GORGY RULA
May mga aabangan tayong mga personalidad ngayong first quarter ng 2026, at malalaman kung tama ba ang desisyon nilang pasukin ang pag-aartista.
Karamihan sa kanila ay lumikha ng ingay sa social media, nag-trending, at kinaaliwan.
Read: Ten Years, One Night: DAY6 lights up Manila at The Decade concert
EMAN BACOSA PACQUIAO
Kabilang sa kanila ay ang anak ng Pambansang Kamao, si Emman Bacosa Pacquiao, na kinuha ng Sparkle ng GMA Artist Center.
Abala pa ngayon si Emman sa pag-eensayo sa nalalapit niyang laban sa February.
Pero ang latest na nasagap ng PEP Troika, kabilang daw si Emman sa cast ng upcoming action-drama series ng GMA-7 na Task Force Firewall.
Bida rito sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix; at ididirek ni Rico Gutierrez.
Wala pang ibinibigay na impormasyon kung ano ang magiging role ni Eman sa bagong project na ito ng Kapuso network.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny

ELIAS J.TV
Ang isa pang kaabang-abang ay ang sikat na reggae musician na si Elias J.TV.
Pagkatapos ng guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong nakaraang linggo, nagkita sila ng executive ng GMA-7 na si Ms. Camille Hermoso.
Ipinost niya ito sa kanyang Facebook account na ang nasa caption nito ay “Soon...”
Hindi ipinaliwanag ni Ms. Camille kung ano ang aabangan kay Elias.
In-assume na lang namin na mukhang papasukin na rin ni Elias ang pag-aartista.
Abangan na lang daw, sabi sa amin ni Ms. Camille.
Pero sabi ng ilang napagtanungan namin, masyado pa raw kabado si Elias sa kung anuman ang gagawin nito sa GMA-7.
Read: Elias J. TV files petition to cancel contract with talent manager

NOEL FERRER
MARCO NAVARRA
Nag-viral din ang mga guwapong boylets ng Tondo na sumayaw sa Lakbayaw 2026 noong fiesta ng Tondo. Isa rito na kinatuwaan ng mga babae’t bading ay ang graduate ng Letran na si Marco Navarra.
Nag-guest siya sa Unang Hirit at TiktoClock.
In-announce na rin ng Cornerstone na pumirma na sa kanila si Marco.
Pero nabalitaan ng PEP Troika na may nagma-manage talaga kay Marco, ang AdAsia.
Sabi ng boss dito na si Andy Minodin, sinabi raw sa kanya ng contract artist nilang si Marco na wala siyang pinipirmahang kahit ano sa Cornerstone.
Abangan na lang natin ang opisyal na pahayag ukol dito.
Read: Boom Labrusca slams topless male performers at Sto. Niño fiesta

JERRY OLEA
LAKBAYAW CUTIES
Kasabay ni Marco Navarra na nag-guest sa Unang Hirit ang dalawa pang Lakbayaw cuties na sina John Matthew Aclaracion at Nomer Alejo.
Sumasali sina John Matthew at Nomer sa mga bikini contest.

BAGETS THE MUSICAL CAST MEMBERS
Sa Bagets The Musical ay noon pa tayo familiar kina Andres Muhlach, KD Estrada, Noel Comia Jr., Migo Valid, at Jeff Moses.
Si Ethan David, naka-partner ni Ashtine Olviga sa MMFF 2025 entry ng Manila’s Finest.
Bago sa paningin natin sina Milo Cruz, Mico Hendrix Chua, Tomas Rodriguez, at Sam Shoaf.


OTHER PROMISING MALE STARS
Sa MMFF 2025 entry na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ay promising sina Arkin Lagman at Dylan Yturralde.

Sa VMX, isa sa mga baguhang nakakapukaw ng pansin ay ang bagong alaga ni Mudrakels Jojo Veloso na si Allen Legazpi, na nagpakitang-gilas sa Nympho, Akin Ang Gabi at Breast Friends Forever.

Abangan din natin ang pag-build up kay Sean Raval, na isa sa BorrAT (Borracho Artists & Talents) ng Borracho Films Production.
Si Sean ay anak ni Jeric Raval. Tampok siya sa music video ng pelikulang Spring in Prague, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pebrero 4, 2026.

Malapit na ring ipakilala ng talent arm ng TV5 ang mga bagong talents under sa kanilang talent management group na tinawag nilang Starworx.
TYKE SANCHEZ: CARIDAD SANCHEZ'S GRANDSON
Wala pa silang inilabas na pangalan ng mga bagong talents, pero nasa kuwadra na nila ang apo ng veteran actress na si Caridad Sanchez na si Tyke Sanchez.
Ipinaliwanag ni Tyke na ang lolo niya ay pinsan pala ni Tita Caridad. Pero close daw siya sa lola niya na noong nagsisimula siyang mag-artista ay madalas daw silang nag-uusap.
“When I started kasi sa showbiz, si Lola rin yung nagturo sa akin kung paano umarte talaga. Yung mga proper etiquettes. Dapat lagi akong nasa set on time, dapat laging mabuti sa lahat ng tao, ganun.
“So, I learned a lot from lola naman kahit papano talaga when I started acting,” pakli ni Tyke sa nakaraang birthday party ni Ihman Esturco.
Kagaya ni Ethan ay kasama si Tyke sa Manila’s Finest.

THAN PEREZ
Promising din ang model at reigning Mr. Grand Philippines na si Than Perez.
Akala namin ay kapatid ito ng PBB: Celebrity Colab Edition 2.0 housemate na si Fred Moser, dahil siya ang sumundo noon sa isa sa nominations ng tinaguriang "Ang Courtside Charmer" ng Albay.
Nilinaw ni Than na magkapatid lang sila sa isang talent management na nagha-handle sa kanila. Napakiusapan lang daw siya noon na sumundo dahil hindi raw kaya ng tita ni Fred.
Pero noon pa man ay napansin na itong si Than dahil sa tangkad niya at kaguwapuhang mala-Alden Richards.
Puwede nga raw silang mag-brother ni Alden.
“Always naman yun na sinasabi sa akin. So, I’ve been happy. Kasi Alden is Alden. He’s mabait and successful,” pahayag ni Than, na kasama sa pelikulang Mantsa directed by Louie Ignacio.

Read: "Naghihirap"? Willie Revillame owns Grand Hyatt penthouses, 3 choppers, 10M-dollar yacht
