PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, muling nakapiling ang mga anak kay Lian Paz

Paolo at Lian, nag-bonding kasama ang kanilang mga anak at si John Cabahug.
by PEP Troika
Published Aug 7, 2025
paolo contis daughters
Paolo Contis finally reunites with his daughters with estranged wife Lian Paz (not in photo), Xalene (left) and Xonia (right), in a rare bonding moment.
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook

JERRY OLEA

Heartwarming ang birthday message ni Paolo Contis para sa cager na si John Cabahug, ang partner ng estranged wife ng aktor na si Lian Paz.

Thirteen years nang hiwalay sina Paolo at Lian.

Marso 2024 nang iurong ni Lian ang petisyon sa korte na ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Si John ang tumatayong ama ng two daughters nina Paolo at Lian na sina Xonia at Xalene.

Read: Lian Paz, inatras ang annulment case nila ni Paolo Contis

paolo contis john cabahug daughters
TWO DADS AND THEIR DAUGHTERS: Paolo Contis and John Cabahug with daughters Xalene and Xonia.
Photo/s: Paolo Contis Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Facebook post ni Paolo ngayong Agosto 7, 2025, Huwebes ng umaga:

“Happy Birthday John!

“I want to take this opportunity to thank you for allowing Lian and my kids nung araw na to. Oo, hinintay ko talaga ang birthday mo to publicly express my gratitude to you.

“Lian, you have always been kind and forgiving. This is why hindi kayo pinabayaan ni Lord. I appreciate all your efforts in talking to John about that day. Thank you for being strong and for how you nurtured the kids to have beautiful hearts.

“John, I cannot thank you enough for this chance. I promise to have a constant communication sa inyong lahat. I will not waste this chance. Thank you for taking care of the kids. Please know that I am always here para sa inyong lahat.

“To more precious days like this.

“Happy Birthday John! Thank you for the friendship!”

Kalakip ng Facebook post ni Paolo ang ilang larawan na kuha sa naging bonding niya sa dalawang anak nila ni Lian, kasama ang estranged wife at si John.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nakasaad kung kailan at saan kuha ang mga larawan.

Read: Paolo Contis afraid of daughters dating someone like him

paolo contis post
Photo/s: Paolo Contis Facebook

GORGY RULA

Isa ito sa mahigpit na ipinakiusap noon ni Paolo na huwag kong isulat.

Ipinagtapat niyang nagkaayos na sila ni Lian Paz, at malaki ang naitulong dito ng kasalukuyang partner ni Lian na si John Cabahug.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang puwedeng idetalye, dahil bahagi rito ay ang annulment nina Paolo at Lian.

paolo lian john xonia bonding
(From left) John Cabahug, Xonia, Paolo Contis, and Lian Paz
Photo/s: Paolo Contis Facebook

Kaya kahit noon pang kabi-kabila ang bashing na natatanggap ni Paolo — kinukuwestiyon at hinuhusgahan ang pagiging ama sa kanyang mga anak — hindi na niya ito pinapatulan, dahil hindi naman daw alam ng publiko kung ano talaga ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda raw ang kanilang pag-uusap at nagiging magkaibigan sina John at Paolo. Tama na raw na alam ng lahat na okay sila.

Pero ayaw pa ring magsalita ni Paolo pagdating sa kanyang mga anak dahil mas gusto raw niyang pribado pa rin ito.

Labas naman daw ito sa kanyang pagiging aktor.

Happy birthday kay John Cabahug na nasaksihan ko naman ang kabaitan ng taong ito.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

paolo lian john xonia xalene
(From left) Xonia, Xalene, Paolo, John, and Lian
Photo/s: Paolo Contis Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Unti-unti, inaayos ni Paolo Contis ang kanyang buhay at ng mga taong malapit sa kanya.

Sana, maging masaya ang mga tao sa mga pangyayaring ganito.

Life is short. Magandang nailalagay sa tamang lugar ang lahat.

Read: Lian Paz details Paolo Contis's lack of financial support; gives update about annulment case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis finally reunites with his daughters with estranged wife Lian Paz (not in photo), Xalene (left) and Xonia (right), in a rare bonding moment.
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results