PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lito Atienza, nagpasalamat sa mga nakiramay sa kanilang pamilya

Lito Atienza, nagpasalamat sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Emman Atienza.
by PEP Troika
Published Oct 30, 2025
lito atienza grandddaughter emman atienza
Ex-Mayor Lito Atienza grateful for worldwide sympathy after granddaughter Emman’s death. He reminds the public, “Mahalin ninyo ang inyong mga anak. Ang inyong apo, ang inyong asawa, mga kaibigan.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA

Nag-Facebook Live si dating Manila Mayor at Buhay Party-list Representative Lito Atienza ngayong Huwebes, October 30, 2025, para magpasalamat sa lahat ng nagpahatid ng pakikiramay sa pagpanaw ng kanyang apong si Emman Atienza.

Si Emman ay anak ng Kapuso TV host na si Kim Atienza at ng educator na si Felicia Hung-Atienza.

Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19

Bahagi ng pahayag ni ex-Mayor Atienza: “Maraming salamat po sa lahat, mga kababayan, mga kaibigan, mga kamag-anakan na nagpadala ng kanilang pagbati ng pakikiramay sa sinapit ng aking pinakamamahal na apo.

“Masakit po at tunay na nagdadalamhati kung sino man ang makaranas nito.

“Subalit, tinatanggap po natin na tayong lahat ay merong katapusan. Meron po tayong simula, at meron tayong hangganan.

“Ang mahalaga ay yung pagitan noon, gamitin natin para sa mabuti at para sa tama.”

Sabi pa ng 84-year-old politician: “Mga mensaheng galing sa lahat ng bahagi ng sulok ng mundo. Ako’y nagulat sa dami ng nagmamahal at mayroong damdamin para sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming-maraming salamat po galing sa America, Canada, Japan, Australia, Hong Kong, Singapore, and all over the provinces.

“To all the bishops, the monsignor, and the priests who sent their prayers and inspirational messages for me, to all of you, I’m very, very grateful. Maraming salamat po.

“Mahalin ninyo ang inyong mga anak. Ang inyong apo, ang inyong asawa, mga kaibigan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64

BREAK FROM FACEBOOK

Kasabay nito ay nag-post ang kanyang team na hindi muna magpe-Facebook Live ang dating alkalde bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang apo.

Nakasaad sa Facebook account ni dating Mayor Lito Atienza: “To all the loyal followers and supporters of Former Manila Mayor and Deputy Speaker Cong. Lito Atienza, we would like to inform everyone that Cong. Lito Atienza will be taking a pause from his regular Facebook Live broadcasts as the Atienza family is currently going through a difficult time following the passing of his beloved granddaughter, Emman Atienza.

“We sincerely ask for your understanding, prayers, and respect for their privacy during this period of mourning.

“Thank you for your continued support and compassion.”

lito atienza post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Hong Kong si dating Mayor Lito Atienza nang pumutok ang balitang pagpanaw ni Emman.

Kaagad namin siyang hiningan ng pahayag, pero wala siya rito at parang hindi pa raw makapaniwala sa natanggap niyang balita.

Sobrang dinamdam daw niya ang nangyari sa kanyang pinakamamahal na apo.

Read: Jeremiah vocalist Piwee Polintan dies

JERRY OLEA

Sa TiktoClock noong Miyerkules, October 29, ay i-introduce ang kanilang guest host na si Camille Prats.

Si Camille muna ang pansamantalang makakasama ng regular hosts ng pre-noontime variety show ng GMA-7 habang wala si Kim Atienza.

Nasa Amerika pa si Kuya Kim kasama ang asawang si Felicia para kunin doon ang labi ng kanilang anak.

TIKTOCLOCK HOSTS'S MESSAGE

Bago ipinakilala si Camille, nagbigay muna ng pahayag ang ilang hosts kaugnay sa pinagdadaanan ng kanilang co-host na si Kuya Kim.

Mensahe ni Faith da Silva: “Alam niyo, mga Tiktotropa, sa bawat nakikita natin sa isa’t isa, may mga laban din tayong hindi nakikita ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nga, sana bago tayo humusga at magbitaw ng mga masasakit na salita, piliin muna natin umunawa.”

Dugtong ni Haley Dizon: “Yun mismo ang aral na iniwan sa atin ng minamahal nating si Emman Atienza. To show compassion, courage, and a little extra kindness in our everyday life.”

tiktoclock hosts
TiktoClock hosts deliver heartfelt messages following the passing of Kim Atienza's daughter.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Inaasahang uuwi ang mag-anak anytime soon para asikasuhin ang wake at inurnment ni Emman Atienza sa November 3 at 4 sa Heritage Park, Taguig City.

May mass/service ng 7:00 P.M.

Ang tutulong para mag-asikaso nito sa November 3, Monday, ay ang GMA Sparkle.

Sa huling gabi, November 4, Tuesday, ay tutulong ang Team NOEL family at ang Cultural Center of the Philippines na isa sa mga apostolado namin ni Kuya Kim.

Napakahirap ng pinagdaraanan ng pamilya at nakakadurog talaga ito ng puso pero nananatili silang matatag, sabi ni Kuya Kim, lalo na ang asawa niyang si Feli.

Lagi niyang sinasabi sa aming mga thread na, “God is good all the time. Emman’s death made me a little kinder, forever.”

Nakakaabot kay Kuya Kim ang ating pakikidalamhati at pagmamahal sa kanyang pamilya.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-Mayor Lito Atienza grateful for worldwide sympathy after granddaughter Emman’s death. He reminds the public, “Mahalin ninyo ang inyong mga anak. Ang inyong apo, ang inyong asawa, mga kaibigan.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results