JERRY OLEA
Bida sina Martin del Rosario at Denise Esteban sa erotic horror film na Haplos sa Hangin, isa sa pitong kalahok sa inaugural Cine Silip Film Festival.
Ang Haplos sa Hangin ay kuwento ni Emman, isang visual artist na maaakit sa kapitbahay na si Althea, isang babaeng nakakulong sa mapang-abusong relasyon.
Sa pagtulong nila ng kanyang fiancee na si Liz kay Althea, unti-unting magkakaroon ng pagnanasa at obsesyon si Emman kay Althea, na magtutulak sa kanya sa bangungot na puno ng pagtataksil at kadiliman.
Nasa cast din ng pelikula sina Angelica Cervantes, Vincent Pajara, at Jorrybell Agoto. Ang direktor ay si Mikko Baldoza, at ang scriptwriter ay si Sonny Calvento.
“First time ko gumawa ng ganito ka-sexy sa film,” sambit ni Martin sa mediacon noong Oktubre 2, 2025, Huwebes ng hapon, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
“Pinaka-daring ko yatang ginawa, kung tatanungin ako, yung Anino sa Likod ng Buwan. Sa stage iyon.
"Siguro sabihin na lang natin yung parang ginawa ko sa stage, para siyang nasa pelikula. Ganun.
“Pero ang suwerte ko lang din na, like, I got to work with the best team kung saan naramdaman ko talaga yung alaga nila, respeto nila sa akin.
“Ahhmm kumbaga, na-brief kami kung ano yung gagawin. May sensuality workshop para alam namin kung ano yung boundaries namin sa isa’t isa ng mga co-actors ko.”

Read: Angelica Panganiban recounts breakdown: “Iyak ako nang iyak....si Angelica, wala na."
MARTIN DEL ROSARIO ON ANINO SA LIKOD NG BUWAN RERUN
Nagpasilip ng private part si Martin sa stage play na Anino sa Likod ng Buwan, na nag-run noong nakaraang Marso sa PETA Theatre Center, New Manila, Quezon City.
Sa rerun ng dula sa Oktubre 17-Nobyembre 9, may mga kumbinasyon na Martin-Denise-Vincent ang lead cast.
Si Denise ay ka-alternate ni Elora Españo, samantalang si Vincent ay ka-alternate ni Ross Pesigan.
“So kahit papaano, at least kami ni Denise, hindi na bago sa amin yung… kunyari, gagawin namin sa Anino sa rerun, parang warm up na itong Haplos sa Hangin,” sabi pa ni Martin.
Ano ang ma-e-expect ng audience sa rerun ng Anino sa Likod ng Buwan?
Napangiti si Martin: “Mas intense, mas daring. At may ibang flavor ito ngayon. Hindi ko puwedeng sabihin kasi yun ang magpapa-excite sa mga bagong manonood, e.
“Or kahit yung mga nanood noon, pag pinanood niyo po ngayon, masasabi ninyo, parang may ibang atake dito sa rerun.”

Read: Ellis Co, hot topic ulit dahil sa birthday photos ng ina
NOEL FERRER
MARTIN DEL ROSARIO'S FIRST VMX PROJECT
First VMX (dating Vivamax) project ni Martin del Rosario itong Haplos sa Hangin.
Nilinaw ni Martin na nasa GMA Sparkle pa rin siya.
“Nabasa ko po kasi yung script. Nagandahan ako sa istorya. Tapos alam ko pong ang Southern Lanterns [production team], sina Direk Sonny Calvento, ang nasa likod nito,” lahad ni Martin.
“So alam ko yung magagandang pelikulang ginagawa nila.
"So, nagtiwala ako sa materyal kaya nilaban talaga namin ni Sparkle na makasama ako dito.
“At saka first time. So, ahhmm exciting for me. Kasi, hindi pa ako nakagawa ng Vivamax noon. So ngayon, first time ko.”
Ang Sparkle ang talent management arm ng GMA-7 at namamahala ng career ni Martin.
May inhibitions ba siya sa paggawa ng Haplos sa Hangin?
“Ay! Wala po,” mabilis na sagot ni Martin. “Kasi, ano na po iyon, pag aktor ka, kung ano ang hingin sa iyo ng direktor, kung ano ang hingin ng istorya, ibibigay mo para sa ikagaganda ng film.”
Ang 1st Cine Silip filmfest ay gaganapin sa Oktubre 22-28.
Ipapalabas ang entries sa piling sinehan ng Ayala Malls sa Metro Manila.
Ang awards night ay sa Oktubre 27, Lunes, sa Viva Cafe. Ang anim pang kalahok dito ay Salikmata, Dreamboi, Pagdaong, Babae sa Butas, Ang Lihim ni Maria Makinang, at Maria Azama: Best P*rn Star.
GORGY RULA
Noong Marso unang itinanghal ang dulang Anino sa Likod ng Buwan sa PETA Theater Center.
Nag-perform once nang sama-sama ang tatlong understudy na sina Edward Benosa, Denise Esteban, at Vincent Pajara.
Sa rerun, andiyan pa rin ang mga OG actors na sina Martin del Rosario, Elora Españo, at Ross Pesigan, pero may mga kombinasyong Martin-Denise-Vincent at Edward-Elora-Ross.
“Nalaman po namin na may rerun after po ng show namin nung March, and alternates na yung mangyayari,” sabi ni Denise.

“Parang nung una, in-expect namin na magpapalit-palit talaga ng role. Tapos yun, nung nalaman po namin na nagbigay na ng schedule na bago, makaka-partner ko si Martin sa buong show ng rerun. Si Paj [Vincent Pajara] pa rin naman.
“Ngayon, sobrang na-excite po ako. Hindi ko po kasi siya [Martin] nakaeksena nung March, e…
"Sobrang na-excite na parang nabigyan kami ng chance na maging ka-alternates nung mga main cast.
“Tapos ayun, magiging partner ko si Martin. Tapos nagkaroon pa ng film. So dumoble-doble. Sobrang nakakatuwa.”
Anong kaibahan ng pagtatrabaho nila nina Martin at Vincent sa film at sa stage?
“Parang ano rin siya, may pagka-same-same lang sila.
"Yun nga lang, minsan kasi, ang galaw sa film is limitado since kailangang kuha sa kamera.
"And yung sa stage naman, nasanay na ako yung sa boses. Malawak yung gagalawan mo. Mas malaki yung galawan.
“Yun siguro yung parang pinagkaiba sa nakikita ko.”
Kumusta so far ang rehearsals nila nina Martin at Vincent para sa rerun ng Anino sa Likod ng Buwan?
“Nung una, parang first time kong makaeksena si Martin sa rehearsal… iba kasi yung atake niya sa atake ni Edward sa pagiging Joel,” saad ni Denise.
“So nung nakaano ko si Martin, parang nag-iba rin yung galaw ko, yung atake ko kay Emma.
"Ayun, parang ang ganda rin ng kinalabasan na parang nag-mix-and-match kami ng partners.”
