PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald, hindi sinagot ang tanong kung nagrekonek sila ni Julia

Gerald Anderson, ayaw sumagot sa tanong kung nagrekonek sila ni Julia Barretto
by PEP Troika
Published Oct 21, 2025
gerald anderson rekonek
Gerald Anderon on being a producer: "Next year, 20 years na po ako sa industriya. So, I wanna also do something na parang… you know, also give back to the industry that’s giving me so much. As a producer, nakakapagbigay ka rin ng trabaho sa ibang tao. Nagbibigay ka ng sana magandang proyekto para sa Pilipinas, di ba? So, it’s very aligned dun sa gusto ko ring mangyari for me. And sana maging successful. Sa suporta nyo, maging successful siya."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Napangiti si Gerald Anderson at hindi sinagot nang diretsahan ang tanong ng PEP Troika kung nagkaroon ba sila ng reconnection ni Julia Barretto.

Humarap ang Kapamilya actor, kasama ang producer ng Reality MM Studios na si Dondon Monteverde, sa ilang miyembro ng entertainment press sa studio ng Reality sa Makati City noong Lunes, October 20, 2025.

In-announce nila ang kanilang collaboration para sa MMFF 2025 official entry na Rekonek.

Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller

Isa sa cast si Gerald ng pelikula kasama ang Legaspi family na sina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, at ang kambal na sina Cassy at Mavy.

Kabilang din sa Rekonek sina Charlie Dizon, Andrea Brillantes, Bela Padilla, Kelvin Miranda, Angel Guardianm at Ms. Gloria Diaz.

Mula ito sa direksiyon ni Jade Castro.

Ang Rekonek ay first project ng film production ni Gerald, ang Th3rd Floor Studios, kaya bagong experience daw ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Gerald: “You know, I really feel so excited for this partnership, kasi nakita ko yung attention to detail nila.

"Like, nag-lock-in po kami sa Zambales sa isang liblib na looban talaga ng Zambales. Gumawa sila ng set dun para po sa Buy Bust.

“And we were there for… nag-lock in kami. Isang buwan kami nandun, e.

“Gumawa sila ng set. So, that just shows how… yung dedication nila to provide quality movies para po sa mga Pilipino.

"And that’s the perfect partner that we all want, that I want. Lalo na po for my first project, as a producer.”

THREE PROJECTS OF GERALD ANDERSON

Si Gerald ang bida sa series na Buy Bust para sa Netflix. Doon nabuo ang partnership niya sa Reality.

Nagdirek din si Gerald ng ilang episodes ng pinagbibidahan niyang primetime series sa kapamioya Channel, ang Sins of the Father.

Bago naman itong papasukin niyang pagpo-produce ng pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I’m doing three projects at the same time — Sins of the Father, Rekonek, at saka Buy Bust.

“Tomorrow, may Sins of the Father. Wednesday, nasa Buy Bust ako. Tapos Thursday, balik ako sa Sins of the Father.

“I’m very blessed... I’m not complaining. But I’m just also trying to learn as much as possible, as a producer.

“Kasi ibang ano naman yan, e. Ibang animal yan. Ibang beast yan.

“Kilala niyo naman ako. I like challenges, and I’m… kumbaga strength.

"Next year, 20 years na po ako sa industriya. So, I wanna also do something na parang… you know, also give back to the industry that’s giving me so much.

“As a producer, nakakapagbigay ka rin ng trabaho sa ibang tao. Nagbibigay ka ng sana magandang proyekto para sa Pilipinas, di ba?

"So, it’s very aligned dun sa gusto ko ring mangyari for me. And sana maging successful. Sa suporta nyo, maging successful siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Honestly, wala po akong plano nun. Wala rin akong planong magdirek.

"E, binigyan ako ng pagkakataon ng ABS na magdirek para sa Sins of the Father. I had a good experience.

“Iba rin po yung challenge na yun. And mahilig ako sa challenges. I always wanna grow. I wanna grow as artist and as a person,” saad ni Gerald.

Read: Maymay Entrata confirms new boyfriend, Joaquin Enriquez

NOEL FERRER

Napag-uusapan ang pelikula nilang Rekonek. Tinanong si Gerald Anderson ng PEP Troika kung nagkaroon ba sila ng rekonek nig ex-girlfriend niyang si Julia Barretto.

Ngumiti lang ang aktor. Hindi niya ito sinagot.

Read: Gerald Anderson spotted at the wake of Julia Barretto's uncle

Kaagad siyang sinalo ni Dondon Monteverde na ikinuwento kung paano nila nabuo ang Rekonek.

gerald anderson dondon monteverde rekonek
Gerald Anderson and Dondon Monteverde
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Dondon: “Ang inspiration talaga namin ni Gerald during the film Rekonek… Kasi, nag-shooting kami ni Gerald sa Zambales, seven hours away yung pinagsyutingan namin, di ba?

“Nawalan bigla ng Internet. So, nakita ng lahat… si Direk Erik [Matti], yung writer, even si Michiko [Yamamoto], nandun din during that time na nagkagulu-gulo dun, di ba?

“Kasi ang hirap nga naman these days na mawalan ng internet.

“So, nakaisip kami ng project together na, why not nga? Siguro days before Christmas na isipin natin yung dynamics, di ba?

“Malaking bagay yang Christmas. Kung mawalan ng internet, anong mangyayari sa buhay natin?

“Maraming lessons itong movie na ito. Tapos aside from that, we want every penny ng manonood ng pelikulang ito, maging sulit sa kanila.

“Kaya nga, parang ang daming magagaling na artista kaming isinama rito, isa na nga diyan si Gerald, sina Bela Padilla, Andrea Brillantes, Legaspi brothers, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at siyempre si Ms. Gloria Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandiyan silang lahat, di ba? So, we want to give a very good show and yung value for money nandiyan.”

Kinulit pa rin ng PEP Troika si Gerald tungkol sa reconnection nila ni Julia. Hindi ba siya puwedeng magsalita sa ngayon? Ang sabi nila, tungkol lang daw muna sa partnership nito sa Reality ang pag-uusapan.

“Basta tungkol sa Rekonek na pelikula, lahat sasabihin ko,” iwas pa rin ni Gerald.

Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed

JERRY OLEA

Tungkol pa rin sa reconnection ang kasunod na tanong ng ilang reporter kay Gerald Anderson.

Meron ba siyang taong gusto niyang maka-‘rekonek’?

“Of course! Oo naman!” kaagad niyang sagot.

“There are times na may mga tao sa buhay natin na we should reconnect with, and may mga hindi.

“May mga kasama lang sa journey natin is you know, passersby lang. They come into your lives and ano… it could be family, friends, business partners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But… as long as ine-enjoy mo yung time mo with that person or with that group of people, or with that project, you know.

“There’s also times na, maybe you have to grow away and grow with better people, and then maybe somewhere in time, di ba?

“I think, sobrang ano yun e… makaka-relate yung maraming tao dito sa kuwento namin ni Ms. Charlie Dizon.

“It’s kinda like that. May mga questions na magre-connect pa ba sila o nag-reconnect na ba sila? Yeah! Marami.

“Yan yung premise ng pelikula namin. It’s reconnecting with people pag nawala yung internet.”

Read: Tessa Prieto posts P120K bail for estafa rap; insists, "I'm a victim."

GERALD ON DIRECTING AND PRODUCING

Gusto raw muna niyang mag-focus dito sa bagong film production niya, ang Th3rd Floor Studios.

Baka sa mga susunod na projects daw niya ay puwede rin siyang magdirek ng pelikulang ipo-produce ng kanyang film production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito po yung pinakabagong venture ko ahhh itong Th3rd Floor Studios," sabi ni Gerald.

“Ang pangarap ko po dito talaga is makapag-produce ng iba’t ibang klaseng proyekto, makapagbigay ng maraming trabaho, makapag-contribute po sa cinema ng Pilipinas, at makapagpaganda ng quality ng proyekto para po sa audience natin.

“So, sa ngayon, ito muna yung pinaka-focus ko.

“Sana, directing sana, producing. And sana in the future, kahit hindi ako yung bida, makapagdirek ng isang pelikula, isang proyekto... yeah!

“So, marami pong mga oportunidad na binibigay sa atin and ako naman yung tipong taong ayaw kong sayangin yung mga yun.”

Read: Veteran actress Lollie Mara dies at 86

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderon on being a producer: "Next year, 20 years na po ako sa industriya. So, I wanna also do something na parang… you know, also give back to the industry that’s giving me so much. As a producer, nakakapagbigay ka rin ng trabaho sa ibang tao. Nagbibigay ka ng sana magandang proyekto para sa Pilipinas, di ba? So, it’s very aligned dun sa gusto ko ring mangyari for me. And sana maging successful. Sa suporta nyo, maging successful siya."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results