Tinuldukan na ni Kyle Echarri, 22, ang mga naglalabasang malisyosong espekulasyon tungkol sa pagiging malapit nila ng kapwa-aktor na si Piolo Pascual, 48.
Ayon kay Kyle, kapatid at matalik na kaibigan ang turingan nila ni Piolo.
Taliwas daw ito sa iniisip ng iba na may relasyon sila dahil madalas silang maispatang magkasama.
"I've been asked so many times. Ang akin lang naman, I know who I am.
"Kapatid ko yan si Piolo—he's like a brother to me.
"He's been a mentor to me for the past two years," pahayag ni Kyle sa presscon ng pelikulang 100 Awit Para Kay Stella.
Read: Piolo Pascual enjoys being single 13 years now
Ayon kay Kyle, malaki ang naitulong ni Piolo sa kanya noong may pinagdadaanan siya.
Lahad ng young actor-singer: "He came into my life at a very significant time — when I was losing my sister.
"Yung pini-film po namin yung The Ride, ilan lang po ang nakakaalam sa pinagdaraanan ko nun.
"He was one of them, one of my brothers that helped me out through the scenes na masakit, mahirap pong gawin.
"Kasi may pinagdaraanan nga po ako, doon sa kapatid ko."
Sumakabilang-buhay ang nakababatang kapatid ni Kyle na si Isabella, makaraan nitong makipaglaban sa terminal illness na brain tumor, noong April 1, 2023.
Read: Kyle Echarri Misses Sister Isabella Daily
Ang The Ride na binanggit ni Kyle ay ang upcoming father-son action film na pagbibidahan nila ni Piolo.
Nagkatrabaho rin sila sa Kapamilya thriller-drama series na Pamilya Sagrado noong 2024.

KYLE SHUTS DOWN RUMORED ROMANCE WITH PIOLO
Sa huli, muling idiniin ni Kyle na mali ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanila ni Piolo.
Read: Piolo Pascual on Bohol pics with Shaina Magdayao: “What you see is what you get.”
Bagamat hindi naman daw niya kontrolado ang maaaring isipin ng iba, sapat na raw na nanggaling sa kanya ang katotohanang magkaibigan at magkapatid ang turingan nila ng Kapamilya A-lister.
Pahayag ni Kyle: "I never really have to answer what the people say.
"Mali naman po ang iniisip ng mga tao. May masabi lang, e.
"Pero kapatid ko yan si Piolo. Hindi ko po siya tito kasi para po talaga kami magkapatid.
"He is a brother, a best friend of mine.
"Ano man ang isipin ng tao, sa kanila na po yan. Pero kami, alam namin magkapatid kami.
"We are best friends and I don't have a problem with him."
Sundot na tanong kay Kyle, "May karelasyon ka ba ngayon?"
Sagot niya: "Wala pa po sa ngayon. There's always time for love, ayun yung importante.
"There's always time for love. Pero sa ngayon, pagdating sa relasyon, I'm taking my time.
"Building a relationship muna siguro with myself, my inner peace, and my loved ones around me.
"I have a friends naman na mahal na mahal ko naman so hindi naman kailangan na may girlfriend ako agad."
Read: Andrea Brillantes clarifies she and Kyle Echarri are not a love team
Nagsimulang bigyan ng kulay ng ilang netisens ang pagiging malapit nina Piolo at Kyle.
Ito'y matapos silang maispatang magkasama sa isang bakasyon sa Cebu.
