GORGY RULA
Nag-react ang kampo ni Manny Pacquiao sa ilang nagkokomento tungkol sa mga ibinigay nito sa kanyang anak na si Eman Bacosa.
Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang pagsa-shopping ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr. para kay Eman.
Kabilang sa ibinigay nila kay Eman ay isang mamahaling relo.
Dahil dito, may mga nagkomentong mabuti pa raw sina Dra. Belo at nagbigay ng relo sa batang boksingero.
Muling napulaan si Manny dahil sa komento ng ibang netizens na tila hindi man lang daw nito nabibigyan ang anak.
Read: Vicki Belo, Hayden Kho spoil Eman Bacosa with new training gear
Ganun din ang bashing na inabot ng Pambansang Kamao nang nagpa-interview si Eman sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ipinakita rito ang simpleng bahay ng pamilya ni Eman sa North Cotabato na salat sa karangyaan.
Sa premiere night noon ng KMJS' Gabi ng Lagim, hiningan namin ng reaksiyon si Eman tungkol sa mga komento ng netizens.
“Wala naman ako masyadong iniisip tungkol sa bagay na yun, kasi lagi namang may nasasabi ang ibang tao, e,” pakli ni Eman.
“So, yun… sa mga nagsasabi ng mga negative things, huwag niyo na po yung ano, masyadong ano, pakialaman.
"Kasi, about me and my dad ano, okay naman po kami.
“Kasi kahit anong explain sa mga tao, meron naman pong iba against dun. May iba silang mundo.”
Hindi niya sinabi sa amin kung may naibigay ba o wala ang kanyang ama.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny
LUXURY WATCH AND AN APARTMENT FOR EMAN
Isa sa nag-react sa mga negatibong komento tungkol kay Manny ay ang kaibigan naming si Bernard Cloma, na malapit sa mag-asawang Pacquiao, lalo na kay Jinkee.
Ipinost ni Bernard sa kanyang Instagram Story noong Linggo, December 7, 2025, ang relong Patek Philippe.
Aniya, iyon daw ang relong ibinigay ni Manny kay Eman.

Katabi ni Bernard si Jinkee nang tumawag siya sa amin para ilitanya ang mga naibigay ni Manny sa anak nito kay Joanna Bacosa.
Nag-react din si Jinkee dahil alam niya ang mga naibigay kay Eman.
Bago pa raw mag-pandemic ay binigyan na ni Manny ng apartment si Eman sa General Santos City.
Doon daw nakatira si Eman noong nagte-training ito, at may allowance daw ito every week para sa kanyang training.
Hindi ito nilinaw ni Eman sa PEP Troika nang nakapanayam namin sa premiere night ng KMJS’ Gabi Ng Lagim.
Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?
JERRY OLEA
Pinakiusapan ng PEP Troika si Bernard na ipasa ang telepono kay Jinkee, pero ayaw na raw nitong magsalita.
Ngunit napahinuhod pa rin siyang makausap sandali.
Matipid lang ang sagot ni Jinkee sa ilang katanungan ng PEP Troika.
Basta okay raw sila ni Eman.
Wala raw problema sa kanya kung maging close ang mga anak niya kay Eman.
“Okay naman sa akin. Tama naman mga sinasabi ni Eman,” sabi ni Jinkee.
Maingat din ang sagot ni Jinkee sa ibang katanungan, lalo na kapag tungkol sa ina ni Eman na si Joanna Bacosa.
Wala raw siyang masasabi tungkol kay Joanna.
“Okay naman sa akin, okay lang naman. Never naman nakaano si Bacosa sa akin, si Joan.
"Never siya nakarinig sa akin ng kahit ano diyan. Wala talaga siyang narinig sa akin.
"Siya pa ang medyo… ay! Huwag na lang ako magsalita!” makahulugang sabi ni Jinkee.
Read: Zanjoe Marudo, itinangging hiwalay na sila ni Ria Atayde
NOEL FERRER
Inusisa rin ng PEP Troika si Jinkee tungkol sa pagiging boksingero ng anak niyang si Jimuel Pacquiao.
Kung siya raw ang masusunod, ayaw talaga niyang mag-boxing ang kanyang mga anak.
Hindi raw niya kayang panooring nakikipagbakbakan ang kanyang anak sa ring.
Pero wala naman daw siyang magagawa kung gusto talaga nila.
Kagaya ni Jimuel, hindi raw niya kaya itong pigilan.
“Kasi ang mga bata, kung gusto talaga nila, wala ka namang magagawa.
“E, yun ang gusto nila e. E, ang ano nila, na parang goal nila sa buhay. Ayun nga, susuporta lang ako.
"Pero minsan parang sinasabi ko sa kanya, parang hindi ko na kaya pag sa second fight.
“Parang ayoko na lang siguro manood. Parang hindi ko kaya kasi, e, naaano na ako nung una.
“Kahit nga yung mga amateur fights lang niya, hindi na ako masyado naano. Hindi ko na masyado inaano, lalo na kung totoo na.
“Mahirap talaga, super!” bulalas ni Jinkee.
Read: Tom Rodriguez, may mensahe sa engagement ng ex-wife na si Carla Abellana
