JERRY OLEA
Mahigit PHP32M ang kinita ng family drama na Meet, Greet & Bye sa unang tatlong araw nito sa local cinemas, ayon sa source ng PEP Troika.
Nag-open ito sa 460 sinehan noong Nobyembre 12, 2025, Miyerkules, at humamig ng PHP10.5M.
Ayon sa showbiz insider na kachika ng PEP Troika, naka-PHP8.4M noong Huwebes ang movie nina Joshua Garcia, Piolo Pascual, Juan Karlos, Belle Mariano, at Maricel Soriano.
On its third day, November 14, Friday ay naka-PHP13.3M naman daw ito.
Bale PHP32.2M daw ang kinita nito sa first three days sa Pilipinas.
Pero sa pralala ng Star Cinema ngayong Nobyembre 15, Sabado, naka-PHP33M na raw ito.

“At least, hindi masyadong nag-padding,” komento ng showbiz insider.
At any rate, nagsimula ang screening ng Meet, Greet & Bye sa US, Canada, at Guam kahapon, Nobyembre 14, kasunod ng pagpapalabas nito sa Australia, New Zealand, at Middle East simula Nobyembre 13.
Mapapanood na rin ang pelikula sa UK, Ireland, Austria, France, Italy, Greece, at Spain.

Ayon pa sa pralala ng Star Cinema, “Ang Meet, Greet & Bye ay kwento ng apat na Facundo siblings na gagawin ang lahat para makamit ng kanilang nanay na may kanser ang kanyang hiling, na makilala ang paboritong Korean superstar na si Park Seo-Joon.”
Sa English, “Meet, Greet & Bye paints a heartwarming picture of the four Facundo siblings who want to do everything they can to grant their dying mother’s wish to meet her favorite Korean superstar, Park Seo-Joon.”
TEKA!!! SPOILER ALERT!!! Di ba, tatlo lang yung magkakapatid na anak ni Maricel sa istorya — sina Piolo, Joshua, at Juan Karlos?! At mag-ama sina Piolo at Belle?!
GORGY RULA
Ang buong akala ko rin ay bunsong kapatid nila si Gerri na ginagampanan ni Belle Mariano.
Pero na-reveal bago mag-ending na mag-ama pala sila ni Tupe na ginampanan naman ni Piolo Pascual.
Pero halos iisa ang obserbasyon ng mga nakapanood — pelikula ito ni Joshua Garcia.
READ: Joshua Garcia wants to bring family abroad after busy schedule
May fan base sina Piolo, Joshua, Belle at JK Labajo. At kahit si Maricel Soriano ay meron din. Kaya okey na yung box-office returns ng naturang pelikula.
Tama naman daw ang halos PHP33M na kinita nito. Pero bakit mahigit 300 cinemas na lang ito ngayong Sabado sa bansa? Saang pelikula napunta ang ibang sinehan?
Meron pa bang malakas na nakasabay nito?
Inaasahang ma-maintain pa ito dahil masigasig pa rin ang fans mag-sponsor ng block screenings.
Ngayong araw ay may dalawang sinehan na sa Gateway Cineplex ang pina-block screening ng mga fan ni Marya.
Magpapahuli ba ang mga supporters nina Papa P, Joshua, JK, at Belle?
READ: Belle Mariano embraces growth beyond DonBelle loveteam
NOEL FERRER
Iba na talaga ang kalakaran ng panonood ng sine ngayon.
Malaking push ang pagsasagawa ng block screenings para naka-program na ang panonood ng magkakabarkada, pamilya, mga kasama sa opisina.
Pero mahirap din pala kung maraming sinehan, dahil iba rin ang optics niyon sa takilya.
In fairness sa pelikula, may tao naman ito, pero with the star value and pull, puwede pang humataw ang fans ng mga artista rito.
Sana, mag-pick-up pa ang pelikula nang major-major this weekend.
Kung puwede lang na dito na lang pumunta ang mga magra-rally na taga-INC, JIL, at yung grupo ni Apollo Quiboloy.
Kung sana lang talaga!
