GORGY RULA
Si Jak Roberto ang isa sa maagang dumating sa nakaraang premiere night ng pelikulang KMJS' Gabi ng Lagim na ginanap sa Cinema 6 ng TriNoMa, Quezon City.
Nagmamadali siyang pumasok ng sinehan kaya hindi na namin nakatsikahan.
Bago nagdatingan ang ilan pang main cast, dumating naman si Barbie Forteza para suportahan din ang naturang pelikula.
Mabilisan namin siyang nakatsikahan bago pumasok ang ilang main cast ng pelikula kasama si Jessica Soho.
BARBIe FORTEZA AT JAK ROBERTO, NAGKITA KAYA?
Hindi na namin namataan kung nagkita sina ni Jak at Barbie sa loob ng sinehan.
Hindi rin namin napansin si Jak kung nakaalis na ba o malayo ang kinaupuan niya.
Pero hindi si Jak ang natanong namin kay Barbie kundi si Jameson Blake dahil umaming nanliligaw ang Kapamilya actor sa Kapuso actress.
Kinumusta namin kay Barbie kung tuloy pa rin ba ang panliligaw ni Jameson, pero hindi niya ito sinagot.
BARBIe FORTEZA is single
Bagkus, nilinaw niyang single siya ngayon.
“I am single and very happy. Always happy,” bulalas ni Barbie.
Kinulit ko siya tungkol kay Jameson, na tinanong ko kung friends na lang ba sila.
“Grabe naman! Naku, huwag na nating pag-usapan. Basta I am single and very happy,” safe pa rin niyang sagot.
Basta, nandoon lang daw siya para tumulong sa promo ng KMJS’ Gabi Ng Lagim, na showing pa rin ngayon sa mga sinehan.
Read: OFW Rhodora Alcaraz, hurt in Hong Kong fire, declared "stable"
NOEL FERRER
BARBIe FORTEZA back to running
Sabi pa ni Barbie Forteza, bumabalik na raw siya sa pagtakbo at nadagdagan pa ang exercise routine niya.
Pero mag-isa lang siya dahil single nga siya.
Ani Barbie, “Actually, bumalik na po ako. I am slowly going back to my running era.
“Medyo mabagal ako ulit, e. Medyo mahina ako tumakbo ngayon.
“Medyo nakaka-recover naman nang kaunti. Sinisipagan ko ulit tumakbo, tapos, ah, ngayon, nag-try ako mag-swimming.
"So, nagsi-swim training na rin ako. And then, I’m going to Pilates also.”
Matatandaang naging running buddies sila ni Jameson at namataan sila sa ilang fun run activities simula noong Mayo 2025.

Samantala, next year ay magiging abala raw si Barbie sa pelikulang gagawin niya, at wala siyang naka-line up na drama series.
“May pelikula tapos merong out of the country,” napangiti niyang sambit.
Read: Atom Araullo finally confirms he’s in a long-term relationship
JERRY OLEA
Hopia tayo na magkaroon pa ng kasunod na projects sina Barbie Forteza at David Licauco, sa TV man o pelikula.
Keri kaya na love triangle na ang third wheel ay si Jameson Blake o Jak Roberto?
