PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KMJS, kapuri-puri ang paraan ng interview kay Kim Atienza

Jessica to Kuya Kim: "Hug na lang kita ulit. Basta nandito lang kami."
by PEP Troika
Published Nov 3, 2025
kim atienza jessica soho emman atienza service
(Left) Kim Atienza appears in a deeply personal, one-on-one interview with Jessica Soho on the program Kapuso Mo, Jessica Soho. The interview came in the wake of the tragic passing of his daughter, Emman Atienza, and viewers and netizens responded by praising how Jessica handled this sensitive, emotional subject matter. Right photo: The Atienza family with Pastor Paolo Punzalan during the Christian memorial service for Emman.
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Napakaganda ng ginawa ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa panayam kay Kim Atienza tungkol sa pagyao ng anak niyang si Emman Atienza.

Ang paghawak ni Jessica Soho ng sensitibong paksa ng pagpanaw ni Emman ay tunay na kahanga-hanga.

Ang panayam ay naging pagpupugay kay Emman, na nagpakita ng kanyang tapang, katotohanan, at kabutihan noong nabubuhay pa.

Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

Ang emosyonal na pagbabahagi ni Kuya Kim ng buhay ng pumanaw na anak ay sinalubong ng KJMS ng pagmamahal at malasakit, at tuloy nakalikha ng isang ligtas na lugar para sa nagdadalamhating ama.

Ang paraan ni Jessica Soho ng pakikipag-uusap ay mahinahon at marespeto. Napahintulutan nito si Kim na magbahagi nang hindi nakakaramdam ng dagdag na pressure. Kumbaga, walang sensationalism.

Ang desisyon ng palabas na iwasan ang pagbubugbog sa segment ng teasers ng dramatikong promosyon ay patunay sa pangako ng responsableng pagkukuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kim atienza jessica soho kmjs
Kim Atienza and Jessica Soho
Photo/s: Noel Ferrer

Isa sa pinakamalalim na sandali sa panayam ng KMJS ay nang ibahagi ni Kim ang liham mula sa kaibigan ni Emman, si Sam Watson, na nagkuwento ng epekto ni Emman sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang anekdotang ito ay nagdagdag ng lalim sa pag-uusap, at nagpakita ng katatagan ni Emman at ng pagmamahal niya sa pamilya at mga kaibigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saludo!

Read: Dondon Nakar, '70s matinee idol and Apat Na Sikat star, dies at 66

MEMORIAL SERVICE FOR EMMAN ATIENZA

Nitong Nobyembre 2, 2025, Linggo, ginanap ang Christian memorial service para kay Emman.

Pinangunahan ito ni Pastor Paolo Punzalan, kasama ang eulogy ng pamilya Atienza—ang ama ni Emman na si Kim, inang si Feli, at mga kapatid na Eliana at Jose.

atienza family memorial service for emman
The Atienza family gathers with Pastor Paolo Punzalan during the Christian service in memory of Emman Atienza.
Photo/s: Noel Ferrer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghandog ng awit ang mga kasamahan ni Kuya Kim sa gym at sa pagtakbo, na sina Kim Molina at Jerald Napoles, pati na ang isang miyembro ng Ben & Ben.

Ngayong Lunes, Nobyembre 3, ay GMA Night na may Misa sa pangunguna ni Father Ronnie, kasama ang mga kaibigan at mentor ni Emman mula sa GMA Sparkle.

Ang naatasang kumanta ay sina Tata Gatchalian ("Supermarket Flower") at Riel Lomadilla ("The Prayer").

Kung matutuloy ang programa ng final rites sa Martes, Nobyembre 4, si Pastor Paolo ang mangunguna sa Christian service.

Ang mga taong pinakamalapit kay Emman ang magbibigay ng eulogy; at ang magbibigay ng musical interludes na magtatapos sa isang community song ng “Seasons Of Love,” ay—ang Philippine Philharmonic Orchestra quartet, Madrigal Singers, at ang performers ng teatro ng Team Noel [Ferrer] .

Sumasaiyo ang kapayapaan, Emman. Mahal ka namin!

emman atienza memorial service
A heartfelt and beautiful setup for Emman Atienza’s memorial service.
Photo/s: Noel Ferrer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nakakaiyak nang sabihin ni Jessica Soho kay Kuya Kim: “Hug na lang kita ulit. Basta nandito lang kami."

Tinanong ni Jessica si Kuya Kim ng isang huling mensahe nito para kay Emman.

Sabi ni Kuya Kim: “Emman, mahal na mahal ka ni Papa... Emman, Papa loves you so much, Mama loves you so much.

"And, again, you surprised us with this last thing that you did.

“Just know that we’ll see you soon — not too soon—but we’ll see you when our time comes. And we can’t wait for that day because we’ll be with you again.

“Thank you for the 19 years you’ve given Papa and Mama, Jose, and Eliana.

"We may have not shown you as much love when you were alive, but you know, we love you so much!”

GORGY RULA

Sa simula pa lang ng interview ni Jessica Soho kay Kim Atienza, bumilib na ako sa sinseridad ng veteran at award-winning broadcast journalist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita mo na agad ang bigat na nararamdaman ni Jessica nang kinausap niya ang isang amang namatayan ng anak.

Sabi ni Jessica: “Kim, ayoko na sana ng interview na ito. No words, no questions din sana.

“Pero puwede ba makinig na lang ako sa mga kuwento mo tungkol kay Emmansky?”

Doon na nagsimulang magkuwento si Kuya Kim.

Pinupuri ko rin si Kuya Kim sa matibay na pananalig niya sa Panginoon.

Inamin nitong kinuwestiyon niya kung bakit nangyari ito sa kanya. Bakit nangyari ang kinatatakutan niya, gayong araw-araw niya raw itong idinarasal sa Panginoon?

Pero hindi raw nagbago ang pananalig niya sa Panginoon.

Bahagi ng pahayag ni Kuya Kim: “Madali ang physical pain. Titiisin ko yun, e.

"Pero ang mawalan ka ng anak, masakit.

“Pero ang faith ko sa Kanya, hindi magbabago. I still thank Him for everything.

"I know that is for a good reason, and I know that the Lord did this because I know the plan is good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I still have faith in the Lord, but I asked, and I know that He’ll answer in time.

"I continue to praise the Lord. The Lord has blessed me with so much, Jessica. I’ve been so blessed, and I’m in darkness now. And I continue to bless Him and praise Him.

“God is good all the time.”

emman atienza memorial service
Photo/s: Noel Ferrer At the wake, a picture of a very young emman takes centerstage.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STAGES OF GRIEF

Alam naming dadalhin pa rin ng pamilya Atienza itong sakit na nararamdaman nila. Pinagdaanan din ni Kim ang stages ng grief at maayos niya itong naha-handle.

Sabi ni Kuya Kim: “Nagsimula yung stage ko ng questioning. Ang dasal ko, ‘Lord, ano ito?!’

“And then, nagkaroon ako ng konting resentment—anger. Sa sarili ko, sa sitwasyon. Nagreklamo ako kay Lord.

“Ngayon, nasa acceptance na ako.”

Pero hindi maalis kay Kuya Kim na muling mapaiyak kapag bumabalik ang mga magagandang alaala niya sa namayapang anak.

“Tanggap ko ang nangyari. Alam kong wala na siya.

"Pero ano… pag naalala ko ang mga past memories namin, pag naglalakad ako sa mga lugar na alam kong…

"Eto, pumunta ako sa isang hotel. Paglakad ko sa lobby, naalala ko dun ang GMA Ball. Nandun ang red carpet. Doon ko inilakad si Emman for the first time.

"Pag may naalala ka, iiyak mo e. Ganun! Okay ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pag may dumarating, may naalala ka. Yung interview natin, natatawa tayo kanina, e. Pero pag may dumadating na alaala, masakit.

“But I allow myself to cry. Kasi, it’s healthy e,” madamdaming pahayag ni Kim Atienza.

Kim Atienza calls for
Emman Atienza and Kim Atienza at the GMA Ball 2023.
Photo/s: Kim Atienza on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Kim Atienza appears in a deeply personal, one-on-one interview with Jessica Soho on the program Kapuso Mo, Jessica Soho. The interview came in the wake of the tragic passing of his daughter, Emman Atienza, and viewers and netizens responded by praising how Jessica handled this sensitive, emotional subject matter. Right photo: The Atienza family with Pastor Paolo Punzalan during the Christian memorial service for Emman.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results