PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eviction ni Ralph, ang sakripisyo ni Shuvee, punchline ni Klang

Wildcard housemates kaya ang inaabang "wild announcement" sa PBB?
by PEP Troika
Published May 11, 2025
PBB Celebrity Collab: Eviction ni Ralph, sacrifice ni Shuvee, pag-comfort ni Klang
PBB Celebrity Collab ganaps: Ralph de Leon (leftmost) apektado ng duo system; Shuvee Etrata (rightmost, center and insets) naiyak dahil ginalit si River Joseph sa ngalan ng task; Klarisse de Guzman (blonde hair), kinomfort si Shuvee.
PHOTO/S: PBB Celebrity Collab

GORGY RULA:

Sabi ng host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab na si Bianca Gonzales sa Eviction Night episode nung Sabado, May 10, 2025, may “wild announcement” daw sa telecast mamaya.

Pinag-uusapan na ito ng mga masugid na sumusubaybay sa PBB Celebrity Collab.

Read: Ralph de Leon, Josh Ford fourth evictees in PBB: Celebrity Collab

Naghuhulaan na sila na itong “wild announcement” kaya ay wild card ang ibig sabihin at may pababalikin sa mga na-evict na housemates?

Sa pang-apat na Eviction Night kagabi, lumabas na sa Bahay Ni Kuya ang JoRa duo na sina Josh Ford at Ralph de Leon.

Ang daming nalungkot at nagalit sa tuluyang paglabas ni Ralph pagkatapos ng ilang beses na pakikipagtunggali na maiwan sa PBB house tuwing eviction night.

Tatlong beses niyang nalalagpasan ang eviction, at natuluyan na siya sa pang-apat.

Kaya awang-awa sa kanya ang supporters niya dahil siya raw talaga ang apektado nang husto sa duo system na ito ng PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RALPH DE LEON AND AZ MARTINEZ

Pero lalong dumami ang fans niya at ang isa pang grupong sumalubong sa kanya sa paglabas niya sa PBB house ay ang AzRalph loveteam. Nabuo ang loveteam nila ni AZ Martinez dahil tila nagkakadebelopan sila sa Bahay Ni Kuya.

Si AZ siyempre ang sobrang apektado sa pagka-evict ng JoRa duo dahil hindi na niya makakasama sa loob si Ralph.

Kaya nakaalalay kay AZ ang kapwa housemates, lalo na si Esnyr na talagang nakabantay sa kanya habang nag-iiyak ito.

Sabi pa ni AZ, “Last time ganito ako, broken-hearted ako. Ba’t parang broken-hearted ako ngayon?”

Pinalaya na kasi ni AZ ang boyfriend niyang Sparkle artist na si Larkin Castor.

Kaya tingnan natin kung tuluyang magkainlaban sina AZ at Ralph pag makalabas na ang Kapuso Sparkle actress.

JOSH FORD

Si Josh Ford naman ay kaagad na lumobo ang followers sa Instagram pagkalabas niya ng Bahay Ni Kuya kagabi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napansin ng ilang fans na 55,000 lang daw ang followers ng Kapuso actor kagabi. Pero nitong huling check ko ay umabot na ng 110,000 followers.

Sobrang nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng fans na nagkagulo para lang makapagpa-picture sa kanya.

Read: Ashley Ortega says Mavy Legaspi's parents are "very welcoming"

JERRY OLEA:

Sobrang intense nitong huling episode ng PBB Celebrity Collab dahil sa weekly task na pinagawa ni Kuya sa tatlong duo na nominado.

Pero na-focus nang husto kina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat dahil kinarir nilang dalawa pati ang iba pang nominado ang isang task na dapat palihim nilang makunan ng litrato na nagagalit si River Joseph.

Ang laking challenge sa kanila ito dahil sobrang bait ni River at parang hindi ito marunong magalit.

Pero na-achieve nila ito dahil sa galing ng aktingan nina Xyriel at Shuvee.

Pero si Shuvee ang natamaan nang husto dahil sa kanya nagalit si River at iba pang housemates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinakripisyo niya ito para lang mapanalunan nila ang weekly task sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Makukuha nila ang kanilang budget sa pagkain kapag mapanalunan nila itong weekly task.

Pinaghirapan nila ito nang husto, lalo na si Shuvee na hinarap ang galit sa kanya ni River at ng ibang housemates.

Kaya puring-puri siya ng netizens dahil sa napaka-strong daw ng character ni Shuvee na ang dami niyang isinakripisyo sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Automatic nomination ang nakuha ng duo nina Shuvee at Bianca de Vera dahil sa pagkabasa ng lapel ng Kapuso comedienne gawa ng pagtulong nito kay Klarisse de Guzman na tumalon nung nalasing ito.

Kaya ang daming nagpu-push na dasurv daw ng "Ang Island Ate Ng Cebu" na mapasama sa final four.

Patuloy na nagte-trend si Shuvee sa X, pati sina Dustin Yu, at Xyriel.

Komento ng isang aktor na nakatrabaho ni Shuvee, hindi pa raw ito gaanong marunong umarte kapag naggi-guest sa kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ngayon ay lumalabas na raw ang pagiging komedyante ni Shuvee sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Read: Emilio Daez open to doing a BL project with Michael Sager

NOEL FERRER:

Winner din ang mga binibitawang punchline ni Klarisse de Guzman.

Hanggang ngayon ay ginagawa pang memes ng iba ang pinasikat niyang linyang, “Ang OA! Sorry tinapakan ko ang pagka-loveteam nyo!”

Naaliw naman sa kanya ang mga supporters ng PBB sa mga bitaw nito kapag matindi na ang mga hinaharap nilang challenges sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Pagkatapos nailabas ni Shuvee ang galit kay River, pumasok na sa loob ng kuwarto si Klarisse para magtanong kung ano talaga ang nangyari.

Kinausap ni Klarisse si Shuvee na umiiyak na.

Pinapakalma niya ito na huwag nang magpa-pressure sa pinapagawa sa kanilang weekly task. Okay lang daw kung matalo sila.

Sinabihan ni Klarisse si Shuvee ng, “Karne lang yan. Kahit hindi tayo mag-succeed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kesa may karne tayo pero hindi nagkikibuan sa lamesa. Hindi tayo nagpapansinan. E, ano… maggulay na lang tayo.”

Tuwang-tuwa na naman ang mga netizens sa linyahang yan ni Klarisse. Iba talaga pag bumitaw ng ganung klaseng punchlines ang Ate Klang ng mga housemates.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Celebrity Collab ganaps: Ralph de Leon (leftmost) apektado ng duo system; Shuvee Etrata (rightmost, center and insets) naiyak dahil ginalit si River Joseph sa ngalan ng task; Klarisse de Guzman (blonde hair), kinomfort si Shuvee.
PHOTO/S: PBB Celebrity Collab
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results