JERRY OLEA
Isa lamang ang HORROR sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), ang star-studded trilogy na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Isa rin lang ang COMEDY (na pakiwari ko’y may puksaan na drama), ang Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre.

CRIME THRILLER ang Manila’s Finest nina Piolo Pascual, Enrique Gil, Rica Peralejo, Romnick Sarmenta, Joey Marquez, Jasmine Curtis-Smith, Ashtine Olviga, Cedrick Juan, Dylan Menor, and Kiko Estrada.

ROMANCE ang Love You So Bad nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera.

SOCIAL DRAMA ang I’mPerfect nina Krystel Go at Earl Amaba na kapwa may Down syndrome.

FAMILY MOVIE ang Rekonek nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, Gerald Anderson, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Alexa Miro, Kokoy de Santos, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi.

DRAMA ang UnMarry nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo...

... Maging ang Bar Boys: After School nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Odette Khan, Glaiza de Castro, Therese Malvar, Sassa Gurl, at Will Ashely.

Alin sa walong pelikulang ito ang pambata?
Kung tutuusin, karamihan sa mga pelikulang ito ay madrama.
Alin ang malamang na topgrosser, at alin ang nangangamoy-kulelat?
Read: MMFF 2025: Will-Bianca-Dustin movie makes it to Final 4
POSSIBLE MMFF 2025 CONTENDERS
Sa labanan sa BEST ACTOR, andiyan sina Zanjoe Marudo, Piolo Pascual, at Vice Ganda.
Idagdag mo pa sina Earl Amaba, Will Ashley, Dustin Yu, Gerald Anderson, Zoren Legaspi, Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Richard Gutierrez, Seth Fedelin, Ryan Bang, at JM Ibarra.
Para sa BEST ACTRESS, andiyan naman sina Angelica Panganiban, Nadine Lustre, at Carmina Villarroel.
Andiyan din sina Gloria Diaz, Alexa Miro, Odette Khan, Bianca de Vera, Krystel Go, Carla Abellana, Manilyn Reynes, Janice de Belen, Kaila Estrada, Ivana Alawi, Fyang Smith, Loisa Andalio, Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Francine Diaz, at Elijah Alejo.
Para sa best supporting actor at best supporting actress, more and more and more.
Baka nga iyong ibang nakalista sa lead category ay ilagay rin ng mga hurado sa supporting.
MMFF 2025 ACTIVITIES
Ang host city ng MMFF 2025 ay ang Makati City.
Ang grand conference ay sa Nobyembre kung saan tampok ang mga artista at mga direktor ng walong official entries.
Ang MMFF Celebrity Golf Tournament ay sa Disyembre 9 sa Wack Wack Golf & Country Club.
Sa Disyembre 19 ang MMFF Parade of Stars na magsisimula at magtatapos sa Ayala Malls Circuit sa Hippodromo St., Makati City.
Babagtas ang Parada ng mga Bituin sa Buendia, Ayala Avenue, at J. P. Rizal St.
Sa Disyembre 27 ang Awards Night.
Malamang na sa Shangri-La Makati Hotel ito.
Exciting ang MMFF51 kaya trending ito nationwide, pati ang topics na related dito.
“Thank you for the overwhelming support for the 8 official film entries of the 51st Metro Manila Film Festival!” Facebook post ng MMFF page.
Read: Will, Dustin, at Klarisse naka-score ng tigdadalawang entries sa MMFF 2025
NOEL FERRER
Nag-poster reveal and trailer launch muna ng First 4 entries ng MMFF 2025 noong Oktubre 10, Biyernes, sa University of Makati, bago ini-announce ang Final 4 entries.
Bahagi ng mensahe ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman na si Atty. Romando Artes: “Ang pagpili ng mga pelikulang ito ay maingat na isinagawa ng ating MMFF Selection Committee na binubuo ng mga respetadong personalidad sa industriya ng pelikulang Pilipino.
“Sinuri nila ang bawat entry batay sa kalidad ng pagkakagawa, husay ng pagganap, at kabuuang mensahe ng pelikula.
“Ang mga napiling pelikula ay nagpakita ng galing, puso, at malikhaing pag-iisip ng mga Filipino filmmaker.
“Ang mga ito ay kumakatawan sa iba’t ibang tema at kuwento ng buhay-Pilipino.
“Mga kuwentong magpapasaya, magpapaiyak, at magbibigay-inspirasyon ngayong Kapaskuhan.”

Ang tema ng 51st MMFF ay “A New Era for Philippine Cinema.”
Dagdag ni Charman Don Artes: “Isang panibagong yugto ito ng kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Isang panahon ng pagbabago, inobasyon, at mas matatag na pagsuporta sa mga lokal na pelikula.
“Sa bagong era na ito, hinahangad nating mas mapalapit ang pelikulang Pilipino sa puso ng bawa’t manonood sa bansa man o sa buong mundo.”
In fairness, marami ang naging interesado sa entries at pawang mahuhusay at respetadong direktor ang may mga lahok!
Sana, suportahan nating lahat ang MMFF 2025!
GORGY RULA
Wala pang napapanood si MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando Artes sa walong official entries ng MMFF 2025.
Aniya: “Based on the trailers, based on the stars, based on the directors, scriptwriters na nakita natin dito po sa walong pelikulang kalahok, masasabi po natin na talagang magaganda yung lineup po.
“At nakikita naman po siguro natin iyong evolution ng MMFF. Paganda po talaga nang paganda yung mga pelikula na isina-submit.
“Kaya pahirap din po nang pahirap iyong pagpili. Pero just the same, every festival naman, pinipili namin iyung pinakamagaganda talaga na pelikula.”
Read: First four official entries to MMFF 2025 announced
FINAL 4 MMFF 2025 OFFICIAL ENTRIES
Nahirapan muli ang Selection Committee sa pagpili ng Final 4 entries?
Tumango si Chairman Don Artes, “Yes, nahirapan po yung ating Selection Committee based on feedback and discussion kanina sa deliberation.
“Talagang close yung mga laban, e. Pero again, kung sino po iyong pinakamagagandang pelikula, yun po yung pinili in the end para dito sa Final 4.”
May mga umaasam o nagsusulong na ibaba ang presyo ng admission price ng mga pelikula sa MMFF 2025.
Kokonsultahin daw ni Atty. Don Artes sa usaping ito ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Gaano kaimportante o ka-relevant ang MMFF sa panahon ngayon?
“Well, unang-una po, sa dami po ng kaguluhan na nae-experience natin, hindi lamang sa ating buhay kundi pati sa pulitika, sa ating bansa, ang MMFF po ay isang magandang break at magandang balita naman,” tugon ni Atty. Don Artes.
“Alam natin, marami tayong kinakaharap na suliranin. Ito po sigurong MMFF, lalung-lalo na po ngayong Kapaskuhan, ay magbibigay sa atin ng magandang stress-reliever, at pampapawi po ng ating mga alalahanin at ating suliranin sa buhay.”
Read: Cinemalaya 2025: PEP Troika's Choice for Best Performances
