JERRY OLEA
Kinabog ni Jhon Mark Marcia ang kapangahasan ni Juan Paulo Calma sa dulang Walong Libong Piso, na nakadalawang weekends na sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan, Metro Manila.
Sa unang performance ni Jhon Mark noong Agosto 1, Biyernes, ibinaba niya saglit ang underwear habang nagma-macho dance nang nakatalikod sa audience.
Nag-hello ang kanyang private part, at pumalakpak ang mga manonood.
Sa unang performance naman ni Juan Paulo Calma noong Agosto 8, Biyernes, at 5:30 P.M., ipinasilip din niya saglit ang kanyang private part habang nagma-macho dance nang nakatalikod din.
Kaso, pagtaas ni Calma ng white underwear at pagharap sa audience ay naiwang naka-display ang kanyang right te*tis for more or less 30 seconds.
Napanood iyon ni Marcia.
Read: Juan Paulo Calma, may private-part exposure sa Walong Libong Piso
Jhon Mark Marcia, HIndi Nagpatalo
Nagsabi siya sa amin na bolder and more daring ang second performance niya na slated noong Agosto 9, Sabado, at 5:30 P.M.
May palabra de honor si Jhon Mark.

Ayon sa production manager na si Dennis Evangelista at sa publicist na si Rodel Fernando (na voice actor din para sa character ni Tito Rodel na manager sa stage play), four instances na ang frontal nudity ni Jhon Mark.
Palakpakan ang audience, sabi nina Dennis at Rodel.
Take note na sa nasabing psychological play na sinulat at idinirek ni Dante Balboa, ang “tunay” na pangalan ng nagkunwaring lawyer na si Rommel Gonzaga ay Dennis Fernando, pinaghalong Dennis Evangelista at Rodel Fernando.
Hanash pa ni Rodel, “Kabog na kabog ni Marcia si Calma!”
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert
GORGY RULA
The show must go on, ika nga. Masama ang pakiramdam ni Paolo Gumabao sa unang pagtatanghal noong Agosto 1, Biyernes, 6:00 P.M.
Maging si Jhon Mark Marcia ay masama ang pakiramdam sa second performance niya nitong Agosto 9, Sabado, 5:30 P.M., pero hindi iyon naging hadlang, at apat na beses pa siyang nagbuy*ngyang ng kanyang private part.
Kabilang sa mga nanood kay Jhon Mark sa Saturday matinee ay si Direk Joel Lamangan, na nagdirek ng VMX (dating Vivamax) movie niyang Sisid Marino, kung saan meron din siyang frontal nudity.
WALONG LIBONG PISO: PERFORMANCE SCHEDULES
Ang ikalawa’t huling performance ni Juan Paulo Calma sa Walong Libong Piso ay sa Agosto 15, Biyernes, 8:30 P.M.
Ang ikatlo at huling performance naman ni Jhon Mark ay nakatakda sa Agosto 16, Sabado, 5:30 P.M.
Nakaapat na performance na si Paolo Gumabao, at isinapelikula ang pagganap niya sa dress (or undress?) rehearsal noong Agosto 9, Sabado.
May dalawa pang performance si Drei Arias: Agosto 15, Biyernes, 5:30 P.M., at Agosto 16, Sabado, 8:30 P.M.
Abangan natin kung may madadagdag pang dalawang show sa Agosto 16.
Ang Walong Libong Piso ay prinodyus ni Engr. Benjamin Austria.
Maliban kay Rodel Fernando, kasama sa voice cast nito sina Mianne de la Torre bilang nanay ni Dante, Minstrel Agualada bilang girlfriend ni Dante, at alternate bilang Rommel Gonzaga sina Edward Allen Sollon at Johnny Maglinao.
May special participation sa video clips si Butch Francisco bilang Alfie Balbastro (pinaghalong Alfie Lorenzo at Billy Balbastro), na host ng showbiz-oriented program na D’Buzz.
NOEL FERRER
Anino sa Likod ng Buwan RETURNS TO THE STAGE
Nag-frontal nudity sina Ross Pesigan at Martin del Rosario sa dulang Anino sa Likod ng Buwan na itinanghal noong Marso 21-23, 2025 sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Ang “intense return” ay nakatakda sa Oktubre 17 hanggang Nobyembre 9, doon pa rin sa PETA Theater Center.
Ka-alternate nina Ross at Martin sina Vincent Pajara at Edward Benosa.

Tingnan natin kung magpapasilip din sina Vince at Edward.
Sa dulang 3 Men On An 1sland na ipinalabas ng PhilStagers Philippines noong Mayo 24 at Hunyo 28 sa PSF Blackbox Theater sa Balic-balic, Sampaloc, Manila, nag-frontal sina VR Relosa at Fidel Redado.
Noon ding Hunyo 28 ay ipinalabas sa PSF Blackbox Theater ang dulang Moment to Moment, kung saan nag-frontal sina Awin Valencia at James Ramada.
Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musical
Samantala, kasama rin sina Fidel, Awin, at James sa 25th anniversary presentation ng PhilStagers Foundation (PSF) na Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musical, na nag-grand premiere noong Agosto 2, Sabado, 4:00 P.M. sa St. Scholastica College Theater, Leon Guinto St., Ermita, Manila.

Itatanghal ang Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musical sa iba’t ibang rehiyon hanggang Abril 2026.
Ibinalita ni Direk Joel Lamangan sa PEP Troika na tinatapos na ang script ng isang dulang inspired ng pelikulang Scorpio Nights (1985).
Waiting pa rin tayo ng update from Direk Roman Perez Jr. kung matutuloy ang isang mapangahas na dula this year kung saan ready si VR Relosa na mag-frontal muli.
Ayon kina Jhon Mark Marcia at Juan Paulo Calma, inaayos ng manager nilang si Lito de Guzman na magbida sila sa isa pang stage play, at willing silang mag-all-out muli ng pagtatalop doon.
