PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo, may bagong pag-ibig?

Basketball player ang dine-date ng beauty queen?
by PEP Troika
Published Aug 30, 2025
rabiya mateo boyfriend Andrei Caracut
Ang basketball player na si Andrei Carucut ang sinasabing bagong pag-ibig ni Rabiya Mateo.
PHOTO/S: Rabiya Mateo on Facebook; Andrei Caracut on Instagram

GORGY RULA

Biglang nagkabukingan sa taping ng Family Feud noong Biyernes, August 29, 2025, na may bagong nakaka-date pala ngayon si Rabiya Mateo.

Hindi si Rabiya ang naglaro sa naturang game show, kundi ang dating varsity player ng La Salle na si Andrei Caracut.

Nasa Rain or Shine na ngayon ang guwapitong basketball player, na ang sabi nila ay okay naman daw ang basketball career niya.

Nakalkal kasi ng research team ng naturang game show na nasa IG story ni Andrei si Rabiya, kuha sa Kamay Ni Hesus Shrine sa Lucban, Quezon.

Taga-Lucban pala itong si Andrei, kababayan mo, Jerry Olea!

Mukhang ipinasyal niya roon sa Quezon ang beauty queen-actress.

Nagulat si Andrei nang biglang kinumusta ni Dingdong Dantes sa kanya si Rabiya Mateo.

Namula at natameme raw si Andrei, dahil hindi niya inaasahan ang tanong sa kanya ni Dingdong, ayon sa nakakuwentuhan ng PEP Troika.

Abangan na lang daw kung ano ang sagot doon ni Andrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ang episode na ito sa September kung saan kasama ni Andrei na naglaro ang mga teammates sa kanyang basketball team. May pa-surprise pa raw roon kay Andrei na ikinagulat nito.

Family Feud host Dingdong Dantes with Andrei Caracut and his Rain or Shine teammates
Family Feud host Dingdong Dantes (in gray hoodie) with Andrei Caracut (2nd from L) and his teammates Santi Santillan (L), Adrian Nocum (2nd from R), and Anton Asistio (R).
Photo/s: courtesy of Family Feud
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Danzel Fernandez draws backlash over past social-media posts flaunting lavish lifestyle

NOEL FERRER

ANDREI CARUCUT ASKED ABOUT THE REAL SCORE WITH RABIYA MATEO

Dagdag pang kuwento sa PEP Troika, may isang staff daw ng Family Feud ang deretsahang nagtanong kay Andrei kung sila na nga ba ni Rabiya.

Sinagot daw siya nito ng, “We’re just friends.”

Halos nagkasabay-sabay ang reaksiyon ng mga teammates niya ng, “Ang showbiz mo, Pre!”

Hindi na raw nakaimik si Andrei.

Cute naman si Andrei at mukhang bagay sila ni Rabiya.

Wala naman daw masama kung sila na. Deserved naman daw ni Rabiya na makahanap ng bagong love life pagkatapos ng kontrobersiyal na relasyon nila ni Jeric Gonzales.

Hindi naman daw inamin o itinanggi ni Andrei Caracut kung sila na nga ba ni Rabiya.

Pero base sa mga ipino-post ng naturang basketball player sa kanyang Instagram account, noong June lang nagla-like si Rabiya sa mga ipino-post nito. Minsan ay nagko-comment pa siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Andrei naman ay nagko-comment sa ibang post ni Rabiya ng “gwapa.”

Abangan natin kung aamin si Rabiya Mateo.

Read: Who is Gela Alonte?

JERRY OLEA

Kinumpirma sa akin ng mga kababayan kong sina Ramil Torres, Denden Jardin, at James Villalon na Lucbanin nga si Andrei Caracut.

Dumaan daw si Andrei kasama si Rabiya sa Buddy’s Tagigtingan: A Singing Contest — Grand Finals noong Agosto 16, Sabado, sa Festival Stage ng Lucban, Quezon.

Ang nasabing singing contest ay kaugnay sa town fiesta ng Lucban noong Agosto 19, at sa ika-40 anibersaryo ng Buddy’s Restaurant.

Naimbitahan sina Ramil, Denden at James ni Madam Maria Nova Veluz ng Buddy’s para manood ng naturang singing contest.

Magiliw raw na pinaunlakan ni Rabiya ang mga Lucbanin na gustong magpa-picture sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang basketball player na si Andrei Carucut ang sinasabing bagong pag-ibig ni Rabiya Mateo.
PHOTO/S: Rabiya Mateo on Facebook; Andrei Caracut on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results