GORGY RULA
Sa media conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry ng Quantum Films at Cineko Productions na UnMarry, binasa ng cast ang "unlove letter" na hawak nila.
Tanging si Tom Rodriguez lang ang hindi nagbasa.
Nang nakapanayam ng PEP Troika ang Kapuso actor pagkatapos ng mediacon ngayong Biyernes ng hapon, Disyembre 5, 2025, sinabi naming bagay sa kanya ang binasa ni Nico Antonio: “I hope you find happiness that you deserve. All the best in your new relationship.”
Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft
Pero sabi ni Tom, mas doon siya sa unlove letter na binasa ni Angelica Panganiban.
Nakasaad dito: “I love my peace na pinaghirapan, hindi niyo kayang bayaran. So, bakit ko gagawin ito? Bakit ako magsusulat ng letter para sa inyo?”
Paliwanag ni Tom: “Mas gusto ko yung sinabi ni Angelica na ‘I like the peace that I have now, so I’d rather not open that chapter.’
“Kasi it’s already closed, e. That letter was already written way in the past.”
TOM RODRIGUEZ ON EX-WIFE CARLA ABELLANA'S ENGAGEMENT
Kailan lang daw nabalitaan ni Tom ang tungkol sa engagement ng kanyang ex-wife na si Carla Abellana sa non-showbiz fiancé nito.
Sincere naman daw ang aktor sa hangad niyang wagas na kaligayahan para sa dating asawa.
Saad ni Tom: “Recently ko lang nalaman because of this mediacon.
“And when I heard nga, it’s an honest reaction, I wish her well. I wish them well.
"And, yeah, I’m glad that, you know, that everyone is moving on... I wish them well.
"Everyone deserves happiness, and we all deserve to be happy, and I’m glad we’ve all finally moved on.”
Read: Carla Abellana announces engagement — will a wedding follow soon?
Sa pagkakaalam namin, may restriction kay Tom na hindi sila puwedeng magkita ni Carla.
Tinanong namin ang aktor kung tapos na rin yung mga ganung legalidad sa kanilang dalawa.
“That’s their life," pakli niya.
"Ako, nakatutok sa sarili kong married life now. Doon na ako nakatutok.
“For me, I like what I have now and I’d like to keep it that way.
"Yun nga! Gusto ko yung peace na meron ako ngayon, mas dun na lang ako magpo-focus.
“So yung past, I don’t wanna open it anymore,” sabi pa ng Kapuso actor.
Bukod kina Tom, Angelica, at Nico, kabilang din sa pelikulang UnMarry sina Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Solenn Heussaff, at introducing dito ang batang si Zac Sibug.
Mula ito sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

JERRY OLEA
Hindi pa raw handa si Tom na magsama sila ni Carla sa isang project.
Pareho silang nasa Kapuso network, at posibleng mabigyan sila ng isang proyekto, pero hindi pa raw muna sa ngayon.
Sabi ng Kapuso actor, “For me, I’m okay with what I have. I’d rather not.
“Okay na ako sa ano... I like this. I like what I have. I don’t have to revisit that."
Ibinahagi rin ni Tom na dito na sa Pilipinas naninirahan ang American wife niya. Nagpakasal na raw sila sa Amerika bago niya dinala rito ang kanyang mag-ina.
Natutuwa siya at madali raw nakapag-adjust dito ang kanyang mag-ina.
“Akala ko, maging mahirap… pero lahat — food, weather, even yung, yun nga, yung people we met around us. I’m glad na… silang dalawa actually.
"Sa Filipino food, gustung-gusto nila pareho. Favorite breakfast nila, arroz caldo,” sabi pa ni Tom.
Natuturuan na raw niya ang kanyang misis na magsalita ng Waray at Tagalog.
Read: Tom Rodriguez shares glimpse of family ahead of Father’s Day
NOEL FERRER
Aminado si Tom Rodriguez na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang UnMarry.
May pagkakontrabida siya sa kuwento at baka i-relate daw ito sa isyung pinagdaanan niya noong nagkahiwalay sila ni Carla Abellana.
Ani Tom: “There's a lot of stuff out there about me that… well, the people close to me know isn’t true. So the public perception and the role—baka mag-blur yung line na yun.
“Pero yun nga, because of the project, sabi ko, why would I… parang sinabi ni Angelica kanina, 'Why would you deny a project na panghihinayangan mo?'
“It’s a really good story. And my character is like a piece of the opposite side of Celine’s pain, na kailangan siya for the story — na panghihinayangan ko.
“So if I let my own fear, parang stop myself from being part of project like this, mas feeling ko mananaig yung panghihinayang kesa yung sa takot na yun na, ‘Ahh baka isipin nila, ganyan ba siya sa totoong buhay, yung si Stephen at saka si Tom, iisa ba?’
“I have to separate that because I know for myself and my loved ones that it’s not the truth. This is a role.
"It’s a beautiful story and I’m very, very excited to take it.”
Malayo raw si Tom sa karakter na ginagampanan niya. Mas nakaka-relate daw siya sa karakter na ginampanan nina Angelica at Zanjoe.

“Nung binabasa ko nga, mas sa characters nina Ivan [Zanjoe] at Celine [Angelica] ako nakakahugot. I could relate to them.
“Lalo na si Ivan, he’s an artist as well. Ang bigat na pinagdadaanan niya is something that I… yung mga insecurities as an artist, I felt that as well,” sabi ni Tom.
Read: Gerald Anderson admits shortcomings in past relationship with Julia Barretto
