PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, willing mag-leave muna sa showbiz para magka-baby?

On becoming a nanay: "Gusto ko na talaga!”
by PEP Troika
Published Dec 28, 2025
Vice Ganda, Best Actress at 51st Metro Mnaila Film Festival: Gabi ng Parangal
Vice Ganda wants to become a nanay, a sentiment he mentioned during and after his acceptance speech at the Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: MMFF on Facebook

GORGY RULA

Parang nakalutang lang daw si Vice Ganda sa 51st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, 2025, sa Dusit Thani Hotel, Makati City.

Ayaw na lang daw niyang mag-expect pa na magwagi siyang Best Actor. Nakasanayan na raw niyang hindi napapansin ang kanyang pinaghirapan sa pelikulang nagawa niya.

“Ni-let go ko na kasi siya, e. Kaya ako sobrang biglang-bigla, ni-let go siya,” sabi ni Vice matapos ang awarding ceremony.

“I came here, not expecting to win. I just want to support the festival and the industry. I want to support my co-actors, my movie, pero hindi…zero expectations ako talaga.

“Hindi ko siya ini-expect kasi mas sanay na akong hindi natatawag. Kaya ayoko na mag-expect.”

Vice Ganda after his acceptance speech at MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Vice Ganda after his acceptance speech at MMFF 2025 Gabi ng Parangal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakahalaga sa kanya ng tropeyong natanggap bilang Best Actor.

“Kasi tinatrabaho ito ng hindi lang ako. Tinatrabaho ito ng maraming tao. Trinabaho ito ng direktor ko, trinabaho ito ng hindi lang direktor ko ngayon, kundi ng mga nakaraan kong direktor.

“Silang lahat ang naghanda sa akin para sa gabing ito. Trinabaho ito ng lahat ng mga naging producers ko, lahat ng naging co-actors ko.

“Kaya nga yung yakap ko kanina kay Gladys [Reyes]. Sabi ko, ‘Ano, trinabaho niyo rin ito ni Uge [Eugene Domingo]. Last year pa.’ Kaya maraming-maraming salamat. Kasi sila talaga yung nagpu-push sa akin, e.

“Kaya ano ito, wagi ito ng lahat na nagtrabaho para mapunta sa akin itong moment na ito tonight.

“Hindi ko ito just hard work. Hard work ito, passion ito, and dream ito ng maraming taong minahal ko,” saad ni Vice Ganda.

VICE GANDA ON HAVING A BABY

Binanggit din ni Vice Ganda sa huling bahagi ng kanyang acceptance speech na matagal na nilang pinaplano ni Ion Perez na magkaroon ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi niya ang kanyang award kay Ion, pero nag-sorry rin siya. Matagal na raw nilang binabalak na magka-baby, pero hindi matuluy-tuloy.

Sabi ni Vice sa acceptance speech:

“Gusto ko mag-sorry kay Ion dahil taun-taon, pinaplano namin magkaanak. Pero dahil sa dami ng iniisip ko at obligasyon ko at trabaho ko at napakarami ko pang gustong gawin, taun-taon, hindi rin namin naitutuloy yung plano namin.

"Kaya parang taun-taon, namamatayan din kami ng anak. Kaya sana, magkaroon pa ako ng mahaba pang buhay, para… at sana, makapagdesisyon na talaga ako para maibigay ko na yun sa pamilya namin, kasi gusto ko na talaga maging nanay.

“Kasi gusto ko nang magmahal ng bata na sarili ko, na akin, na puwedeng-puwede dahil nanay talaga ako.”

After ng program, tinanong ko itong muli kay Vice.

“Yun nga, gusto namin. Sana. Sana. Gusto ko na talaga!”

Willing ba siyang isakripisyo muna ang kanyang showbiz career at pansamantalang iwan ang It’s Showtime para makapag-focus sila sa pagkakaroon ng baby through surrogacy?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hopefully I can do that. Hopefully, I can decide to do that,” tugon ni Vice Ganda.

Read: Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025

JERRY OLEA

Top grosser sa MMFF 2025 ang pelikula ni Vice Ganda na Call Me Mother, sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Last year ay top grosser din ang official entry ni Vice, And The Breadwinner Is…, na si Direk Jun din ang direktor.

Nang i-announce na si Vice Ganda ang best actor, ang unang yumakap sa kanya ay ang katabi niyang best child performer na si Lucas Andalio at sumunod si Direk Jun.

Sa premiere ng Call Me Mother noong Disyembre 23, Martes, sa SM Megamall, ay nag-chant ang audience ng, “Best actor! Best actor! Best actor!”

Sa MMFF 2025 awards night, nang ihayag na si Vice ang best actor, ang chant ng kanyang supporters, “Vice Ganda! Vice Ganda! Vice Ganda!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For sure, hindi na matitinag ang Call Me Mother bilang top grosser ng 51st MMFF! Congrats!!!

Read: MMFF 2025 Box-Office Update: Musta ang total gross at ranking?

NOEL FERRER

Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na maging malapit o magkatrabaho ni Vice Ganda, pero malaki ang pasasalamat ko at malaki ang naiambag niya sa kampanya para sa maayos na mga lider ng bansa at laban sa korapsyon.

Kaya minarapat kong mag-open letter sa kanya—bilang appreciation sa lahat ng magandang nagawa niya at pagkilala na rin sa pagiging epektibong paggamit ng platform niya para sa kapwa nating Pilipino.

Heto ang aking nasulat at na-post na (published as is):

DEAR MEME VICE,

It’s time that you are given the recognition that you deserve! I just want to express my heartfelt admiration for your incredible contributions to the entertainment industry and, more importantly, to the betterment of our country.

The time has really come for the Metro Manila Film Festival to recognize your tireless efforts in bringing our sector to the forefront. Your dedication and passion have not gone unnoticed, and it is only fitting that you receive the accolades you so rightfully deserve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Beyond your accomplishments in show business, I wanted to take a moment to personally THANK YOU for standing with us in our quest for better leadership and a more compassionate Philippines. Your voice matters, and your unwavering commitment to speaking truth to power has inspired countless individuals, including myself. Thank you, VICE, for being a beacon of hope and strength. May your star continue to shine brightly.

Sincerely, Salamat, NOEL

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda wants to become a nanay, a sentiment he mentioned during and after his acceptance speech at the Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: MMFF on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results