JERRY OLEA
Naka-PHP86.2M more or less ang pelikulang Meet, Greet & Bye sa first five days of showing nito sa local cinemas, ayon sa source ng PEP Troika.
Walang padding ang pralala ng Star Cinema na naka-PHP10.5M sa opening day noong Nobyembre 12, 2025, Miyerkules, ang pelikula nina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos, at Maricel Soriano.
Ayon pa sa aming reliable source, naka-PHP8.4M ito on its second day noong Huwebes, naka-P13.3M noong Biyernes, naka-PHP24M noong Sabado, at naka-PHP29M noong Linggo.
Read: Oyo Sotto opens up about past drug use: "Naubos na yung pera ko..."
Kahit umabot sa 650,000 katao ang estimated na dumalo sa rally ng Iglesia ni Cristo noong Linggo sa Quirino Grandstand, at meron pang 4,000 DDS na nag-rally that day sa EDSA, umariba pa rin nang lubos ang Meet, Greet & Bye sa takilya.
Ang pralala ng Kapamilya Network na natanggap today ng PEP Troika, umabot sa PHP85M ang kinita ng Meet, Greet & Bye sa unang limang araw nito sa mga sinehan sa bansa.
Napapanood ang pelikula sa mahigit 530 sinehan worldwide kung saan mahigit 300 dito ay nasa Pilipinas.
Ramdam ang excitement at papuri sa pelikula ng moviegoers mula sa iba’t ibang bansa, partikular sa Australia, USA, at Canada.
Sa Nobyembre 19, Miyerkules, ay palabas na sa mga sinehan ang Wicked: For Good nina Cynthia Erivo at Ariana Grande.
Tingnan natin kung patuloy na raratsada ang Meet, Greet & Bye.
COMING ATTRACTIONS
Kasabay ng Wicked: For Good ang showing ng Finding Santos starring Theo Jang, Maeg Medina, Sungin Park, and Hans Galendez.
Nasa November 26 playdate ang comeback movie ni Richard Gomez na Salvageland, kung saan co-star niya si Elijah Canlas.
Playdate din iyon ng isa pang pelikula ni Elijah, ang KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie.
December 3 ang showing ng gay comedy na Jackstone 5 starring Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Joel Lamangan na siya ring direktor ng movie.
Kasabay ng Jackstone 5 ang showing ng Ang Happy Homes ni Diane Hilario starring Angeline Quinto and Eugene Domingo.
Nasa December 10 playdate ang musical film ni Gladys Reyes na The Heart of Music.
At sa December 17 ay magpapayanig ang Avatar: Fire and Ash.
Read: Bea Alonzo shows all-out affection for boyfriend Vincent Co
NOEL FERRER
Para sa kapakanan ng ating industriya ng pelikulang Pilipino, sana'y mas marami pang makapanood nitong Meet, Greet & Bye dahil hindi naman malayo itong kinahiligan nating temang pampamilya.
Gusto ko ring makabasa ng mapanuring review ng pelikula sa mga susunod na araw at kung tunay ngang umabot ito sa pamantayan ng Tanging Yaman bilang isang klasikong family movie na box-office hit na, ay naging critical hit din sa mga pinagpipitaganang film award-giving bodies, at naging standard na batayan na ng mga Filipino family drama movies of all time.
Go, go, go lang, Meet, Greet & Bye!.
Read: Rosa Rosal passes away at 97
GORGY RULA
Sa totoo lang, maraming film producers ang natuwa sa magandang kinalabasan sa takilya ng Meet, Greet & Bye.
Pero napapag-usapan namin ng ilang reliable source ng PEP Troika, kahit ganoon kalakas ang isang pelikula, mahirap pa rin daw bawiin kapag malaki ang ipinuhunan ng producer.
Kagaya ng pelikulang Quezon ni Jericho Rosales, ang sabi ng ilang napagtanungan namin, mahigit 100M daw ang inilabas na budget para sa pelikulang yun. Nakikita naman na maganda ang naturang pelikula.
Pero kung naka-PHP91M+ ang kinita nito, mahirap pang makabawi. Kaya dito na nila ibinebenta sa streaming service kagaya ng Netflix.
Ewan ko kung totoong binili na raw ito ng Netflix ang Quezon ng PHP50M.
Eto namang Meet, Greet & Bye, ang tantiya raw nila ay halos PHP80M ang nagastos nila rito. Nakikita namang ginastusan ito ng Star Cinema.
Saka kapag si Direk Cathy Garcia-Sampana raw ang direktor ng isang pelikula, talagang gagastusan mo.
Malalaki pa ang mga artistang involved, kaya posibleng umabot ng PHP80M ang budget kasama pa ang promotions.
Kaya kung maka-PHP250 o PHP300M ito sa total run ng pelikula, bawing-bawi na riyan ang Star Cinema.
Idadagdag pa ang international screening, at ang pagbenta nito sa streaming service.
Tiyak na maganda ang presyo niyan kung ibebenta nila sa Netflix.
