PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Charming Actress na ikakasal, misteryoso ang groom

...kahit mga katrabaho, hindi pa nila nakikita.
by PEP Troika
Published Oct 5, 2025
blind item about wedding of charming actress
Si Charming Actress ay ikakasal na raw next month, pero wala pang nakakakita sa kanyang groom.
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Lalong naintriga ang ilang staff ng isang TV network dito kay Charming Actress.

Nung nabalitaan nilang nakatakda na itong ikasal sa susunod na buwan, nagsimula silang kalkalin kung sino ang mahiwagang lalaking karelasyon nito.

Hindi raw kasi nila nakitang may boyfriend ito. Wala rin silang kaalam-alam kung sino.

Ang sabi lang daw sa kanila ay non-showbiz, pero wala silang alam kung anong propesyon.

Kaya tuloy may mga nagdududa pa rin kung meron ba talagang kasal na magaganap.

Medyo nako-convince na sila sa unang blind item natin dahil wala raw itong tinatanggap na projects.

Maganda pa naman daw ang drama series na inialok sa kanya, pero tinanggihan niya ito.

Kaya baka tatapusin lang niya ang pelikulang ginagawa ngayon, at baka doon na magaganap ang kasalan.

Naniniwala naman silang i-a-announce ni Charming Actress ang mga ganap pagkatapos ng lahat na pinaplano nila.

Kaya abang-abang na lang daw muna tayo.

Read: Actress, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

CLUE: EX NI CHARMING ACTRESS, MATAGAL NANG NAKA-MOVE ON

Lungkut-lungkutan tayo sa balitang hiwalayan nina Julia Barretto-Gerald Anderson, Chie Filomeno-Jake Cuenca, at Aiko Melendez-Jay Khonghun.

Good news at ikinatutuwa natin kung magpapakasal na nga si Charming Actress sa isang non-showbiz personality.

Ang Tall and Romantic Actor, na ex ni Charming Actress, ay matagal na ring naka-move on sa kanilang breakup.

Read: Kagandahang Aktres, nali-link ngayon sa Influential Personality

NOEL FERRER

CLUE: CHARMING ACTRESS IS ALSO "CALL-OUT ACTRESS"

Masaya ako para kay Charming Actress sakaling totoo ang balitang ito. She deserves the best love.

At talagang ganoon, makakahanap ka talaga ng katapat mo, maghintay ka lang. Magpakabuti ka lang.

I’ve seen her advocate so many good causes kaya good karma ito kay Charming Actress.

At aside from Charming, "Call-out Actress" ang naririnig kong tawag sa kanya.

If totoo ito, ako na ang magko-call out sa kanya! Miss C (Call-out or Charming), I am happy for you! You deserve the best!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Charming Actress ay ikakasal na raw next month, pero wala pang nakakakita sa kanyang groom.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results