PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jonas Tibayan, nagsampa ng reklamo laban kay Michole Sorela

Mayor Ina Alegre, hindi umano sinasagot ni Manny Pacquiao.
by PEP Troika
Published Aug 21, 2025
jonas tibayan ina alegre complaint
Mindoro Tamaraws player Jonas Tibayan (with face mask) was accompanied by the basketball team's manager and owner, Pola Mayor Ina Alegre ((leftmost), in filing serious physical injury complaint against GenSan Warriors player Michole Sorela (not in photo) at the National Bureau of Investigation.
PHOTO/S: Jennifer Mindanao Cruz Facebook

GORGY RULA

Serious physical injury ang reklamong isinampa ng player ng Mindoro Tamaraws na si Jonas Tibayan laban kay Michole Sorela ng GenSan Warriors.

Inihain ni Tibayan ang kanyang reklamo laban kay Sorela sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes, Agosto 18, 2025.

Kasama niyang nagsumite ng affidavit ang manager at may-ari ng Mindoro Tamaraws na si Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre at ilan sa kanyang teammates.

Read: Mayor Ina Alegre desididong sampahan ng reklamo si Michole Sorela

jonas tibayan mayor ina alegre
Mindoro Tamaraws player Jonas Tibayan (with face mask) submits his complaint affidavit at the NBI office. With him are Mindoro Tamaraws owner Mayor Ina Alegre (third from right), NBI director Eric Mercado (center), his legal counsel, and some of his teammates.
Photo/s: Courtesy of Mayor Ina Alegre
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang nakapanayam namin si Mayor Ina sa DZRH noong Martes, August 19, sinabi nitong pursigido si Tibayan na isampa ang reklamo dahil sa pinsalang inabot nito sanhi ng pananapak sa kanya ni Sorela sa laro nila sa Batangas City Sports Coliseum noong August 11.

Suportado raw si Tibayan ng kanyang pamilya na apektado sa nangyari dahil hindi pa makabalik sa paglalaro ang basketbolista.

WHAT WAS SORELA'S MOTIVE IN ATTACKING TIBAYAN?

Hindi raw nila alam kung ano ang pinanggalingan ng galit ni Sorela. Hindi rin daw nila alam kung ano ang intensiyon nito sa pananakit kay Tibayan.

Ani Mayor Ina Alegre, itong nangyari sa kanyang basketbolista ay nangyayari rin sa iba, pero sana raw ay magsilbi itong leksiyon sa mga manlalaro na huwag pairalin ang init ng ulo sa ganitong pisikal na laro.

“Normal yung bumabagsak, may nasasagi. Pisikal na laro ang basketball, e.

“Pero yung intensiyon mo na sapakin na walang kaalam-alam si Tibayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung makikita niyo lang kung paano bumagsak si Jonas, kahit ikaw na nanood lang, grabe yung pagbagsak, e.

“Kailangan pa siyang dalhin sa Manila kasi basag yung panga niya. May butas pa siya sa may baba, kasi may braces siya, e.

“Hindi ko alam kung ano yung intensiyon nung bata [Sorela], wala kaming idea talaga e,” himutok niya.

Iyon daw ang dahilan kaya nagdesisyon silang ituloy ang pagsasampa ng reklamo sa NBI.

Read: Have Lars Pacheco and longtime partner Clyde Vivas called it quits?

JERRY OLEA

Ayon kay Mayor Ina Alegre, hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga taga-GenSan Warriors para humingi ng paumanhin o makipag-areglo.

“Nag-message pa sa akin si Sorela, nabasa ko lang kahapon. Nagso-sorry siya sa nangyari. Hindi raw niya intensiyon na saktan.

“Ang tagal naghintay nung bata [Tibayan], e, na mag-sorry siya,” saad ng alkalde.

Ang Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao ang may-ari ng GenSan Warriors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan din daw ni Mayor Ina na kontakin si Pacquiao, pero isang statement ng GenSan Warriors ang isinagot ng Pambansang Kamao.

Inaasahan daw sana nilang sagutin ng GenSan Warriors kahit man lang ang hospitalization ni Tibayan.

Lahad ni Mayor Ina: “Nag-message ako kay Senator Manny dahil ang may-ari ng GenSan Warriors ay si Senator Manny.

“Sabi ko, 'Paano ito, yung mga hospital bills, ganun?' Pero walang reply e.

“Ang minessage sa akin ni Senator Manny, yung sinend sa akin na banned si Sorela nang lifetime. Hindi na siya makakalaro.”

Wala raw silang nakuhang mensahe o kahit ano para makipag-ayos kaya itinuloy nito ang pagsasampa ng reklamo.

“Wala kaming nare-receive na anything. May nag-message lang sa akin na coach nila na to call me. Hindi ko lang na-reply.

“Pero sana pumunta sila sa hospital kung talagang willing sila na tulungan yung bata [Tibayan]. Naghintay lang yung pamilya na puntahan sa hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malambot yung puso nung bata, e,” sabi pa ni Mayor Ina Alegre.

Read: Hunk actor at tisay na aktres, involved sa rebound romance?

NOEL FERRER

Nagpasalamat si Mayor Ina Alegre sa suporta ng ibang mga taga-Mindoro, pero ayaw raw muna niyang umasa dahil may iba pang isyung kinakaharap ngayon ang Oriental Mindoro.

Nasa gitna sila ngayon ng mainit na usapin ng flood control. Ayaw raw niyang isabay pa itong problema ng Mindoro Tamaraws.

May mediation pa naman sigurong mangyayari rito. Sana, magkaayos din ang mga concerned parties dito sa kalaunan.

Nag-decide na rin ang pamunuan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na i-ban na sa paglalaro si Sorela at pagmultahin ito ng PHP200,000.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mindoro Tamaraws player Jonas Tibayan (with face mask) was accompanied by the basketball team's manager and owner, Pola Mayor Ina Alegre ((leftmost), in filing serious physical injury complaint against GenSan Warriors player Michole Sorela (not in photo) at the National Bureau of Investigation.
PHOTO/S: Jennifer Mindanao Cruz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results