PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Santos, na-shock sa rebelasyon ni Jona Viray

Gerald Santos, naka-relate sa sinapit ni Jona Viray.
by PEP Troika
Published Nov 5, 2025
gerald santos jona abuse
Gerald Santos on Jona's revelation that she was molested as a child: “But I admire her courage. I admire her strength. Napaka-strong niya, kasi, all these years, may itinatago pala siyang napakabigat na baggage."
PHOTO/S: Jerry Olea / @jona on Instagram

Trigger Warning: sexual harassment

GORGY RULA

Ten years old si Jona nang molestiyahin siya umano ng kanyang ama.

Isiniwalat ito ni Jona sa episode ng Toni Talks, ang online talk show ni Toni Gonzaga, na in-upload sa YouTube noong October 27, 2025.

Read: Singer Jona Viray opens up about childhood abuse by her father

Isa si Jona sa mga panauhin ng Dreams concert ni Gerald Santos na gaganapin sa Disyembre 3, Miyerkules ng 8:00 P.M. sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.

Kinse anyos naman nang halayin umano si Gerald ng musical director na si Danny Tan.

Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15

Sina Jona at Gerald ay parehong produkto at winners ng defunct singing competition ng GMA-7 na Pinoy Pop Superstar.

Si Jona ang nanalo sa Season 1 noong 2005, at si Gerald naman ang itinanghal na champion sa Season 2 noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
gerald santos concert

GERALD SHOCKED BY JONA'S REVELATION

Sa mediacon ni Gerald noong Nobyembre 4, Martes ng hapon, sa Sounds Kradle, Doña Hemady St., New Manila, Quezon City, inusisa ko siya kung nagkausap ba sila ni Jona.

If ever, ano ang puwede niyang maipayo sa tinaguriang Fearless Diva?

“Hindi pa kami nagkakausap since nung sinabi niya yun. Actually, I was really shocked doon sa revelation na yun,” pagtatapat ni Gerald.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But I admire her courage. I admire her strength. Napaka-strong niya, kasi, all these years, may itinatago pala siyang napakabigat na baggage.

“And sobra akong nakaka-relate sa kanya.

“Kaya pala, you know, it answered many questions sa akin na, you know, kaya sobrang… sorry, Jons, ha… very introverted kasi si Jona.

“So we really know her as really introvert. And ako rin naman, introvert din ako.

“But kami yung magkakaibigan sa industriya na we thrive na, you know, mag-isa lang, you know. Mas gusto namin mapag-isa, ganun.

“Maybe because doon nga sa mga trauma na napagdaanan sa buhay. And now, mas naintindihan ko si Jona.

“And masasabi ko lang sa kanya ay, yeah, na-survive niya yung years na yun, yung most difficult years.

“So, definitely she’ll come out stronger. She’ll come out stronger lalo pa’t ito, may paparating siyang concert actually ngayong November 8 sa MOA Arena.

“And my support is all the way para sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
jona concert

Maliban kay Jona, panauhin ni Gerald sa Dreams concert sina Marco Sison, Jed Madela, at Na Young Jeon.

Beneficiary ng concert ang Good Samaritan Foundation ng Mary Mediatrix Medical Center, at ang Courage Movement.

Read: Felicia Atienza says Emman's death gave her "the deepest pain"

gerald santos concert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Naging simbolo ng courage si Gerald Santos, lalo na sa mga kabataan. May mga plano pa ba ang Courage Movement upang makapag-reach out sa mas maraming youth, halimbawa’y sa campus tour?

“Sa ngayon, talagang may group pa lang kami. May group chat iyong aming group,” lahad ni Gerald.

“Support group pa lang siya. But, yeah, eventually we’ll go out to reach out to the students, sa mga kabataan.

“To raise awareness dito sa Courage Movement ko para, you know, mas maging safe yung ating place, yung ating environment.

“Para aware sila sa mga nangyayari sa paligid.”

GERALD SANTOS ON MENTAL HEALTH ISSUE

Marami sa mga kabataan ngayon ang may pinagdadaanan sa mental health.

Nineteen years old lang si Emman Atienza nang pumanaw dahil sa struggles nito.

Ano ang maipapayo ni Gerald sa mga kabataan na may pinagdaraanan?

“Ngayon nakikita natin, di ba, slowly yung effect nung, you know, abuse na nangyari nung kabataan,” pagmamatuwid ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And lahat, iisa ang pattern na ang tagal nila bago nakapagsalita. Kasi, hindi talaga madali na magsalita about it.

“Talagang as much as you can, parang gusto mo, i-ignore na nangyari iyon. You’re in denial na nangyari iyon. Ayaw mong i-recognize na nangyari iyon sa iyo.

“Kaya ang nangyayari, nagma-manifest iyon habang nagtatagal. Nagma-manifest iyon doon sa tao.

“Yung trauma, lumalabas. And ayun nga, unfortunately nangyari kay Emman ay nakakalungkot.

“My condolences to the whole family of Kuya Kim Atienza. At ang mai-a-advise ko lang, kapag may pinagdadaanan, mga kabataan especially — I hope meron silang someone na iyong mapagsasabihan talaga nila na komportable sila.

“Kasi minsan, yung parents nung bata, mas nahihiya pa silang magsabi doon, e. Weird, di ba, pero sometimes…

“But kung hindi man sila ganoon ka-open sa parents nila, sana meron silang friend na mapagsasabihan nila na magsasabi sa parents nila.

“At yung parents nila ang gagawa ng action for them. Kasi talagang as a kid, you know, me before as a teenager, parang anong magagawa mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano bang alam mo, you know, sa mga legalities at that time, di ba? Wala ka namang alam, e.

“So, dapat malaman iyan ng mga nakakatanda sa iyo. Kaya iyon, as much as possible, sana iyong mga kabataan, may support group talaga sila na mga true friends na mapagsasabihan nila.

“I’ve heard so many stories about this. Meron na naman ako, just recently, na kakilala na ganyang-ganyan din.

“Like kay Jona, na abused pala ng father niya din. Grabe! Nakakakilabot yung mga ano.

“And it took her a long time, and she took her own life as well. Grabe.

“So ang dami pong stories sa akin because of the community… ang bigat po talaga.

“So, kailangan nating suportahan iyong mga kabataan, especially now. Kasi, mas vulnerable sila ngayon, masasabi ko.

“Kaya mas kailangan nila iyong counseling. Mas kailangan nila, may outlet sila.

“Kasi ngayon, kapag naa-isolate yung mga kabataan, they will just like wanna give up. ‘Tapusin ko na lang yung buhay ko.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

NOEL FERRER

Happy si Gerald Santos sa takbo ng kanyang singing career.

This year, pangatlong solo concert niya itong Dreams.

Enero 24, 2025 ang Courage concert niya sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Hulyo 11 naman yung Gerald Santos Gives Back sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

GERALD SANTOS ON SETTLING DOWN

Napag-uusapan na rin nila ng girlfriend niyang si Grace Torrecampo ang pagse-settle down.

Ani Gerald: “Nagkataon na ang daming projects. So I wanna strike while the iron is hot. Iyon muna yung principle ko as of now.

“Right now, actually, ginagawa yung family house namin. So, marami pang kailangang ma-settle before dumating doon sa point na yun. But, maybe soon.”

Inaayos muna niya yung sa kanyang pamilya?

Pag-ayon ng 34-anyos na mang-aawit: “Yeah, I have to. Kasi, yung dreams ko sa family ko, malapit nang matupad — matatapos na yung bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I want them to be as comfortable as they are, you know, as much as possible…

“Napagawa ko na yung bahay nila, patapos na. So, ano pa ba?

“Ayun, i-settle down muna lahat, and then, yeah, maybe pag-uusapan na yung bagay na yun.”

Read: Gerald Santos, nahanap na ang kanyang "love of my life"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Santos on Jona's revelation that she was molested as a child: “But I admire her courage. I admire her strength. Napaka-strong niya, kasi, all these years, may itinatago pala siyang napakabigat na baggage."
PHOTO/S: Jerry Olea / @jona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results