PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Plays na naging films, may reruns; movie na kinunang walang cut

Kabilang dito ang Walong Libong Piso na R16 at may butt exposure.
by PEP Troika
Published Oct 16, 2025
Walong Libong Piso, may film version at stage rerun. Kasabay nito sa big screen ang Everyone Knows Every Juan. Anino sa Likod ng Buwan, balik-entablado.
Walong Libong Piso (middle), may film version at stage rerun. Kasabay nito sa big screen ang Everyone Knows Every Juan (left). Balik-entablado naman ang Anino sa Likod ng Buwan (right).
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Nakaapat na performance si Paolo Gumabao sa first run ng psychological play na Walong Libong Piso noong Agosto 2025 sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan City.

Mula sa mga ito, kumuha si Direk Dante Balboa ng mga eksena parang gawing pelikula.

(L-R) Walong Libong Piso writer-director Dante Balboa, lead actor Paolo Gumabao, and producer Engr. Benjie Austria
(L-R) Walong Libong Piso writer-director Dante Balboa, lead actor Paolo Gumabao, and producer Engr. Benjie Austria
Photo/s: Jerry Olea

Mapangahas ang palabas kung saan babad ang butt exposure ni Paolo sa shower scene, maharot ang kanyang macho dancing, at may eksenang nagsasariling-sikap hanggang sukdulan.

Nag-agam-agam ang line producer na si Dennis Evangelista at ang executive producer na si Engr. Benjamin Austria na baka ma-X ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula.

Hopia sila na ma-R-18 iyon ng MTRCB.

Laking tuwa nila nang R-16 ang nakamit nitong rating.

Walong Libong Piso movie poster
Walong Libong Piso stage play was made into a movie starring Paolo Gumabao.
Photo/s: PR

WALONG LIBONG PISO STAGE PLAY TURNED INTO A MOVIE

Pananalig ng writer-director na si Dante Balboa, nakita ng MTRCB members na nag-review ang artistic merits ng Walong Libong Piso, na ipapalabas sa local cinemas sa Oktubre 22, 2025, Miyerkules.

"Yung atake ng film and theater, magkaiba sila in terms of size and intensity,” pahayag ni Paolo sa mediacon noong Oktubre 15 sa Cafe Ilang-ilang ng Manila Hotel, Ermita, Manila.

"Andoon pa rin yung technique, andoon pa rin yung nuances, andoon pa rin yung transitions, you know.

"So regardless kung teatro ba iyan o pelikula, I think naman na na-execute namin nina Direk Dante yung dapat ma-execute.”

Iba talaga kapag may live audience sa teatro kumpara sa wala.

“When you’re doing theater acting, it’s more of a… lahat ng emosyon is palabas,” saad ng hunk actor.

“It’s expressed and modulated towards the people who are watching.

"Ah, compared naman pag sa pelikula, since lumalapit yung camera sa atin minsan, di ba, may mga extreme close-ups tayo, hindi natin kailangan ng ganoon kalaking actions. Hindi natin kailangan ng ganoon kalaking emosyon para maipakita yung iba’t ibang klaseng emosyon.

“So yun ang pinaka-naging challenge siguro for me is trying to find my way through the theater and movie acting techniques na natutunan ko kay Direk Dante.

“Hindi naman kami napabayaan. Direk Dante was there every step of the way... sinisigurado niya na noong time na sinu-shoot namin iyong pelikula, sinisigurado niya na, ‘Pao, straight lang, Pao. Medyo nagiging teatro ka ngayon. You have to step back a bit.’

“So thankful ako kay Direk na binabaril niya yung mga kailangang barilin.”

Paolo Gumabao in Walong Libong Piso
Paolo Gumabao in Walong Libong Piso
Photo/s: courtesy of Bentria Productions

First time ito ni Paolo na gumawa ng one-shot film.

“Parang pakiramdam ko ngayon, ano, parang pakiramdam ko, yung script ng TV and pelikula…” lahad ni Paolo.

“Kasi siyempre, pag nagme-memorize tayo ng lines para sa isang eksena sa pelikula or teleserye, usually yung eksena is like what, a minute or a minute and a half long. Max na siguro iyong two minutes, di ba?

“Pero dito sa teatro, parang kailangan pahabain mo lahat. Kumbaga kailangan in character ka from an hour and a half instead of a minute and a half.

“So parang for me, in a way, mas nagiging madali siya to dive into character. Kasi nga, you’re given so much time to absorb and embody the character compared pag sa TV na a minute and a half, sisigaw na yung direktor ng, ‘Cut!’”

Read: Bea Alonzo’s birthday surprise with BF Vincent Co goes viral

Siya nga pala, nitong Oktubre 15, Miyerkules ng gabi, ini-release na ang poster ng inaugural CineSilip Film Festival.

Pitong mapangahas na pelikula ang kalahok dito—Dreamboi, Salikmata, Babae sa Butas, Halik sa Hangin, Pagdaong, Maria Azama: Best P*rn Actress, at Ang Lihim ni Maria Makinang.

Wala pa akong balita kung pumasa na sa MTRCB ang mga pelikulang ito na naka-schedule ipalabas sa Oktubre 22-28, sa piling sinehan ng Ayala Malls.

NOEL FERRER

WHAT TO EXPECT FROM THE THEATER SCENE

WALONG LIBONG PISO RERUN

Naka-12 performances ang one-character play na Walong Libong Piso noong nakaraang Agosto sa Teatrino—apat kay Paolo Gumabao, tigatlo sina Jhon Mark Marcia at Drei Arias, dalawa kay Juan Paulo Calma.

Iyong theatrical showing ng film version starring Paolo ay bale patikim sa second run ng dula na nakatakda sa Nobyembre 29, at Disyembre 5, 12 at 19, doon pa rin sa Teatrino.

Walong Libong Piso rerun
Walong Libong Piso rerun
Photo/s: PR

Dalawa ang show sa bawat araw, 6:30 P.M. at 9:00 P.M. Ang halaga ng tiket ay PHP3,000 (SVIP), PHP2,500 (VIP), PHP2,000 (Gold), at PHP1,500 (Silver).

Tigdadalawa ng performance sina Paolo, Jhon Mark, Drei, at ang pumalit kay Juan Paulo na si Jorge Guda.

Iisa ang manager nina Jhon Mark, Juan Paulo, at Jorge—si Lito de Guzman.

Ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, pinalitan si Juan Paulo dahil daw sa conflict of schedule.

ANG BAKLANG NANGARAP MAGING RICKY LEE

Kasama si Juan Paulo sa dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee na itatanghal doon din sa Teatrino sa Nobyembre 15 at 22. Tatlo ang pagtatanghal niyon bawa’t araw—2:00 P.M., 5:00 P.M., at 8:00 P.M.

Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee
Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee
Photo/s: PR

Nasa cast din ng sex comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee ang writer-director ng Walong Libong Piso na si Dante Balboa.

Ang iba pang cast members nito ay sina Alfe Alabastro/Paul Jake Paule, Joni McNab, Dolf Lopez, Abet Raz/Alphie Ragmac, Kathy Arguelles, Bernard Laxa, Mika Mendez, Skelly Skelly, Tonny Abad, Ricjun Aguilera, Gerald Barbacena, at ang walang kiyeme sa frontal nudity na si Mark Monares.

Ang direktor ay si Alejandro “Bong” Ramos. Ang halaga ng tiket ay PHP2,000 (VVIP), PHP1,500 (VIP), at PHP1,000 (Reg).

Anino sa Likod ng Buwan Rerun

Samantala, raratsada na ang second run ng dulang Anino sa Likod ng Buwan sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City. Ipapalabas ito for three weekends— Oktubre 17-19, 24-26, at Nobyembre 7-9.

Three-character play ito, at may tatlong kumbinasyon ng OG actors at understudies na sina Martin del Rosario/Edward Benosa bilang Joel, Elora Españo/Denise Esteban bilang Emma, at Ross Pesigan/Vincent Pajara bilang Nardo.

Ang direktor ay si Tuxqs Rutaquio.

Anino sa Likod ng Buwan cast and show schedules
Anino sa Likod ng Buwan cast and show schedules
Photo/s: PR ILLUSTRATION: Anino sa Likod ng Buwan

Ang halaga ng tiket ay PHP2,200 (VIP), PHP2,000 (orchestra center, balcony center), PHP1,500 (orchestra side), at PHP1,300 (balcony side). Pawang mapangahas ang tatlong dula na iyan.

Read: Marian Rivera swarmed by fans in Vietnam

GORGY RULA

Everyone Knows Every Juan

Tingnan natin kung trip ng mga manonood ang film version ng Walong Libong Piso.

Maliban sa pitong entries ng 1st CineSilip filmfest, kasabay ng Walong Libong Piso sa takilya ang Everyone Knows Every Juan na mala-stageplay ang pagkakagawa—walang cut at tuhog ang pagkuha sa mga eksena.

Everyone Knows Every Juan
Everyone Knows Every Juan
Photo/s: PR

Alin kaya ang mas panonoorin?

Tiyak na mata-type-an ng kabadingan itong Walong Libong Piso, at tingnan natin kung magustuhan din nila ang kuwento ng isang dysfunctional family sa Everyone Knows Every Juan.

Interesado ako sa Everyone Knows Every Juan na idinirek ni Alessandra de Rossi.

Base sa kuwento ng isa sa cast na si Direk Gina Alajar, kinabahan daw siya nang nalaman niyang ganitong style ng pag-shoot ang gagawin nila.

Kinunan daw nila ang lahat, all 39 sequences, nang tuluy-tuloy with day effect.

May apat na araw daw sila for the rehearsals lang.

Kuwento ni Direk Gina, “Kaming mga artista, nagkaroon kami ng two days na rehearsal.

“Bale ang total, four days na rehearsals dahil ang first two days ay binlock nila Alessandra yung mga stand-ins namin. Lahat kami may stand-ins.

“So binlock nila yun para pagdating namin, pinanood muna namin sila.

“Ang maganda dun, kahit yung mga stand-in, nag-dialogue sila. Alam nila yung dialogue namin.

“Habang inaarte nila yun, pinapanood lang namin sila. Sinusundan namin sila kung saan sila pumupunta.

“And then, the next two days, rehearsal na. Kami na yung gumagawa, wala na yung stand-in, ganun. Two days ang shooting ng day effect.”

Ganun din daw ang ginawa nila sa night effect na tuluy-tuloy din nilang kinunan nang walang cut.

“Ang running time ng night effect is 30 minutes,” pakli ng actress-director.

Aminado si Direk Gina na nahirapan talaga siya. Dahil kapag may magkamali raw sa kanila, uulitin nila ang lahat na kinunan nila mula sa simula.

“Mahirap actually,” bulalas ng veteran actress.

“Sa umpisa pa lang, nung first reading namin at dun ko lang nalaman kung paano gagawin.

"Kung ano yung plano ni Alessandra sa pelikula, kinabahan na ako kasi siyempre, halos lahat kami senior citizen, e, you know.

“Siyempre, let’s say 39 sequences, parang stageplay. So parang kaya pa ba natin yun ma-memorize na walang cut? Baka mamaya, magkamali-mali tayo, yun yung fear ko.

“Yung fear ko, mas para sa sarili ko. Baka magkamali ako, baka hindi ko kayanin, baka ako maging cause of delay. Baka ako magkamali at cause nang paulit-ulit na take, dahil lagi akong nagkamali na makalimutan ko yung linya ko. Yun yung takot ko.

“Si Alessandra naman is so supportive of us. Masyadong positive yung batang yun na she’d just say na kaya niyo iyan!

“Pag makalimutan niyo, pumitik lang kayo, ipi-feed yung linya, ganun!” dagdag niyang pahayag.

Sa awa ng Diyos, sabi ni Direk Gina, nagawa raw nila ang day effect na may 39 sequences with three takes na hindi naman nila pagkakamali, kundi may mga technical glitches lang daw.

Yung night effect ay nagawa raw nila ng isang take lang. Ang bongga, di ba?

Maliban kay Direk Gina, nasa cast ng Everyone Knows Every Juan sina Edu Manzano, Joel Torre, JM de Guzman, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, Kelvin Miranda, at si Alessandra.

May special participation sina Liza Lorena, Jaime Fabregas, Angel Aquino, Empoy Marquez, Jerald Napoles, Kim Molina, Ge Villamil, at Charuth. Introducing dito si Atasha Muhlach.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walong Libong Piso (middle), may film version at stage rerun. Kasabay nito sa big screen ang Everyone Knows Every Juan (left). Balik-entablado naman ang Anino sa Likod ng Buwan (right).
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results