PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapatid ng aktres, nadiskubreng gay ang Japanese husband

Kapatid ng aktres, nadiskubreng gay ang mister na Japanese singer
by PEP Troika
Published Oct 14, 2025
blind item sister of actress gay husband
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

May nasagap na balita ang PEP Troika sa Shizuoka, Japan, tungkol sa kapatid na babae ng aktres na may maamong mukha at yayamanin ang dating.

Hindi na gaanong active ngayon sa showbiz si Yayamaning Aktres, pero interesting pa rin siyang pag-usapan.

Sabi ng ilang kaibigang nagkuwento sa amin, napakaganda rin daw ng sisteret ni Yayamaning Aktres.

Ang daming nahuhumaling sa ganda ni Sisteret, hanggang sa nasilo ang puso nito ng isang guwapong Hapon.

Kilala raw sa Japan ang Hapon dahil isa itong singer. Miyembro ito ng isang sikat na banda roon.

Nagpakasal at nagsama sila ng dalawa o tatlong taon, bago tuluyang naghiwalay.

Read: Pokwang lambasts nepo babies anew: “Sinayang ang pera ng bayan!!!”

THE TRUTH ABOUT HER HUSBAND

Okay naman daw ang kanilang pagsasama.

Pero ang kulang lang diumano ay "sex" na kailangan sa pagsasama ng mag-asawa.

Hindi raw napupunan ang pangangailangan ng girl, dahil iba pala ang gusto ng mister nitong singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bandang huli ay ipinagtapat daw ni Mister kay Misis na hindi babae ang gusto nito — kundi kapwa lalaki.

Pinakasalan daw ng Japanese singer si Sisteret dahil pinipilit niyang magpakalalaki, pero hindi nito kinaya sa huli.

Nagkausap daw sila nang maayos, at tinanggap ni Girl na gay ang napangasawa niya.

Ngayon ay single uli itong kapatid ni Maganda at Yayamaning Aktres.

Simple lang daw ito, nagtatrabaho sa isang sosyal na mall sa Shizuoka, Japan, at nagtitinda ng mamahaling alahas.

Masipag daw itong nagtatrabaho, at minsan ay umuuwi-uwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang magulang.

Tuloy lang daw siya sa pagtatrabaho na mukhang hindi umaasa sa yayamanin niyang kapatid.

Read: Paolo Contis bonds with daughters, Lian Paz, John Cabahug in Cebu

NOEL FERRER

Naku, can identify dito si Carmina Villarroel bukod sa marami pang ibang kaso ng mga napilitang magpakasal na bading — na lalabas at lalabas din ang katotohanan pagkatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminin natin na very traditional pa rin ang mga gawi ng mga Hapon, bagamat meron ding wild side ang ilan.

Mabuti na lang at may kabukasan na ang pagtanggap sa ganitong mga relasyon.

Hindi ba’t ang kapatid nitong aktres ay na-link din sa mga pinaghihinalaan din noon? Pero no judgment, di ba?

At least, doon lagi tayo sa landas na magpapasaya at magpapalaya sa iyo, di ba? True love wins.

Read: Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December

JERRY OLEA

Naalala ko sina Carmina Villarroel at Rustom Padilla na ikinasal noong 1994.

Naghiwalay sila.

“Namatay” si Rustom at nag-transform into BB Gandanghari.

May kani-kanyang buhay na sina Carmina at BB.

Rustom Padilla and Carmina Villarroel
Rustom Padilla and Carmina Villarroel
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nasumpungan ni Carmina ang kanyang soulmate kay Zoren Legaspi, at nagkaroon sila ng kambal na sina Mavy at Cassy.

Nag-flash din sa aking gunita ang pralala noon na kesyo may girlfriend si Raymond Gutierrez.

Wala namang ipinakilalang GF si Raymond, hanggang inamin niya noong Agosto 2021 na kasapi siya sa LGBTQ community.

Read: Raymond Gutierrez feels liberated after coming out: "I felt free."

Raymond Gutierrez tell-all about his sexuality
Raymond Gutierrez
Photo/s: Courtesy: @mond on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLASSIC FILIPINO MOVIES WITH LGBTQ CHARACTERS

Siyempre, pumasok din sa aking diwa ang pelikulang Tubog sa Ginto (1971) na idinirek ni National Artist Lino Brocka.

Sa istorya, mag-asawa sina Benito (Eddie Garcia) at Emma (Lolita Rodriguez). May binatilyo silang anak, si Santi (Jay Ilagan).

Closet queen si Benito, at may affair sila ng family driver na si Diego (Mario O’Hara).

eddie garcia mario o'hara tubog sa ginto
Eddie Garcia and Mario O'Hara in Tubog Sa Ginto
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan din ang pelikulang Nagalit Ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983) na idinirek ni Danny Zialcita.

Sa istorya, mag-asawa sina Dimitri (Eddie Garcia) at Stella (Gloria Diaz). Nadiskubre ni Stella na accla si Dimitri kaya nakipaghiwalay siya rito.

Nakipag-affair si Stella kay Miguel (Dindo Fernando), ang dyowa ni Delza (Laurice Guillen).

eddie garcia nagalit ang buwan sa haba ng gabi
Eddie Garcia in Nagalit ang Buwan Sa Haba ng Gabi
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang remake ng Nagalit Ang Buwan sa Haba ng Gabi ay pinamagatang When The Love Is Gone (2013), na idinirek ni Andoy Ranay.

Dito, humiwalay si Cassie (Cristine Reyes) sa asawang si Yuri (Jake Cuenca) nang madiskubreng bading ito. Nakipag-affair si Cassie kay Emman (Gabby Concepcion), ang dyowa ni Audrey (Alice Dixson).

At any rate, mabuti at nagpakatotoo ang Japanese singer, at inamin sa Sisteret ni Yayamaning Aktres na kapwa lalaki ang makapagpapaligaya sa kanya.

Read: Rufa Mae Quinto channels Vice Ganda in funny YFSF performance

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results