JERRY OLEA
Nanlumo si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Jose Javier Reyes o Direk Joey nang bisitahin ang construction ng Philippine Film Heritage Building noong Setyembre 4, 2025 sa Intramuros, Manila.
Kasama ni Direk Joey sa pagbisita roon si First Lady Liza Marcos Araneta.
Ang nasabing gusali ang lilipatan ng opisina ng FDCP, bagong Cinematheque, paglalagyan ng film vault, at doon din ii-install ang makina para sa film restoration.
Ang contractor sa gusali ay ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., isa sa mga korporasyon ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Read: Discaya firm, kakasuhan sa palyadong PH Film Heritage Building
“Nakaka-disappoint talaga!” bulalas ni Direk Joey sa exclusive interview ng PEP Troika sa gala night ng Philippine Film Industry Night (PFIM) 2025 noong Setyembre 11, Huwebes, sa Seda Vertis North, Quezon City.
“Nakaka-disappoint dahil ang expectation namin, lilipat na kami doon by next month.
“Nung nakita namin yung kundisyon, na-realize namin, hindi pa.
“At lalo na nung naungkat yung iba pang mga bagay-bagay ukol doon sa construction nung building, mas nadismaya kami.”
So, kailan makakalipat ang FDCP sa Philippine Film Heritage Building?
“Ang sabi ng DPWH, ipinangako nila na ide-deliver nila by the end of October daw, makakalipat kami,” pagbuntong-hininga ni Direk Joey.
“So, we will see. Yun ang sasabihin ko, we will see what we will see.
“Pero as far as we are concerned, kailangan naming lumipat dahil nakiki-squatter lang kami doon sa aming office ngayon.”
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead
PHASE 2 OF CONSTRUCTION
Noong Oktubre 26, 2023 nag-groundbreaking ceremony para sa naturang gusali. Natapos na raw ang Phase 1 ng construction — yung structural — noong Disyembre 2024?
“No, no,” pag-iling ni Direk Joey, “ganito, OK, natapos ang Phase 1 noong December, tapos sabi namin, ‘I-i-i-ito ba iyon?’ ‘Ahh, oho, kasi may Phase 2.’ ‘HA?!’”
Alam niya na may Phase 2?
“Hindi! Sad to say, binigay na namin yung PHP150M sa Phase 1. Sabi nila, ‘Kulang pa po yan ng PHP107M.’ ‘HA?!!!’
“Saan namin hahagilapin yun para sa Phase 2?”
Yung Phase 2 ay para sa finishings ng gusali…
“In fairness, tumulong ang DPWH. Tapos, tumulong si Senator Jinggoy [Estrada],” pagtatapat ni Direk Joey.
“Kasi, nakiusap kami.”
Kay Senator Robinhood Padilla galing yung PHP150M na ginamit sa Phase 1 ng construction.
Ang chairperson pa noon ng FDCP ay si Tirso Cruz III.
“Iyon naman, out of the kindness of Robin. Ang sabi ni Robin kay Tirso, ‘Ayan ang PHP150M, humanap kayo ng kontratista, bahala kayo. Ipagawa ninyo yan.’
“Una muna, may kontratista si Tirso. Pero nung dumating sa bidding, naalis yung kontratista ni Tirso, pumasok yung Discaya,” pagsisiwalat ni Direk Joey.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
NOEL FERRER
Consultant pa lang sa FDCP si Direk Joey Reyes nang mag-groundbreaking ceremony ang Philippine Film Heritage Building.
“Siyempre, responsibilidad ko na rin ngayon dahil ako ang humaharap sa First Lady,” pahayag ni Direk Joey.
“Dyusko! Baka sabihin nila, kung ano ang ginawa ni Tirso?! E, gabi-gabi, kausap ni Tirso ang Panginoon. Hindi ba? Hay, naku.”
Kumusta yung magiging kuwarto niya sa nasabing gusali? Excited ba siya?
“Ay! Sobra! Sobra kasi… isa sa pangarap ko sa buhay na magkaroon ng isang opisina na parang kulungan ng tsonggo,” sarcastic na tugon ng multi-awarded scriptwriter-director.
“Unang-una mong makikita, pag nakita mo yung upisina ko — salamin at rehas.
“OK, salamin at rehas. Pagtingin mong ganyan, enclosed siya, tapos may dalawang bintana na may mga rehas.
“Pagbukas ko nung bintana, ang ganda ng tanawin! Firewall! Sabi ko, ‘Ba’t amputi?’”
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde

JOEY REYES: NO COMMENT ON PHASE 2 OF PHILIPPINE FILM HERITAGE BUILDING
Ang mga Discaya pa rin ba ang may hawak para sa Phase 2 o finishing ng gusali?
“Ayoko nang magsalita diyan dahil ang gobyerno na ang nakikialam sa imbestigasyon,” sambit ni Direk Joey.
“Sabi ng Malacañang, may mga resibo raw na nagpapatunay na kahit sa Phase 2, sila. Pero hindi naman kami kinokonsulta.
“That’s between Malacañang and DPWH and the contractors. Pero winithdraw na yung license ng mga Discaya.
“I think, ang tatapos, DPWH na. DPWH na ang tatapos, ewan ko kung sino. Kasi, sila ang mananagot.”
Kumusta yung film vault?
“Ahhh iyon talaga, p*t*ng ina, pag iyan sumemplang, talagang dadanak ang dugo!” talak ni Direk Joey.
Ano ang reaksiyon niya nang makita ang litrato ng limpak-limpak na salapi sa isang kuwarto? Mga maleta raw ang ginagamit para paglagyan ng datung na kinokolekta?
“Hindi lang male-maleta! Talagang balikbayan box, hindi ba?” sey ni Direk Joey.
“Anong reaction ko? Isa sa tanging pangarap ko noon ay humiga sa isang kama na gawa ng pera.
“Pero hindi ko akalain, ngayon pa lang ako nakakita ng ganoon kadaming pera na hindi play money. Hindi props ng pelikula.
“‘Ay!!! Meron palang ganyan?!?!’ Naloloka ako, naloloka ako kung magkano ang ipinapatalo nila sa casino.
“Yung dyusko, Lord! Sa dami ng dusa ng tao, tapos ipapatalo sa casino'ng ganun?!”
May kahihinatnan kaya ang mga imbestigasyon sa mga “kuracaught”?
“Alam mo, dapat meron. Dahil kapag walang nangyari, at walang naparusahan, pag walang nakulong — natatakot ako sa magiging reaksyon ng tao.”
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
GORGY RULA
Isa si Direk Joey Reyes sa Hall of Famers na pinarangalan sa book launch ng Metro Manila Film Festival (MMFF) coffeetable book.
Bahagi iyon ng Manila International Book Fair 2025 noong Setyembre 12, Biyernes, sa SMX Convention Center, Pasay City.
Basta nakatatlong tropeyo sa MMFF ay ikinukunsidera nang Hall of Famer.
Kabilang pa sa honorees na dumating at binigyan ng kopya ng aklat sina National Artist Ricky Lee, Judy Ann Santos, Ericson Navarro, Lee Briones-Meily, at Roy Iglesias.
Si Lotlot de Leon ang tumanggap ng aklat bilang parangal sa yumao niyang ina na si National Artist Nora Aunor.
Si Nora ang may pinakamaraming best actress award sa MMFF.

JOEY REYES ON LOVE AFFAIR WITH MMFF
Ang sabi ni Direk Joey: “Napakaimportante ng MMFF sa napakaraming dahilan. Personally because dito nagsimula ang aking career, OK, sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal?, kung saan ako unang napansin.
“At May Minamahal, and then finally Kasal, Kasali, Kasalo. So, napakaimportante sa akin iyon.
"Hahalughugin ko ang librong ito para hanapin ang mga pelikula ko na sana ay nailakip dito.
“At ikalawa, napakahalaga din ng librong ito dahil binibigyan nito ng kahulugan ang nakaraan at ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng MMFF.
“Hindi natin tuluyang maa-appreciate ang Filipino movies unless we know its history, and this book is a testament to the history of Filipino movies.
“And finally, after 50 years, and 50 more to come hopefully, a hundred more years to come… OK.
"Congratulations to the MMDA sa inyong kalakaran ng MMFF.
“Harinawa na sa mga darating na panahon, huwag nating kalimutan na ang pagpanood ng sine ay hindi lamang para sa pag-aaliw at pagpapalipas ng oras.
“Ito ay isang manipestasyon ng kultura ng pelikulang Pilipino.”
