GORGY RULA
Isa si Rochelle Pangilinan sa first timers sa Cinemalaya ngayong taon.
Excited ang Kapuso actress nang nakatsikahan ng PEP Troika sa media conference ng Cinemalaya 2025 noong Setyembre 3, 2025, Miyerkules, sa East Atrium ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Kabilang si Rochelle sa entry ni Tim Rone Villanueva na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana).
Ginagampanan niya rito ang role bilang nanay ng bidang si JM Ibarra.
Read: JM Ibarra hindi kasama si Fyang sa first niyang Cinemalaya movie
ROCHELLE PANGILINAN'S FIRST CINEMALAYA MOVIE
Nagpasalamat si Rochelle dahil hindi na siya dumaan sa audition. Kinuha raw talaga siya para sa naturang role.
Lahad niya: “Kakaiba para sa akin, and pangarap ko ito, e, yung makasama dito.
"Kasi siyempre, ngayon naka-focus kami sa aktingan, ang isa sa mga pangarap ko ang makapasok sa Cinemalaya, e.
“Nung napanood ko kanina ang lahat ng teaser na nakasama dito, lahat pinapalakpakan ko.
“Kasi, ang mapasama pa lang dito sa Cinemalaya ay talagang nakaka-proud at talagang dream come true para sa akin.”
Marami ang nakapansin sa ipinakitang galing ni Rochelle bilang comfort woman sa Pulang Araw.
Nanalo rin siyang Best Single Performance by an Actress sa Star Awards for Television 2025 dahil sa kanyang pagganap sa isang episode ng Magpakailanman.
Sabi ng aktres, dumating na siya sa puntong mas mahalaga ang ganda ng project, lalo na kung challenging ang role.
Kaya iba raw itong pagkakasali niya sa 21st edition ng Cinemalaya, na ang tema ay "Layag sa Alon, Hangin, at Unos."
Saad ni Rochelle: “Oo, e. Kumbaga, ito ay food for the soul as an actor, and pinangarap ko talaga ito. And nung nilatag nila sa akin, oo agad.
“Nung nakita ko lang yung role, everything, challenging para sa akin, tinanggap ko po agad, kasi siyempre once in a lifetime pa ito.
“Hindi na titingin kung magkano, walang presyo…
“Ganun nga talaga kapag marami ka nang nagagawang ano, e… ano siya... mapasama sa mga nagawa mo man lang, bago ka man lang…
“Tapos na yung mga laru-laro.”
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

JERRY OLEA
Mukhang kakanain ng Child No. 82 ang Audience Award sa Cinemalaya 2025.
Sa dami ng pa-block screening ng fans ni JM Ibarra, hindi na ako magtataka kung ito ang manguna sa takilya ng Cinemalaya 2025.
Hindi na kailangang i-subpoena ang ka-loveteam ni JM na si Fyang Smith para um-attend sa gala premiere ng Child No. 82.
Aba! Sa Facebook page ng Cinemalaya — as we write this — naka-18.3K views na ang teaser ng Child No. 82.
Yung teaser ng Padamlagan (Night Light) ni Ely Buendia ay naka-4K views.
Yung teaser ng Raging nina Elijah Canlas at Ron Angeles ay naka-3.3K views.
Yung teaser ng Cinemartys nina Nour Hooshmand, Cedrick Juan, Raquel Villavicencio, Angel Aquino, Lav Diaz, Kidlat Tahimik, Ligaya Amilbangsa, Soliman Cruz, at Bong Cabrera ay naka-3.2K views.
Yung teaser ng documentary na Bloom Where You Are Planted ay naka-2.1K views.
Less than 2K views ang teasers ng Warla, Republika ng Pipolipinas, Paglilitis, Open Endings, at Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Maliban kina Rochelle at JM, nasa cast ng Child No. 82 sina Vhong Navarro, Irma Adlawan, Inah Evans, Zairene Fernandez, Dexter Doria, Kai Montinola, Elora Españo, at Joshua Zamora.
Ang logline ng Child No. 82: “At a wake, a persevering high school student must prove that he is the 82nd child of the Philippines’ biggest action-fantasy movie star in the hopes of seeing his late father one last time.”

CINEMALAYA 2025
Ang Cinemalaya 2025 ay gaganapin sa Oktubre 3-12 sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Ipalalabas din ang entries sa Gateway at Ayala Malls Cinemas.
Bahagi ng opening remarks ni CCP President Kaye C. Tinga sa mediacon ng Cinemalaya: “This year, we carry a theme that is as poetic as it is powerful: 'Layag: Sa Alon, Hangin, at Unos.'
”The words alon, hangin, and unos evoke movement, transition, and the force of nature.
“Those factors make independent Filipino cinema thrive. It rides the waves of change, it moves with the wind of shifting perspectives, and it confronts the storms of our collective realities.
“Patuloy pa rin sa paglalayag ang pelikulang Pilipino.
“For over two decades now, Cinemalaya has served as both compass and vessel for our filmmakers, who navigate stories that speak of truth, identity, struggle, and of course, hope.
“From intimate portraits of the Filipino to bold confrontations with social injustice, the films we premiere here are not just art; they are acts of courage.
“This year, we are proud to continue that tradition of bold storytelling. Cinemalaya 21 promises another wave of compelling narratives, all crafted by voices that refuse to be silenced -– voices that persist and continue to rise amid the strongest of unos.”
Read: Cinemalaya 2025, wala pang opening at closing films
NOEL FERRER
Si Rochelle Pangilinan-Solinap ang isa sa talents ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan.
Nag-celebrate sila ng kanilang 16th anniversary, at ipinost ni Perry ang talents sa kanyang kuwadra.
Kabilang si Rochelle at ang asawa niyang si Arthur Solinap, at siyempre ang A-list talents niyang pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Ivana Alawi, Gabby Eigenmann, Max Collins, at marami pa.
Bahagi ng post ni Perry: “Sixteen years of hard work, passion, and dedication — at lahat ng ito ay naging posible dahil sa inyo: sa mga kliyente na nagtiwala, mga artists na nagbigay inspirasyon, at mga kaibigang laging sumuporta.
“Sa mga alaga kong matatag pa rin ang pakikitungo sa akin at sa mga industry players na patuloy na nagtitiwala sa amin.”
Nagpasalamat si Perry sa lahat na mga nagtiwala at sumuporta sa kanilang artists.
Happy Anniversary, kapatid!
Read: Gela Atayde says brother Arjo's travels paid with "hard-earned money"
