JERRY OLEA
Hanggang pabukol lang si Dolf Lopez sa Technical Dress Rehearsal (TDR) ng sex comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee (ABNMRL).
Tampok siya sa dula bilang gender fluid na si Zack, na naka-threesome ang club dancer na si Lorelei (Joni McNab) at ang straight macho dancer na si Diego (Juan Paulo Calma).

“During college days po, professor ko si Ama Quiambao+ po,” lahad ni Dolf bago ang TDR ng ABNMRL noong Setyembre 29, 2025, sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
“She was my professor in St. Paul Quezon City. Second batch ako na naging coed ang St. Paul QC noong 2007 po.
“Doon ako nag-start mag-theater play, sa theater ni St. Paul. Then 2009, nag-enrol po ako sa PETA.
“Ipinakilala po ako ni Prof. Ama Quiambao. Nakasama ko po sa PETA si Kuya Phil Noble, si Tito Bembol Roco, si Wowie de Guzman.
“Tapos napunta ako sa ABS, GMA, Magpakailanman, MMK, Ipaglaban Mo.
"May mga serye po akong nilabasan, like Be Careful With My Heart, kay Direk Jefffrey Jeturian po. Ninong ko po siya sa kasal, si Direk Jeff…
"Recently, iyong sa TV5, Totoy Bato.
"Ahm, I was with Viva, and now I’m with CinePOP.”
DOLF LOPEZ: VMX STINT
Nakalimang bit roles siya sa VMX (dating Vivamax). Nakabembangan niya roon sina Yen Durano, Eunice Santos, Tiffany Grey, at Robb Guinto.
Most memorable sa kanya ang pelikulang Maliko, na nag-streaming noong Hulyo 5, 2024.
Tampok dito sina Sahara Bernales, Eunice Santos, Chadd Solano, Ardy Raymundo, Aica Veloso, Ada Hermosa, at Rome Guinto, sa direksiyon ni JR Frias.
Credited siya roon bilang RR Lopez, na gumanap as Doctor Tirador. Meron siyang butt exposure.
Pagbabalik-tanaw ni Dolf: “Kasama po ako sa orgy scene. Parang walo kaming lalaki, walong babae or more pa yata. More pa yata.
“Pero iyong nakaeksena is walo-walo, parang ganun po. Sobrang dugo po nung choreography.”
Credited bilang orgy partygoers sa Maliko sina Mikhael Padua, Mansour Latiph, Ayra Salvador, Ysabelle Watanabee, Nica Sato, Yumi Lopez, Alex Gonzalez, Khenz Veloso, Horace Mendoza, Dicon Loresca, Dhale Rodriguez, at Chris Elloso.
Na-enjoy ba niya ang ganoong eksena?
Tumango si Dolf.
“Yes po. Kasi, passion ko talaga mag-acting, mag-arte. Yes po. I do. In film, or in TV, in theater. Sobrang passion ko po talaga.”
Enjoy siyang makipag-orgy scene?
“Again, basta ikakaganda ng palabas, ng eksena, willing po akong gawin lahat. Yes po.”
Read: Meet Rob Jetten, youngest and openly-gay Dutch prime minister

GORGY RULA
DOLF LOPEZ'S TIME WITH CINEPOP
Sa CinePOP, isang mobile entertainment platform for Pinoy mature content, humigit-kumulang 30 video clips na raw ang na-shoot ni Dolf.
Ang co-stars niya sa dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee na sina Joni McNab, Mika Mendez, Alfe Alabastro, at Mark Monares ay may mga projects din sa CinePOP.
Mas mapangahas ba ang CinePOP kesa sa VMX?
Natigilan sandali si Dolf bago nagsabi ng: “Ah, I’d say yes po. Why? Kasi in terms of ahm, iyong love scene po, sa CinePOP, merong nipple licking, e.
"Meron ding ilang babaeng nagpapa-nipple licking sa VMX.
“Dito po sa CinePOP, parang ang pinaka-restriction lang is the penetration.
“Aside from the penetration, lahat po talaga, close-up. Matagalan. Ganun po.”
Zina-“zack” niya ang CinePOP girls, at nagpapasasa rin ang girls sa kanyang nipple. Bakit kailangan nilang gawin iyon?
“To add spice sa film and sa scene po. So it happens talaga.”
DOLF LOPEZ'S WIFE ON HIS DARING SCENES
Noong 2019 ikinasal si Dolf. Dalawa na ang mga anak nila ng kanyang wife—isang four-year old daughter at isang two year-old son.
Ano ang sabi ng wife niya sa mga mapangahas niyang pagganap sa VMX at CinePOP?
“Well, siyempre po noong una, hindi po niya gusto. Nag-away kami,” pagtatapat ni Dolf.
“Pinag-awayan namin and everything. Sobrang tagal po and sobrang hirap i-explain sa kanya the reason behind it.
“Na I just want to do it, aside from being my passion, it’s what brings the food to our table.”
Ayaw raw panoorin ng wife niya iyong mga proyekto niya sa VMX at CinePOP.
Puwede ba siyang tawaging fuccboi sa dami ng nakabembangan niya sa VMX at CinePOP?
“Ah, hindi siguro po. Wala po sigurong mang-aasar sa akin ng ganoon,” malumanay na tugon ni Dolf.
“Kasi, if ever naman po, inaamin ko naman, maraming nagdaan sa atin. Inaamin ko naman po iyon.
“Pero I’d say na each and everyone has their own time po.”
Iyong mga nagdaan sa buhay niya, babae lahat? Meron bang bading?
“Wala po, e. Babae po lahat.”
Bakit naman? E, gender fluid pa naman si Zack na character niya sa ABNMRL.
“Hindi pa po ako nabigyan ng pagkakataon yata. Hindi ko po alam, e,” natatawang tugon ni Dolf.
Read: Arnold Gamboa remembers Dondon Nakar; now prefers "quiet life"
NOEL FERRER
Kabilang pa sa cast ng dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee sina Paul Jake Paule, Dante Balboa, Abet Raz, Alpie Ragmac, Kate Arguelles, Bernard Laxa, Skelly Skelly, Tonny Abad, Ricjun Aguilera, at Gerald Barbacena, sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos.
Itatanghal ang ABNMRL sa Nobyembre 15 at 22, 2025, Sabado, sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
Ang mga staging schedules ay 2:00 P.M., 5:00 P.M., at 8:00 P.M.
Ang halaga ng tiket ay PHP2,000 (VVIP), PHP1,500 (VIP), at PHP1,000 (Regular).
“The reason why I would suggest for everyone to watch this story, Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, is number one, siguro sa mga viewer na manonood, I’d say na marami silang makikita na hindi nila alam na makikita at mapapanood pala nila in real-life stage play,” pagmamatwid ni Dolf.
“Na siguro, akala nila, sa TV lang nila mapapanood or cellphone or tablet. Hindi po.
“Sobrang dami pong explorations ng bawat karakter dito sa stage play na ito.
“I’d say everyone is tumawid sa lahat ng kakayahan nila para matapos or magawa nang maayos itong stage play namin.”
