JERRY OLEA
Balik-hubaran si Leandro Baldemor sa VMX (dating Vivamax) movie na Ang Lihim ni Maria Makinang, sa direksiyon ni Gian Arre.
“Parang more than 20 years na yung huli kong pagseseksi sa pelikula!” natatawang sabi ni Leandro sa eksklusibong panayam ng PEP Troika nitong Hulyo 19, 2025, Sabado ng umaga, sa kanyang tahanan sa Paete, Laguna.
Nagkabiruan sila noon ni Sid Lucero na babalik siya sa mga mapangahas na pelikula.
Read: Leandro Baldemor on Vivamax Stars' Brashiness
“Ha! Ha! Ha! Siya ang ano, siya ang hari ngayon, e. Nung nag-usap kami,” pagtatapat ni Leandro.
“Natuloy yung movie, hindi ko alam na merong love scene. May love scene. So, nabigla na lang ako noong nabasa ko yung script, ‘Aba, teka! May love scene pala!’
“Mabuti na lang, hindi naman talaga... pero merong ano. Butt exposure ako doon. Ang selling point. Ha! Ha! Ha!”
LEANDRO BALDEMOR ON LOVE SCENE WITH MERCEDES CABRAL
Co-stars ni Leandro sa Ang Lihim ni Maria Makinang ang mga premyadong sina Mercedes Cabral at Gold Aceron.
“Magaling talaga silang umarte sa totoo. Magaling silang umarte,” sambit ni Leandro.
“Saka siyempre, makakapag-react ka nang maganda pag yung pagbato nila sa iyo, e, OK.”
Nailang pa ba siya sa love scene nila ni Mercedes?
“Tinanong kasi kami nung direktor, at nung asawa nung direktor… ‘Ano ba ang limitation mo?’ Ako ang unang tinanong, e,” saad ni Leandro.
“So sabi ko, ‘Si Miss Mercedes ang tanungin mo.’ Kung ano ang hihingin ng eksena at ikagaganda naman at para sa eksena, OK siya.
“Noong nag-love scene kami, actually wala namang… hindi naman ganoon kaano, kasi nakadamit kami parehas.
“Yun lang, parang inililis ko lang. Para bang yung eksena is quickie lang… mabilis lang na pangyayari. OK naman.”
Hindi na big deal kay Mercedes?
“Tingin ko, bilang napaka-professional niya, e kung ano yung hinihingi, gagawin niya basta ikagaganda ng eksena,” tugon ni Leandro.
Read: Manny Pacquiao's ring comeback against Mario Barrios ends in draw
Nanibago ba siya sa pagsabak muli sa sexy role?
Napakunot-noo si Leandro: “Medyo hindi naman nanibago. Kumbaga, na-realize ko, kung kailan ako tumanda. Ha! Ha! Ha! Ha! Matanda na! Ha! Ha! Ha!
“Pero OK naman. Unang-una sa eksena, inalalayan ko siya. Nagsasabi kasi ako. Ayoko ng basta, ‘O, take!’ Gagawin mo na yung ano, magre-react na lang yung artista.
“So sabi ko kay Ma’am, ‘Ma’am, siyempre pa-panning ako dito, dadayain ko yan dito, saka dito. Sa may leeg, sa may braso.’
“Dito lang naman ang camera, e. So, sa likod. So, puwedeng nakaganun lang ako,” pagmumuwestra ni Leandro.
“Hindi naman nakalapat talaga yung labi. Parang ibinababa ko lang, mga ganun. So maganda naman yung kinalabasan…
“Mabuti na lang talaga at yung nakaeksena ko ay mahusay. Mahusay at alam niya yung dapat gawin.”
Kabilang sa sexy movies na ginawa before ni Leandro ang Patikim ng Pinya, Sariwa, Tukso, Layuan Mo Ako 2, Hawakan Mo Ako, Katawan, Kiliti, at Walang Dayaan, Akin Ang Malaki.
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

NOEL FERRER
Kailangan ba talaga sa istorya yung love scene nila ni Mercedes Cabral? Integral ba iyon sa pag-usad ng istorya?
“Oo, kailangan,” mabilis na sagot ni Leandro Baldemor.
Maaaring sabihin ng iba na desperado siya kaya bumalik siya sa paghuhubad…
“Hindi naman. Hindi naman, kasi sabi nga ni Ferdy Lapuz, manager ni Miss Mercedes… ‘Welcome to indie films!’
“Sabi niya, ‘Eto yung indie Vivamax!’ Sabi niya, ‘Welcome, ano ba ang nangyari? Ano ba ang eksena mo?’ So ayun, nagkuwento ako.
“Tuwang-tuwa siya. Tuwang-tuwa siya sa akin dahil parang, ‘Naninibago ka ba o ano?’
“Sabi ko, ‘Hindi naman. Hindi ko lang in-expect na kung kailan pa ako tumanda, e…’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Pero maganda naman. Maganda yung pelikula. Kasi satisfied naman yung direktor dun sa akting. Kasi mabusisi talaga si Direk.
“Bawat anggulo, bawat ano, talagang inuulit-ulit namin para mas marami raw siyang materyal, mas makakapili siya ng ano. Saka pam-filmfest ng Vivamax.”
Read: Will Ashley addresses real score with Bianca de Vera
WOOD CARVING BUSINESS
Puwedeng makatulong, puwede ring makasira sa kanyang negosyong wood carving ang paggawa niya ng pelikula sa VMX. May ganoon ba siyang agam-agam?
“Hindi naman. Kasi unang-una, doon naman ako nakilala sa pagiging sexy star,” pagmamatuwid ni Leandro.
“Seiko Films. Tapos iba naman kasi yung art doon sa pagiging artista. Art din naman yun.
“Hindi naman tayo gumawa ng pelikula na basta lang. Maganda naman, pam-filmfest ng Vivamax. Tapos yung art naman natin is quality naman.
“At saka ang tao ngayon, iba na, e. Liberated na. Iba na ang pananaw nila. Iba, iba na ngayon talaga, sa totoo lang.
“Kahit yung mga anak ko, napapansin ko, iba na sa kabataan namin. Ngayon, lahat makikita mo na kasi, e.
“Ang buhay ng tao, makikita mo na. ‘Ah, ganun lang pala kasimple.’
"Katulad niyan kanina, nag-open lang ako ng cellphone, ‘Ang buhay, huwag mong isipin ang bukas. Huwag mong isipin yung nakalipas. Yung ngayon, isipin mo.’
“Di ba? Parang ganun. So, yung hanapbuhay, sa artista at saka showbiz, at business ko naman dito sa handicraft, e, medyo malayo naman para doon. Hindi makakasira yon.”
Read: Klea Pineda reveals breakup with Katrice Kierulf
GORGY RULA
Magugulat kaya ang asawa niya at mga anak sa pagpapaseksi niyang muli sa VMX?
Natatawang sagot ni Leandro Baldemor: “Tingin ko, yung asawa ko, magugulat! Ha! Ha! Ha! Ha! Ngayon nga lang niya nalaman.
“Pati mga anak ko. Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Meron ka pa palang selling point.’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Kaya sabi ko, ‘Naku, baka magulat yung asawa ko, si Venus, pag nalaman niya!’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Yung producer na babae ang naglililis, ‘Sir, ibababa pa natin.’ Yung asawa ni Direk Gian, siya yung tagababa.
“Sasabihin kasi ni Direk, ‘Ibaba mo pa. Kasi, kita pa na ano. Baba, baba, baba pa!’ Ha! Ha! Ha! Ha!’ ‘Direk, baka makita mo yung tali ko diyan!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”
Nagplaster ba siya?
“Hindi naman. Hindi kailangan, gawa ng… parang inililis. Ito yung puwet mo, hanggang dito lang naman,” sambit ni Leandro.
“Para lang ipinakitang nag-quickie. Sabi ko kay Miss Mercedes, ano naman ako, safe.
“Missionary position, e. Kaya iniangat ko nang konti. Nung una nga, may inilagay pa si Direk na parang tabing para hindi maglapat, di ba?
“Kita sa kamera! So, hindi ako maka-react na tanggalin. Kasi, lalaki ako, e! So, inintay ko si Ma’am Mercedes kung anong magiging reaksiyon niya.
“Sabi niya, ‘Tanggalin na lang natin. Meron naman akong support, e,’ sabi niya. Tahimik lang ako. Hindi ako para magdesisyon.
“So, siya ang nagdesisyon kasi siya ang babae. Nagdesisyon siya. So, ang ginawa ko, OK.
“Pero tinanggal man, hindi ko inilapat. Kasi may pumping action, e. Ang ginawa ko, nakaano lang ako. Steady lang akong ganun.”
Read: When Life Gives You Tangerines wins Daesang at Blue Dragon Series Awards 2025
Nadarang pa ba siya? Meron bang kumislot?
Napabuntong-hininga si Leandro: “In a way. Siyempre lalaki lang ako. Maganda si Ma’am, maganda si Mercedes.
“Iba, iba yung reaction namin doon sa love scene namin na yon. Kasi, kailangan mong sumabay sa reaction, e.
“Ibig sabihin, ibigay mo yung reaction na hinihingi. So, nagbibigay ng instruction si Direk para kung anong gawin. ‘Ganito, halikan mo diyan, baba dito. Baba doon, ganyan.’
“So siyempre, babae yung ka-love scene mo. Magkakaroon ka ng kaunting paninindig ng mga balahibo! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Is Carla Abellana off the market? Subtle post says maybe
