JERRY OLEA
Nagpakilig nang todo ang BreKa sa Sunset Concert ng Puregold Hakot Relay noong Nobyembre 22, 2025, Sabado sa Burnham Green, Luneta, Manila.
Bago pa man lumubog ang araw ay sandamukal nang fans nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang nagtipon sa harapan ng entablado.
Marami ang may dalang mga litrato o portable neon signs. Naunang nag-perform ang boy band na Press Hit Play, na kinabibilangan nina Chrls, JP, Sev, at Yuuki.

Swabeng-swabe ang pagkaldag nila, huh! Nakaapat na kanta sila, kabilang ang "Lampara" na hit sa Tiktok.
Ang ikalawang nag-perform ay ang girl group na Kaia na binubuo nina Charlotte, Angela, Sophia, Alexa, at Charice. Nakalimang kanta sila.
Kahit laput-lapot at butil-butil ang pawis ay bigay na bigay sila sa pagkembot at pagkendeng.
Sumunod na nagpasiklab ay ang P-Pop’s Female Alphas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng G22.
Bumanat sila ng tatlong kanta, panghuli ang "Filipina Queen."
Mistulang front act ang Press Hit Play, Kaia, at G22 na dina-drumbeat ang payanig ng BreKa.
Ang lakas ng hiyawan ng audience nang umentra sa stage si Brent Manalo. Nakadalawang awit si Brent, na sinabayan ng fans.
Pag-exit ni Brent, turn naman ni Mika. Siyempre pa, dumagundong muli ang sigawan ng fans.
Dalawang masakit na kanta ang hatid ni Mika. Feeling nga raw niya ay madadapa siya.
Ang hirit ni Mika habang tsina-chant ng fans ang kanyang pangalan, “I love you, guys! Grabe, ang sakit ng kanta. Ang sakit nung dalawang kanta!
“Naniniwala ba kayo na pag nagmamahal kayo, dapat walang nagdidikta sa inyo?”
Todo tili na naman ang fans.
Dagdag-eme ni Mika: “Nasaktan ako sa kanta. What if… what if… gusto ko namang kiligin?
“Gusto nyo bang kiligin?! Pero paano ka kikiligin kung mag-isa ka lang? Di ba, dapat, pag kinikilig ka… dalawa kayo?
“May gusto ba kayong pabalikin? Puwede po ba iyon? Puwede po bang mag-invite ako?
“Puwede ba akong magpabalik ng tao dito? Puwede ko bang… ayun… puwede ko bang mahatak dito yung kabilang duo ko?”
Makapatid-litid ang chant ng fans: “MikBrent! MikBrent! MikBrent! MikBrent! MikBrent! MikBrent! MikBrent!”
“Sinong gusto nyong makabalik?” tanong pa ni Mika, at nagsimula nang tumugtog ang background music para sa duet nila ni Brent.
Umakyat na muli si Brent. Nakakalagnat ang mga pauga ng BreKa/MikBrent habang nagsasalo sa awit.
Pagkatapos ay um-exit na sila.
Sa mga performers ng Puregold Sunset Concert, bukod-tanging si Mika ang hindi bumaba ng entablado para lumapit sa fans.
Ang Press Hit Play, Kaia, G22, at si Brent, sa kani-kanyang huling awit ay bumaba sa stage at nilapitan ang fans, nakipagkamay, nakipag-selfie and what have you.
NOEL FERRER
Ang BreKa tandem ang big winner sa PBB Celebrity Collab. First movie nila ang 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Call Me Mother, kung saan bida sina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Nasa cast din ng Call Me Mother sina Klarisse de Guzman, River Joseph, Shuvee Etrata, at Esnyr.
Read: Mika Salamanca, Brent Manalo speak about working with Vice Ganda
Sa housemates ng PBB Celebrity Collab, bidang-bida sa MMFF 2025 ay sina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu sa Love You So Bad.
May isa pang filmfest entry si Dustin, ang horror trilogy na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Sina Will at Klarisse ay kasama naman pareho sa Bar Boys: After School, kung saan nasa cast din si Emilio Daez.
Ang MMFF 2025 Parade of Stars ay gaganapin sa Disyembre 19 sa Makati City.
Magkakasubukan doon ng lakas ang fandom ng mga artistang may entry.
Pero magkakaalaman talaga ay kung aling pelikula ang hahataw sa takilya umpisa Disyembre 25.
Bukod sa Call Me Mother, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, Love You So Bad, at Bar Boys: After School, ang apat pang official entries ng 51st MMFF ay Unmarry, Manila’s Finest, Rekonek, at I’mPerfect.
GORGY RULA
Sina Mika Salamanca at Brent Manalo ang big winners sa season 1 ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab. Pero paglabas nila ng Bahay ni Kuya ay pantay-pantay na sila ng iba pang housemates na nagkakapangalan na rin ngayon.
Umaalagwa ang DustBia loveteam nina Dustin Yu at Bianca de Vera, at ang lakas din ng WilCa nina Will Ashley at Bianca.
Kaya kaagad silang pinagkatiwalaan ng Star Cinema at GMA Pictures na magbida sa MMFF 2025 entry nilang Love You So Bad.
Read: Dustin Yu evasive about real score with Bianca De Vera
Ang BreKa ay support lang sa Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Kung mag-topgrosser man ito, hindi credited sa kanila. Ang Love You So Bad ay kina Will, Dustin, at Bianca talaga ito, at puwedeng lumaban sa takilya dahil may kilig na ang trailer at magaling pang mag-promote ang Star Cinema.
Kaya dapat na patunayan muna ng BreKa ang lakas nila kung mabibigyan sila ng sarili nilang pelikula.
Bukod pa riyan, nasa online pa rin ang tandem naman ni Brent kay Esnyr, na nag-hit na noong ginawa nila ang mga content nila bago mag-PBB.
Nai-partner din si Brent kay Vivoree. Kaya medyo may agam-agam pa ako sa BreKa na ito kung tatalbugan ba nila ang DustBia at WilCa loveteam.
