JERRY OLEA
Nagpahinga si Jay Manalo sa paggawa ng TV show noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
"Kasi ang daming requirement noon," sabi ni Jay nang makatsikahan ko noong Hulyo 6, 2025, Linggo ng gabi, sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Quezon City.
“Na kailangan magkulong ka sa hotel. E, ayoko ng ganoon.
"Nagkukulong ako sa bahay ko with my family.”
Last year ay nakasama siya sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, at this year ay sa Mga Batang Riles.
Parehong sa GMA-7 ang dalawang serye.
Read: OG F4 from Meteor Garden reunites on stage after 12 years
NO VMX PROJECT FOR JAY MANALO?
Noong 2023 pa huling napanood si Jay sa VMX (Vivamax). Bakit hindi na siya gumawa ng mapangahas na pelikula sa nasabing streaming platform?
“Hindi na ako pumirma, kasi hindi kami nagkasundo ni Boss,” pagtatapat ni Jay.
“Basta’t okay yung pag-uusap sa alam niyo na, TF [Talent Fee], magkakasundo kami. Gagawa’t gagawa ako. Hindi puwedeng hindi. Mahal ko si Boss Vic [del Rosario].”
So, gagawa uli siya sa VMX pag nagkaayos sa TF?
Tumango si Jay.
“Pag nagkaayos sa TF. Sa tinagal-tagal na natin, dapat iyong deserved naman natin ang makuha natin.”
Read: Janna Dominguez and Mickey Ablan soon to welcome fourth child
JAY MANALO GOT A CALL FROM INCOGNITO
Mahigit tatlong dekada na si Jay sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Dagdag ng premyadong aktor, “Kahit anong film outfit iyan, kahit Regal, kahit Star Cinema, whatever, okay ako.
"Okay rin ako kahit saang TV network.
"Actually, noong ginagawa ko ang Mga Batang Riles, tumawag sa akin ang Incognito.
“I told them na hindi ako pupuwedeng tumanggap niyan, kasi at the time, siguro one-fourth na lang ng Mga Batang Riles nung tumawag sila.
"E, hindi naman ako pupuwede talaga.”
Nagkasabay sa ere ang Incognito, na nag-pilot episode noong Enero 20, 2025 at magpi-finale sa Hulyo 18, sa TV5; at Mga Batang Riles, na ipinalabas mula Enero 6 hanggang Hunyo 20, sa GMA 7.
Ang papalit sa Incognito ay ang It’s Okay Not To Be Okay nina Joshua Garcia, Carlo Aquino, at Anne Curtis. Tatagal ito ng 16 weeks sa ere, kaya bale 80 episodes ito.
Read: Mika Salamanca donates PHP1M PBB prize to orphanage
NOEL FERRER
JAY MANALO HOPES TO SIGN WITH TV5
Mabuti at nakakatawid-tawid si Jay Manalo sa iba’t ibang movie company at TV network.
Napangiting sabi ni Jay: “Of course. What I’m hoping right now, sana makapirma ako sa TV5.
“Sa nakikita ko, parang kulang yata ang artista ng TV5. Sana, makapirma uli ako sa kanila.
“Pero siyempre, with the right offer.”
May mga nagawa nang drama series before si Jay sa Singko.
GORGY RULA
Ano ang message niya sa mga nakaka-miss sa kanya sa VMX?
Natatawang bulalas ni Jay Manalo: "Naku po, diyos ko! Hahaha!
"Actually ako, wala akong kiyeme kung ano man ang ipagawa sa akin sa movie.
“Kasi sa akin, always inilalagay ko sa mind ko na it’s an art, di ba?
"Ine-enhance ko kung ano yung mga kailangan ko para doon sa character ko.
“Kaya katulad ng sinabi ko, open pa rin ako sa lahat ng offer nila basta tama lang iyong pag-uusap.
“At kung may gagawin ako sa Vivamax, I don’t care kung sino ang partner ko.”
Kabilang sa mga proyekto ni Jay sa VMX ang Selina’s Gold, Bugaw, Hosto, Girl Friday, Laruan, Mahjong Nights, La Querida, Hugas, at Iskandalo.
