PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Paulo Calma, may private-part exposure sa Walong Libong Piso

Mamaya ang pagtatanghal nina Jhon Mark Marcia at Paolo Gumabao.
by PEP Troika
Published Aug 9, 2025
Juan Paulo Calma for Walong Libong Piso Dante Balboa
Juan Paulo Calma on Walong Libong Piso: "Okay naman po yung experience ko dito sa first sabak ko sa theater. And ayun po, sobrang pressure..."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

More or less 30 seconds na naka-expose ang right tes*icle ni Juan Paulo Calma sa matinee ng dulang Walong Libong Piso noong Agosto 8, 2025, Biyernes, sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan.

Sa macho dancing scene, ibinaba ni Juan Paulo Calma ang kanyang white Bench brief nang nakatalikod.

Nag-hello sandali ang kanyang private part saka niya itinaas agad ang underwear.

Kaso, hindi symmetrical ang pagkakataas niya ng brief kaya may naiwang nakalawlaw.

Juan Paulo Calma On Private-Part Exposure

Sinadya ba niya iyon?

“Hindi! Nakapa ko na lang, kung hindi ko pa naano yun, maaano pa sana,” natatawang tugon ni Juan Paulo nang makatsikahan namin matapos ang palabas.

“Muntik pang tumagal! Hindi ko kasi napansin, medyo alam mo naman…yung paghawak ko po kasi ng ano, e, nasa labas na pala.

"Skin to skin na kaagad. So ayun po, naano ako. Kaya naibalik ko naman kahit paano.”

Ano ang pakiramdam niya ngayong nairaos na ang unang performance sa entablado?

"Ahh, okay naman po yung experience ko dito sa first sabak ko sa theater. And ayun po, sobrang pressure, siyempre,” pagsisiwalat ni Juan Paulo.

“Hubad po kasi ito saka sa personal. Hindi po ako sobrang sanay sa ganyan karaming tao.”

Nag-frontal nudity siya sa mga pelikulang La Traidora, Ang Bangkay, at Buskay.

Palaban din siya sa pagtatalop at pakikipagharutan sa VMX (Vivamax) movies na Pintor at Paraluman, Kiskisan, Donselya, Kabitan, at sa 69, na mag-i-streaming sa Agosto 22.

Sa psychological play na Walong Libong Piso, written and directed by Dante Balboa, sandali lang ang pagpapasilip niya ng private part.

Jhon Mark Marcia with Walong Libong Piso Dante Balboa
Juan Paulo Calma with Walong Libong Piso writer and director Dante Balboa
Photo/s: Jerry Olea

Ano ang pakiramdam niya lalo't may live audience?

“Oo naman po, totoo naman po yun na mas nahihiya talaga po ako kapag sa personal,” pag-amin ni Juan Paulo.

“Kapag sa pelikula po kasi, medyo may gap. Tapos puwedeng mong i-ano. E, dito po kasi, all-out.

“Kaya po medyo per second lang yung inaano ko para at least, kahit papaano, hindi po bastusan sa play.”

Kabugan sila ni Jhon Mark Marcia sa kapangahasan. Pareho silang may pa-frontal.

“E, pareho naman kaming Vivamax kaya wala naman na ano. Ang ano lang doon, yung personality talaga, ho,” sambit ni Juan Paulo.

Sa totoong buhay ba, may mga bading na lumalandi sa kanya sa social media?

“Hindi naman po mawawala iyan sa showbiz. Ang sa atin lang, as long as open-minded ako…” saad ni Juan Paulo.

“Yung iba kasi, sinasagot ko. Yung iba, hindi talaga dahil hindi ko naman sila mutual friend or anything.

“Saka simula po noong nag-film ako, nag-lie low na po ako sa pagsagut-sagot online.

“At the same time, katulad nga nasa play, may mga video chat po kasi na nare-record talaga.

“So, napakalakas pong instrumento ng soc-med dahil hindi mamamatay yung video mo sakaling ma-scam kayo or anything. Mas worse po ngayon!

“Forever na po kasi pag may nagawa kang ano sa soc-med.”

Ang susunod na performance ni Juan Paulo sa Walong Libong Piso ay sa Agosto 15, Biyernes, 8:30 P.M.

Ang nasabing dula ay prinodyus ni Engr. Benjamin Austria ng BenTria Productions, na nag-produce ng mga pelikulang Broken Blooms, Fatherland, Huwag Mo ‘Kong Iwan, at Graduation Day.

Read: Lian Paz details how Paolo Contis reached out to visit kids

GORGY RULA

Jhon Mark Marcia's performance

Pinanood ni Jhon Mark Marcia ang performance ni Juan Paulo Calma sa Walong Libong Piso.

Mas daring si Calma kesa kay Marcia, huh?!

“Grabe, ang tapang ni Juan Calma. Sobrang tapang,” sabi ni Jhon Mark.

“Kaya iba-iba talaga kami ng atake. Iba ang atake ni Calma, iba rin ang atake ko. Pero mas iba ang susunod na atake ko. Iba ang gagawin ko.”

Tampok si Jhon Mark sa 5:30 P.M. matinee ngayong Agosto 9, Sabado.

Ang ikatlo’t huling performance niya ay sa Agosto 16, Sabado, ng 5:30 P.M.

Jhon Mark Marcia for Walong Libong Piso
Jhon Mark Marcia
Photo/s: Jerry Olea

Mas mapangahas ba ang kasunod niyang performance?

“Basta, abangan nila! Kasi balita ko, maraming bumili ng tiket kaya bibigyan ko sila ng magandang show!” bulalas ni Jhon Mark, na nag-frontal nudity noon sa pelikulang Sisid Marino na idinirek ni Joel Lamangan.

“Patikim pa lang po yung ipinakita ko last weekend. Hindi pa po yun ang pinakasagad ko. Meron pa po akong mas isasagad pa talaga.”

Si Jhon Mark ay member ng grupong Magicvoyz, na may show sa Agosto 23 sa Cebu.

“Sabi po ng manager kong si Lito de Guzman, may naka-line up na raw po akong project sa VMX,” sey ni Jhon Mark.

Tatlong kanta na ang nai-release ng Magicvoyz —"Bintana," "Tampo," at "Huwag Mong Titigan"— kaya hindi raw sila nate-threaten kung may mga sumusuot mang bagong sing-and-dance all-male group na kagaya nila.

Read: Kyle Echarri addresses rumors linking him to Piolo Pascual

NOEL FERRER

Paolo Gumabao's take

Nakatatlong performance na si Paolo Gumabao sa dulang Walong Libong Piso.

“Ok naman po. Ahhmm medyo, may mga pagkakaiba, siyempre. Every show naman, pinag-iisipan ko rin kung ano ang mga puwede kong idagdag. Ano ang mga puwede kong ayusin, i-improve? Ayun.”

Paolo Gumabao
Paolo Gumabao
Photo/s: Jerry Olea

Ang ikaapat na pagtatanghal ni Paolo ay ngayong Agosto 9, Sabado, ng 8:30 P.M.

Mas magiging daring ba siya? Mas pasabog?

“Well, ako, tina-try kong maghanap ng way na gawin siyang interesting without using sexual things,” pahayag ni Paolo.

“Tina-try kong, you know, I’ve been trying to work on the character more. Hindi ko masyadong pino-focus yung daring side niya.

“Mas pino-focus ko kung ano yung totoo doon sa character at the moment.”

If ever, okay lang ba sa kanya na gumawa ng another daring stage play?

“Opo, gustung-gusto ko!”

Ano ang na-realize o natutunan niya ngayong nakatatlong performance na siya?

“Mas kapa ko na. Mas dire-diretso na yung mga linya. Mas ramdam ko, kumbaga,” sabi ni Paolo.

“Mas alam ko na kung paano mag-feed off sa crowd siguro, ganun. Natuto kahit papaano.”

Magkakaiba sila nina Drei Arias, Jhon Mark Marcia, at Juan Paulo Calma sa characterization kay Dante Balboa, a.k.a Elmer Anisco.

Sino ba sa kanilang apat ang mas malapit ang portrayal sa totoong Dante Balboa?

“Actually tinanong po namin iyan kay Direk Dante sa rehearsal namin,” saad ni Paolo.

“Kung ano po yung klaseng karakter ang dapat naming i-portray. And sabi naman ni Direk, wala namang specific, hindi naman namin talaga siya ginagaya.

“Kasi the character’s name is Dante Balboa, pero he’s still a fictional character.

“So binigyan naman kami ni Direk ng freedom to play however we want to play it.

“So kumbaga kung ano yung vision namin as actors pagdating sa stage, ibinigay niya sa amin.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Paulo Calma on Walong Libong Piso: "Okay naman po yung experience ko dito sa first sabak ko sa theater. And ayun po, sobrang pressure..."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results