa The Mourning Girls ay isang kaluluwa. Inulila niya ang tatlong babae na ginampanan nina Glydel Mercado, Assunta de Rossi, at Chin Chin Gutierrez.
Read: Jackie Lou Blanco introduces other women in Ricky Davao's life

RICKY DAVAO'S LAST "BABY"
Sa tunay na buhay, ang huling “baby” ni Ricky ay si Mayeth Malca.
Ipina-tattoo ni Mayeth sa kanyang bisig ang “Bubba” na tawag niya kay Ricky, pati ang initials nilang R at M.
“Mahal kita, Ricky, sobra-sobra. Miss na kita,” sabi pa ni Mayeth sa Facebook post kaugnay sa tattoos.
Walang isyu kina Mayeth at Jackie Lou.
Nakita ko sila pareho sa lamay noong Mayo 4, Linggo ng gabi.
Alam ni Mayeth kung ano ang dapat gawin. Lumugar siya.
Batid ng mga malalapit na kaibigan kung gaano kahalaga si Mayeth sa puso ni Ricky.
Nakabantay si Mayeth kay Ricky sa ilang buwan na nakaratay ito sa karamdaman, hanggang malagutan ito ng hininga.
Read: Ricky Davao’s girlfriend pens heartfelt message for late actor
