PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ilang taga-showbiz sangkot sa anomalya sa flood control projects?

Direk Joel Lamangan kilala sila at ayaw silang makatrabaho.
by PEP Troika
Published Sep 21, 2025
joel lamangan birthday
Nagagalit na naaawa raw si Joel Lamangan sa ilang taga-showbiz na sinasabing sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Mabuti at hindi naman nanalasa ang bagyong si Nando, kaya natuloy ang pagdidirek ni Joel Lamangan sa programang isinagawa sa protest rally sa Luneta nitong Linggo, September 21, 2025.

Sabi ni Direk Joel nang dumalo ito sa premiere night ng pelikulang Isla Babuyan noong Biyernes, September 19, hindi raw magandang mag-celebrate ng birthday sa panahon ngayon. Kaya mas mabuting magdirek na raw siya sa rally sa Luneta.

“Iyon ang aking celebration. Hindi magandang mag-celebrate ang mga taong nagdurusa,” pakli ng premyadong direktor.

“Hindi maganda mag-celebrate, e. Kaya hindi na. Sasama na lang ako sa rally, at magdidirek ng rally sa Luneta.”

Read: Joel Lamangan, magdidirek ng Luneta rally sa kanyang birthday

Lahat daw ay apektado, at kahit nga raw sa showbiz ay apektado rin. May ilan siyang kaibigan o katrabaho sa showbiz na tahimik lang pero naramdaman din ang galit sa nangyayaring korapsyon ng ilang mga umuupong pulitiko sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapag-usapan daw nila minsan sa set ng FPJ’s Batang Quiapo, pero ang iba naman daw ay tahimik lang.

“Siyempre, affected din sila. Maaring hindi sila nagsasalita, maaring hindi nila sinasabi, pero alam kong apektado din sila dahil kilala nila ang mga involved,” saad ni Direk Joel.

“Kaibigan nila ang mga involved. Siyempre, natamaan din sila.

“Hindi lang pinag-uusapan pero napi-feel ko ang heart, andun. Nasasaktan sila sa nangyayari.

“Affected ang showbiz, affected din ang mga tao. Lahat ng tax binibigay sa atin… bayad ako nang bayad ng tax.

“Diyos ko! Iyon pala, ninanakaw lang,” bulalas ni Direk Joel.

JERRY OLEA

Ang nakakalungkot at nakakagalit pa, sabi ni Direk Joel ay may ibang taga-showbiz na sangkot sa anomalyang ito.

Itinuturo lang naman sila at hindi pa napatunayan kung totoo, pero nababanggit sila sa imbestigasyon sa Senado at Kongreso.

Video: Gorgy Rula (video) / Rommel Llanes (edit).

“Nagagalit ako na naaawa sa kanila. Bakit kinakailangan nilang gumawa ng ganoon? Hindi naman tama yun, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam naman nilang iyon ay korapsyon. Dapat hindi nila ginagawa. Nakakahiya sila!

“Mga taga-showbiz pa naman sila,” pagngingitngit ng premyadong direktor.

Mabilis ang sagot niyang “Hindi!” sa tanong kung okey lang bang makatrabaho ang ilang taga-showbiz na isinasangkot dito.

“Kasi, hindi maganda, ang dami-dami kong nakikitang mga taong walang pera, nagugutom, ang dami sa lansangan, 'tapos meron mga ganyang iskandalo na ninanakaw pala nila ang pera ng bayan.

“Hindi maganda,” himutok ni Direk Joel. Sana ay meron daw gumawa ng pelikulang magsasalarawan ng mga nangyayaring korapsyon para maliwanagan daw ang mga taong makapanood nito.

“Sana, ang istoryang ito ay hindi manatiling istorya lamang na hindi pag-uusapan.

“Sana, may pelikulang gawin na ang tema, ganito, at ipakita ang mga nangyayari, kung papaano nililinlang ng mga ibang tao ang bayan at ninanakawan.

“Sana, may istoryang ganun, para mamulat, para makita, para hindi tularan,” saad ni Direk Joel.

NOEL FERRER

Ang sarap lang mag-celebrate ng birthday na may kabuluhan. Kung last year, nasa paborito tayong lugar ng Direk Joel na Alba, ngayon ay sa Luneta siya nagdiwang kasama ang sambayanang Pilipino na galit sa korapsyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati nang lumalahok si Direk Joel sa mga kilos-protesta na naglalahad ng katotohanan at tumatalakay sa mga isyung ayaw talakayin ng mga taong dapat managot.

Ang komento ni Direk Joel sa mga naninira kay Pasig City Mayor Vico Sotto, “Mga walang magawa! Mga wala! Napakahina ng mga utak.”

Noong Agosto 21 nag-post si Mayor Vico sa Facebook kaugnay sa mga panayam nina Korina Sanchez at Julius Babao sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

May domino effect ang naturang FB post ni Mayor Vico.

“Mabuti nga, nalaman ng mga tao iyang korapsyon na iyan! Kung hindi, itatago na naman ng lahat iyan! Naku, tigilan nila ako, no?!”

Ang birthday wish ni Direk Joel ay mahuli ang lahat ng mga corrupt, kabilang ang mga senador at congressman!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagagalit na naaawa raw si Joel Lamangan sa ilang taga-showbiz na sinasabing sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results