Trigger warning: Mention of drugs
Inamin ni Oyo Sotto na nalulong siya sa masasamang bisyo noong kanyang kabataan.
Sa online show sa YouTube ng kanyang pamilya, ang House of D, nitong November 7, 2025, ibinahagi ni Oyo ang matinding pinagdaanan niya bago natagpuan ang pagbabago sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
Ang House of D ay binubuo ni Oyo, ang kanyang ina na si Dina Bonnevie, kapatid na si Danica Sotto at asawa nitong si Marc Pingris, at ang misis niyang si Kristine Hermosa.

Bawat episode ng kanilang online show ay may mga paksa silang pinag-uusapan at pinagdidiskusyunan.
Read: Kristine Hermosa describes Dina Bonnevie as mother-in-law
Sa latest episode ng kanilang vlog, ang naging paksa ay tungkol sa honesty at integrity.
Kaugnay nito ang usapin ng talamak na korapsyon sa bansa bunsod ng mga pulitikong ganid sa kapangyarihan.
Read: Zaldy Co tags Marcos, Romualdez as mastermind of bicam insertions
Isa-isang nagpahayag ng sentimyento sina Dina, Danica, Kristine, at Marc kung paano nila nakikitang huminto at mawala nang tuluyan ang isyu ng korapsyon.
Oyo REVEALS he was once “corrupted”
Nang si Oyo na ang magbigay ng pahayag, naging personal ito para sa kanya lalo na nang i-relate niya ang corruption sa pinagdaanan niya noon.
Dito inamin ni Oyo na minsan na siyang nalulong sa masasamang bisyo, tulad ng pambababae, pag-inom ng alak, paninigarilyo, at pagdudroga.
Dahil sa mga ito, nalugmok daw nang husto ang aktor, dahilan para magsisi siya at magbalik-loob sa Diyos.
Saad niya: "Sa experience ko na corrupt din ako dati. I was corrupted kasi sinungaling ako, nambababae, nagda-drugs, umiinom, nagsisigarilyo, kung anu-ano.
"Pero when I met Jesus, noong nagkaroon ako ng relasyon sa Kanya, doon naayos yung buhay ko. Paano? Repentance.
"So when you repent, alam mo nang mali yung ginawa mo, e. Corrupted ka, e, di ba? Mag-repent ka."
Ito raw ngayon ang nakikitang paraan ni Oyo para matigil na ang paggawa ng masama ng mga ganid na politiko.
Read: Zaldy Co, pasabog ang "regalo" sa birthday ni Martin Romualdez
Kung lubusan daw nilang pagsisisihan at iwawasto ang kanilang mga kasalanan ay tiyak na matutuldukan na ang nakawan sa gobyerno.
Aniya: "True repentance brings change para sa akin. Kasi if you're just gonna say, 'Sorry, sorry!' uulitin mo lang yan, e.
"Sige, balik mo nga yung pera. Babalik mo yung pera pero kapag medyo lumamig-lamig na, okay na, okay na yung taong-bayan, kuha ka ulit.
"Kasi ang ginagamot mo lang, yung bunga. Huwag. Gamutin mo yung ugat."
Hinggil sa pinagdaanan noon ni Oyo, sundot na tanong sa kanya ng inang si Dina: "Paano ka nagkaroon ng awakening na kailangan mo nang baguhin? Siguro nakaramdam ka ng isang matinding parusa or isang matinding experience para magising ka?"
Sagot dito ni Oyo: "Iso-short cut ko na lang yung testimony ko. Ayun yung time na I was doing drugs.
"Naubos na yung pera ko, naubos na yung savings ko.
"Humiram na ako kay Ate [Danica] noon ng kotse, kina Marc, mag-asawa na sila nun.
"Pinahiram [nila ako ng kotse] because I sold all my cars. Binenta ko lahat ng sasakyan ko.
"Si Daddy [Vic Sotto], that time, he had two cars. Ako, I had five cars.
"Magpapakalayo ako [nooon], isolated kasi nga may ginagawang mali.
"Si Mark and Ate...pinapahiram ako ng kotse. Kasi ayun yung time binenta ko na lahat.
"Tiningnan ko yung ATM ko, two thousand [pesos]. Alam mo yun, sa kakainom, kakabili ng droga, mga ganun. Naubos yon."
Read: Dina Bonnevie on how Oyo-Vic convo led to son joining her show
Buti na lang daw ay wala pang asawa at ibang responsibilidad noon si Oyo nang malulong siya sa masamang bisyo.

Ang pagiging walang-wala raw ang nagpagising kay Oyo sa realidad na kailangan niyang magbago at magbalik-loob sa Diyos para magkaroon ng direksiyon ang kanyang buhay.
Lahad niya: "Binenta ko lahat ng sasakyan. Doon ako natuto.
"Parang kailangan kong madapa nang sobra-sobra, parang kailangang humampas yung mukha ko sa putik bago ko ma-realize na, 'Hindi ko pala kaya to.'
"Tapos wala akong trabaho, and that was only for two years ha."
"Wala akong trabaho nun. Tapos, sabi ko, 'Lord, ayoko na, surrender na ako.'
"Doon nagkaroon ng change. Noong sinabi ko na, 'Hindi ko pala kaya ito mag-isa.'
"As in, hindi talaga. Wala talaga."
Read: Kristine Hermosa's take on intimate relations for married couples
