PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Mestiza Actress at Morena Actress, friends o rivals?

Clue: Pareho silang young.
by PEP Troika
Published Oct 26, 2025
blind item about mestiza versus morena actresses
Kaibigan nga ba ang turing ni Mestiza Actress kay Morena Actress? O karibal?
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Isang mestiza actress ang nag-emote noong Oktubre 25, 2025, Sabado ng gabi, pagkatapos ipinakilala ang 20 teen stars na pasok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.

Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates

Marami siguro ang nakakita niyon dahil may dalawa akong kaibigang nagkuwento about her Instagram story.

Hindi ko napanood ang kanyang hanash, pero tungkol daw ito sa mga close friends niyang nasa loob na raw ng PBB house kaya mag-isa na raw siyang naiwan sa labas.

MESTIZA ACTRESS AT MORENA ACTRESS: MAY ISYU?

Nalaman ko tuloy na nagkaroon ng isyu si mestiza actress sa isang morena actress na nakapasok sa Bahay Ni Kuya.

Mahigpit daw pala niyang kalaban ito mula noong nagsisimula pa lang sila sa pag-aartista.

Nagkakasabay raw sila sa mga auditions o go-see, pero madalas daw ay naliligwak si mestiza at pasok si morena.

Pati sa pag-aartista ay masuwerteng napupunta raw kay morena actress ang magagandang projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

One time, nawindang daw si mestiza actress nang nalamang ligwak na naman siya sa isang drama series na dapat ay pagbibidahan niya.

Napunta ito kay morena aktres, na hindi rin natuloy dahil inilipat siya sa isa pang drama series.

Akala ni mestiza actress, sa kanya na mapupunta ang drama series, pero sa ibang young actress pa ibinigay.

Nganga tuloy siya.

Mabuti at nabigyan ng break si mestiza actress sa isang sikat ding show.

Kaya nakilala na ito kahit paano at gumanda na ang showbiz career.

Pero nang ipinasok si morena actress sa PBB house noong Sabado, biglang umeksena na naman itong si mestiza actress.

Nag-emote nga raw na lahat ng friends niya ay ipinasok na sa PBB house.

Kasama kaya si morena actress sa itinuturing niyang best friends?

NOEL FERRER

May pagka-confrontational daw itong si mestiza actress dahil kinausap daw nito mismo si morena actress kung bakit napupunta sa kanya ang mga magagandang projects?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano raw ba ang kulang sa kanya at hindi siya masuwerteng nabibiyayaan ng magagandang projects?

Nakarating pa raw sa mommy ni morena actress ang ginawa ni mestiza actress.

Kaya pinapaiwas na raw niya rito ang kanyang anak.

Pero nababalitaan ng iba na naging friends daw sila.

At sobrang okay na ngayon ang showbiz career ni mestiza actress.

Maganda ang drama series na napunta sa kanya, at baka sa mga darating na raw ay malagpasan na niya si morena actress.

Depende pa rin iyan kung maganda ang kalalabasan ng pagpasok ni morena young actress sa Bahay ni Kuya.

Read: Heart Evangelista’s personal assistant rants against Vice Ganda

JERRY OLEA

Siya nga pala, napag-alaman ng PEP Troika na na-depress daw ang matangkad na young actor nang hindi siya napasama sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.

Ang narinig namin, hindi siya nakapasa sa psychological test.

Ang lakas pa naman ng bulung-bulungang pasok na pasok siya sa Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero wala siya sa natawag noong Sabado. Sobrang nalungkot daw ito dahil hopyang-hopya siyang magiging housemate na siya.

Sana, huwag naman niyang lalong ika-depress kung totoo mang bagsak siya sa psychological test.

Samantala, pasok din si Caprice Cayetano, ang gumaganap na anak ni Gladys Reyes sa Cruz vs. Cruz.

Na-extend pala ang afternoon drama na ito at dapat ay kasali pa rin sa taping si Caprice, pero dahil sa napili rin siyang papasok sa PBB house, pinatay na lang ang character niya sa naturang afternoon drama series.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaibigan nga ba ang turing ni Mestiza Actress kay Morena Actress? O karibal?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results