Tapos na ang pila para sa GMA Integrated News anchor na si Atom Araullo.
Ito'y matapos niyang amining matagal na siyang may karelasyon.
Sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes, November 28, 2025, diretsahang sinagot ni Atom ang tanong ng host na si Boy kung siya ba ay taken o single.
Kumpiyansang sagot ni Atom, "Taken."
Dagdag pa ni Boy, "Yes or no, na-in love sa katrabaho."
Natatawang sagot ng kilalang news anchor, "Yes!"

"Yes or no, handa nang mag-asawa," hirit pa ni Boy.
Bagay na hindi pinalampas na sagutin ni Atom ng "Yes."
Read: Who is Zen Hernandez?
Atom ARAULLO admits he’s been in a long-term relationship
Sa pagpapatuloy ng panayam, tinanong ni Boy kung bakit sinabi ni Atom noon sa isang panayam na siya ang klase ng lalaking torpe.
Paliwanag dito ni Atom: "Bakit? Hindi ko alam. Mahiyain lang talaga ako in general.
"I think I tend to kind of overthink things.
"[Ngayon naman] less so. Parang wala naman kasi akong choice kasi I do these things [interviews].
"Kailangan maka-develop ka ng some level of comfort."
Read: Atom Araullo admits being “torpe” in the past
Bukod sa pagiging mahiyain, naging komportable lang din daw noon si Atom sa mga kaibigan niya kaya hindi na siya naghanap pa ng nonobyahin.
Aniya: "Hindi ko alam why. Siguro I was just having so much fun doing different things and I had a lot of friends—both girls and boys.
"So the idea of having a girlfriend never really, you know, it wasn't something that I was looking for."
Sundot na tanong ni Boy, "Do you have a girlfriend now?"
Mabilis na sagot ni Atom, "Yes, yeah!"
Tila hindi pa makapaniwala si Boy sa naging pag-amin ni Atom kaya inusisa niya kung gaano na sila katagal.
Saad niya: "Matagal na. How many years? See—I don’t even count years. It’s been a while."
Bagamat hindi binanggit ni Atom ang pagkakakilanlan ng kanyang girlfriend, sinabi niyang kilala ito ng publiko dahil sa madalas nilang paglabas-labas.
Pahayag niya, "I think people know. People on social media know. They see us often."
Atom reveals he’s now ready for marriage
Sa estado at saya raw ng relasyon ngayon ni Atom ay handa na siyang lumagay sa tahimik sa pamamagitan ng pagpapakasal.
Sabi niya: "That’s always in someone’s mind, [the settling down] when they’re in a serious relationship.
"So, definitely, it’s something that you think about. Something that you’re ready for.
"I’m not setting a deadline or timeline for it."
Atom ARAULLO–Zen Hernandez relationship rumors
Matagal nang napapaulat na karelasyon ni Atom ang kapwa niya news anchor na si Zen Hernandez.

Dating parehong nasa bakuran ng ABS-CBN News sina Atom at Zen, subalit lumipat si Atom sa GMA News noong 2017.
Bagamat tikom ang bibig nina Atom at Zen ukol sa estado ng kanilang relasyon, maraming pagkakataong nakunan sila ng mga larawan na magkasama, dahilan para paghinalaang may espesyal ngang namamagitan sa dalawa.
Noong August 2024 ay may kuha ang dalawa na magkasama sa Paris Olympics.
Read: Zen Hernandez, Atom Araullo spotted in Paris Olympics 2024
May kuha rin silang magkasama na nanood ng pagtatanghal ng Miss Saigon sa Parañaque City noong April 2024.
Read: Zen Hernandez, Atom Araullo spotted watching Miss Saigon
Noong October 2023 ay magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa Hong Kong, kasama ang ilang mga kaibigan.
Read: Rumored couple Zen Hernandez and Atom Araullo spotted in Hong Kong
October 26, 2024, nang ma-interview si Atom ng ABS-CBN News anchor na si KC Constantino sa YouTube channel nitong KC After Hours.
Sa isang punto ng interview, isiningit ni KC ang tanong tungkol sa espesyal na babae sa buhay ni Atom.
Hindi pinangalanan ni KC kung sino ito, pero malinaw sa kanilang mga pahayag ni Atom na kasamahan nila ito sa industriya.
Malinaw rin na si Zen ang babaeng tinutukoy nila.
“You guys are so easy,” papuri ni KC kina Atom at Zen.
Tanong ni KC kay Atom, "What drew you to her?"
May pag-aalinlangan si Atom, subalit sinagot niya ang tanong.
“Well, I like that she has her own dreams, she has her own life, she has her own career, and priorities…” sabi ng Kapuso anchor.
Binanggit din ni Atom na madali silang nagkakaunawaan ng babaeng sinisinta dahil iisa sila ng industriyang kinabibilangan.
Klaro rin sa mga pahayag ni Atom na isang romantic relationship ang namamagitan sa kanila ng babaeng ito.
Read: Atom Araullo confirms, gives details about "great relationship"
Magkasama rin sina Atom at Zen noong February 2025 sa naganap na reunion nilang news reporters at ng dati nilang head sa ABS-CBN News na si Ging Reyes.
Read: Atom Araullo, Zen Hernandez latest sighting with media friends
